Chapter 48 Ride “MOMMY, why is Daddy still sleeping?” Sinenyasan ko si Aegeus gamit ang hintuturo kong ‘wag magsalita at napangiti ako nang sundin niya ako. “Just kiss Daddy then we’ll go, later when I finish my work, we’ll go to the mall with Daddy. Don’t wake him up,” bulong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit patungo kay Pisces na mahimbing nang natutulog. Nang matapos siyang hagkan sa pisngi ni Aegeus ay inakag ko ang anak ko para umalis na pero umiling siya. “What?” “Where’s Daddy’s kiss from you?” Napailing ako sa sinabi ng anak ko at mabilis na kinintalan ng halik sa pisngi si Pisces. Doon pa lang nakuntento ang anak ko at sumama na sa akin paalis ng kuwarto. “Is Daddy sick?” untag niya sa akin nang makasakay kami sa kotse ko. I decided to drive today dahil day-off

