Chapter 49 I’ll be here HUMAHANGOS na lumapit ako kay Pisces tangan-tangan si Aegeus. Kitang-kita ko mula sa malayo ang nahihirapang hitsura ng asawa ko. “Daddy!” Agad na yumakap sa kanya si Aegeus na mabilis bumitiw sa pagkakahawak ko. “What happened to Granny, Daddy?” tanong ni Aegeus sa ama niyang kinalong siya at niyakap patalikod. “She’s sick so the doctors are treating her,” “Is she going to be okay?” “O-of course, she will.” Binalingan ko ang anak ko, “Baby, you should eat na muna. Sama ka muna kay Uncle Johnson,” sabi ko sa anak kong umiling pero nang tingnan ako ay tila nakakaintinding tumango at umalis sa hita ng ama niya. “Thank you,” saad ko kay Johnson nang buhatin niya si Aegeus. Nang mawala sila sa paningin namin ay iniharap ko sa akin si Pisces. Larawan ang pa

