Naloko Na

1355 Words
Skye. Flashback "So, pupunta ka ba sa party ko mamaya?" Tanong ni Gen, isa sa mga kaibigan ko. "Syempre naman noh! Birthday mo kaya yun!" Sagot ko naman. "Good. Punta ka nalang sa bahay at 7pm, okay?" Sabi nya. "Sige sige. Bye!" Sabi ko tapos binaba na ang tawag. 7pm? 3pm na ng hapon, kailangan ko nang mag-ayos. Char! Ano ako, hilo? 4 hours pa nga eh! Pero kung sabagay, ang tagal ko pa naman maligo at pumili ng maisusuot. Kailangan ko na talagang magsimulang mag-ayos ngayon pa lang. Pagkatapos ng ilang minutong pag-upo sa inidoro, nag-iisip ng major life decisions, napagpasyahan ko nang magsimulang maligo, na nauwi sa pagka-tulala ko sa ilalim ng tubig na lumalabas mula sa shower, nag-iisip na naman ng major life decisions, tapos konting sayaw sayaw, kanta kanta, konting pag-arte na may kalaban daw at nasa isang major sagutan kami at ang ganda ng mga comebacks ko. Nung makalabas ako mula sa banyo, nakita kong halos isang oras din pala akong nandun, at siguro mga five minutes lang nun ang actual na pagligo ko, the rest ay ang mga kabaliwan ko na. Okay now, time to make ukay my kabinet to look for masusuot. Tinry kong magsuot ng iba't ibang combinations, t-shirt at jeans, dress, pambahay, pajama, P.E. uniform, swimsuit, at napag pasyahan ko na mag t-shirt at jeans nalang. Tamang tama kasi comfortable lang ang t-shirt at ang jeans naman ay para hindi lamukin ang beautiful legs ko. Nung 7pm na, naglakad na ako papunta sa bahay nina Gen. Nasa kabilang kanto lang naman kaya keribels na. "Skye! Mabuti nakarating ka!" Bati ni Gen sakin nang pumasok ako sa bahay nya. Ang party nya ay katulad sa mga party sa amerika, yung mga wild na party. Eto kasi ang ni-request nya na theme para sa 18th birthday nya. Yes, débutante ang kaibigan kong toh. Girlfriend kasi sya ng pinsan kong ka-close ko kaya naging magkaibigan kami. Pero ayaw nya na tinatawag ko syang ate kasi feeling nya ang tanda nya na pag-ganun eh two years lang naman ang agwat namin. Naging matiwasay naman ang lakad ng party, wala akong masyadong kaedad dito kaya nagmukha akong loner na nakaupo sa gilid habang umiinom ng punch. "Hi." Napatingin ako sa lalake na biglang sumulpot sa gilid ko. "Hi." Sagot ko naman. Ayoko naman maging suplada noh. "So, kaano ano mo ang may birthday?" Tanong nya, "Kaibigan?" "Yeah. Tsaka, girlfriend sya ng pinsan ko." sagot ko naman. "Talaga? Eh pinsan ko si Gen eh." Sabi nya. "Small world nga naman." Sabi ko, "Ako nga pala si Skye. Ikaw?" "Tawagin mo nalang akong Aj." Sagot nya. "Aj? Sounds cool." Sabi ko. The rest of the night, si Aj lang ang kasama ko. Kwentuhan kami ng kwentuhan, likes, dislikes, love, life, at nalaman namin na marami pala kaming things in common. Hanggang sa umaga na, nagkahingian kami ng number. Syempre, binigay ko naman agad noh. Gwapo kaya nya. Choosy pa ako? Haha. Couple of weeks later, naka-recieve ako ng text mula sa kanya, Hi Skye! May ginagawa ka ba ngayon? Nandito ako sa mall inutusan ako ni Gen, nagmumukha akong loner eh. Pwede ka ba? Tutal wala naman akong ibang ginagawa maliban sa tumunganga at magpa-lamok dito sa bahay, um-oo na ako sa offer nya. After 15 minutes, nandito na ako sa mall at magkasama na kami ni Aj. Sinamahan ko syang mamili ng mga school supplies daw ni Gen, may date kasi sina Gen at yung boyfriend nya s***h pinsan ko na si Fred. "Hahaha! Grabe ang epic naman nun!" Sabi ko ng natatawa habang nakaupo kami sa loob ng McDo para kumain ng meryenda. Kakakwento lang sakin ni Aj nung time na prep pa lang sya at parati syang may suot na glasses, wala lang daw, for fashion. Oh diba, ang bata bata fashion na ang laman ng utak. Tapos yun nga, may one time na nakalimutan nya yung glasses nya kasi late na sila nagising nung mama nya tapos sinabihan daw sya ng teacher nya na mukha daw syang intsik na naputo. "Kainis yung teacher na yun namin, ang sarap bigwasan. Hahaha." Sabi nya na natatawa din sa sariling kwento. Dumating na ang gabi at hindi maiiwasan na magpaalam na kami sa isa't isa. "Alam mo, bukas nandito ulet ako sa mall, nagbabakasakali lang ako na baka nandito ka rin? Siguro mga 1 pm sa harap ng timezone?" Sabi nya sabay kindat at na-realize ko naman agad ang sinasabi nya. Niyayaya nya ako sa isang date! Yiieee!! Ang saya!! Kinabukasan, nagkita na kami sa harap ng timezone sa mall. Naglaro kami dun tapos nag-ikot ikot tapos kumain kami, kwentuhan, tawanan. Ang saya lang, grabe. Nagpatuloy ito ng ilang buwan, parati nya akong niyayayang lumabas, hanggang sa isang araw, habang nakaupo kami sa isang upuan sa park na malapit samin, bigla nyang tinawag ang pangalan ko. "Skye." "Bakit?" Tanong ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa mga ulap. "May sasabihin ako sayo pero wag ka sanang magalit ah?" Sabi nya at nakuha naman nya ang atensyon ko. Napatingin ako sa kanya sabay tanong ng, "Ano yun?" "In love na yata ako." Sagot nya. Bumilis ang t***k ng puso ko. "Talaga? Sino naman itong unlucky person na na-type-an mo?" Pabirong tanong ko. Tanga mo naman Skye. Paano nalang kung hindi ikaw yun? Inaamin ko, this past few months na magkasama kami, hindi ko napigilan ang Mr. Heart ko na mahulog sa kanya. At ngayong sinasabi nya na in love na sya, sino kaya ang maswerteng babae na nakapagpaibig sa kan-- "Ikaw." Ilang buwan ang lumipas, mukhang stable naman ang relasyon namin ni Aj. Nung una, ang sweet sweet namin, parati syang may mga surprise gifts sakin, parati kaming magkasama at di maubusan ng load ang cp ko kakatext sa kanya. Pero ngayon, after two months na naging kami, ang asukal kahit i-display ko hindi na nilalanggam, ang mga surprise gifts nya sakin, wala na, at ang unli ko, sayang na. Hindi na kami masyadong nagkikita. Parang may bumuhos ng tubig sa nagbabagang pagmamahalan namin. Hanggang sa isang araw, inutusan ako ni mama na mamili ng grocery. Pagkatapos kong mang-grocery, napagpasyahan ko na kumain muna sa paborito naming kainan ni Aj, ang McDo. At yung dating fries na sinusubo nya sakin, iba na ang kumakain. Nakita ko sya sa isang table na di kalayuan sakin na kumakain habang may kasama na ibang babae. Pero teka, baka naman pinsan nya o kaibigan lang diba? Kaya para ma-klaro ang iniisip ko, tinawagan ko sya. Nakita kong kinuha nya ang cp nya tapos sumimangot sya ng makita nya ang pangalan ko sa screen. Pero tinawagan ko lang sya ng tinawagan hanggang sa sinagot na nya. "Bakit ba, Skye?" Bungad nya ng may halong inis sa pagkakasabi nya. "Ah, nasaan ka ngayon? Nandito kasi ako sa mall eh, inutusan ako ni mama, magpapasama sana ako sayo." Sabi ko sa kanya. "Nasa mall ka?" Parang natatarantang tanong nya tapos tumingin tingin sa paligid, mabuti nalang at mabilis akong yumuko, kunyari may nahulog daw, para hindi nya ako makita. "Oo, nasaan ka ba?" Tanong ko ulet. Sumilip ako at nakita ko syang hawak yung babae sa kamay at naglalakad sila palabas ng McDo. "Ah, nasa bahay ako. Sorry, busy kasi ako sa mga assignments." Narinig ko mismo yun nang dumaan sya sa gilid ko habang nakayuko parin ako. "Ah ganun ba? Sige, bye." Sabi ko tapos binaba ang tawag. Wow naman, bahay nya na pala ang mall at assignment na pala ang mangaliwa? Grabe, di ako informed. Hinayaan ko na tumulo ang luha ko. Ang sakit grabe. Ganito pala ang feeling na maloko? Pinagtinginan ako ng mga tao kaya sumigaw nalang ako ng, "May allergy pala ako sa manok, naiiyak ako kapag kumakain ako nito." Tapos umalis na ako sa lugar na yun. Habang naglalakad ako palabas ay may nakabangga ako, pagtingin ko, ang kampon lang pala ni Hudas. "Aj." Umiiyak na sabi ko. "Babe, sino sya?" Tanong ng babae nya na tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ko sya kilala." Sabi nya tapos inkbayan ang babae, "Tara na." Tapos umalis na sila. Agapito Juan Vutoyon. Gago ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD