Why Does It Have To Be?

1274 Words
Third person. Flashback. "Okay class, introduce yourselves." sabi ng kanilang guro at tinuro ang babae na nakaupo sa harap. "Hi! Ako si Alexandria James Ledona. Tawagin nyo nalang akong Alex. Sana maging friends tayong lahat!" sabi ni Alex. Next ay yung lalake na nakaupo sa tabi nya. "Ako si Josh." Sabi nya. "Josh?" Tanong ng teacher tapos tinignan ang class record nya, "Josh Kellington?" "Maam ako po si Josh Kellington!" Sabi ng isang mukhang amerikano mula sa likod. Nagtaka naman ang teacher nila, "Eh isa lang naman ang Josh dito eh, sigurado ka bang ito ang section mo?" "Opo, nickname ko po yung Josh." Sabi nya. "Ah kaya naman pala, eh ano ang real name mo?" Tanong ng teacher. Nung una binulong lang ni Josh kaya sinabihan sya ng teacher nya na pakilakasan naman ang pagkakasabi nya. "Joselito Dimakutak." Sabi nya. Nagtawanan ang mga kaklase niya liban nalang sa katabi nyang babae. "Manahimik nga kayo! Eh ano naman kung panget pangalan nya? At least hindi nya sinunod ang mukha nya sa pangalan nya." Sabi ni Alex tapos umupo ulet. Nung lunch time, mag-isang kumakain si Alex sa isang table sa cafeteria, bago kasi sya sa school na ito at yung mga kaibigan nya na nakilala nya ngayon, may mga ibang kaibigan din sa ibang section, ayaw naman nyang ma-OP kaya hindi nalang sya sumabay. "Pwede makisabay?" Napalingon sya sa nagsalita at nakita nya si Josh. Tumango naman sya ng may ngiti sa kanyang mga labi. "Salamat nga pala kanina ah?" Sabi ni Josh tapos inabot ang isang bottle ng juice kay Alex, "Eto oh, thank you gift lang." Inabot ni Alex ang binigay sa kanya ni Josh, "Nag-abala ka pa. Wala yun noh! Ginawa ko lang ang tama." Napangiti na lamang si Josh na ginantihan din ni Alex ng isang ngiti. Simula nang araw na yun ay naging close na silang dalawa. Hindi na sila mapaghiwalay. Pag may nanlalait sa pangalan ni Josh, tinatarayan ni Alex, pag may pumorma kay Alex na ayaw nya, inaaway ni Josh. Pwede mo na silang tawaging bestfriends pero alam nilang dalawa na may nararamdaman sila na higit pa sa pagkakaibigan. "Alex, hindi ka ba nagsasawa na maging kaibigan ko?" biglang tanong ni Josh nung isang araw habang tumatambay sila sa garden ng school. "Bakit naman ako magsasawa?" Tanong ni Alex. "Pasensya ka na, kasi ako nagsasawa na eh." Sabi ni Josh, "Sawang sawa na." "Ano bang pinagsasabi mo, Josh?" Tanong ni Alex habang pinipigilan ang mga luha na gustong tumulo mula sa mga mata nya. "Ayoko na maging kaibigan mo. Hindi pa ba yun klaro?" Sabi ni Josh. "Bakit, Josh? May nagawa ba ako? Bakit?" Tanong ni Alex na hindi na napigilan ang mga luha nya. "Ayaw na kita maging kaibigan kasi gusto kitang maging ka-ibigan." biglang banat ni Josh. Napatigil naman si Alex sa pag-iyak. Iniisip nya kung tama nga ba ang narinig nya. Si Josh na bestfriend nya na kaya nya pinagtanggol nung unang araw ng klase na pinagtawanan sya dahil sa pangalan nya, dahil sa na-love at first sight sya, ay sinasabi sa kanya na gusto nya itong maging ka-ibigan? "Alex, alam ko na maaari nitong masira ang pagkakaibigan natin, pero willing ako na kunin ang risk, makasama ka lang." Sabi ni Josh, "Alex, gusto kita. Sana gusto mo rin ak--" Hindi natapos ni Josh ang sinasabi nya dahil bigla na lamang sya niyakap ni Alex. "Gusto rin kita. Dati pa." Sagot ni Alex. At dun na nagsimula ang isang pagiibigan na hindi nila alam na agad rin naman palang mahahantungan. "Ma, pa, sya si Alexandria Ledona. Girlfriend ko." Pagpapakilala ni Josh kay Alex sa mga magulang nya. "Ledona?" Tanong ng mama ni Josh, "Anak ka ba nina Alexa at James Ledona?" Gusto sanang sagutin ni Alex ng, 'Obvious po?' Pero sa halip ay sinagot nya nalang ng oo. Ayaw naman nyang magpakita ng hindi paggalang sa mga magulang ni Josh. "Anak, hiwalayan mo sya." Biglang sabi ng mama ni Josh. "Po?" Takang tanong ni Josh. "Hiwalayan mo ang anak ng halimaw na yan." Sabi ng mama nya, "Hindi ako papayag na may angkan ng Ledona na makakapasok sa pamilya natin!" "Ma, hindi! Mahal ko si Alex, at kung ano man ang meron sa inyo at sa mga magulang nya ay wala na kaming kinalaman dun!" Pagsuway ni Josh sa ina nya. "Aba! Sinusuway mo na ako ngayon ng dahil sa anak ng demonyong yan?!" Sigaw ng mama ni Josh at bigla na lamang nahimatay. "Hiwalayan mo ang babaeng yan kung ayaw mong mawala ang mama mo." Sabi ng papa ni Josh bago tinakbo sa ospital ang mama nya. Napaupo nalang si Josh at napahawak sa ulo nya. Mahal nya si Alex pero mas importante ang pamilya para sa kanya. Katunayan, ito ang unang pagkakataon na sumagot ng ganun si Josh sa mga magulang nya sa sobrang pag-respeto nya sa mga ito. Pero susuko nalang sya ng ganun? Hindi nya kayang mawala si Alex sa buhay nya. Masyado na nyang mahal si Alex para mangyari yun. "Okay lang yan Josh, kaya natin to. Dadaan din to." Sabi ni Alex bilang pag-comfort sa kasintahan. At doon na-realize ni Josh na, sina Alex at ang Mama nya ang dalawang pinaka-importante sa buhay nya, pareho nya itong mahal kaya gagawa sya ng paraan para hindi mawala ang isa sa kanila sa buhay nya. Ang mga sumunod na araw ay naging mahirap para sa kanilang dalawa, nalaman ng mama ni Alex na kasintahan nya ang anak ng mga Dimakutak kaya pinagbawalan sya ng nga magulang nya na makipagkita pa kay Josh. Pinalipat sya agad sa isang all girls school para lang mapaghiwalay sila ni Josh. Si Josh naman ay kinulong ng mga magulang nya sa bahay nila, pina-home school sya at hindi pinalabas ng bahay. Nung una, ginawa nila ang lahat, pinatunayan nila na hindi sila matitibag ng konting distansya. Tuwing gabi, tatakas ng bahay sina Alex at Josh para lang magkita silang dalawa. Hanggang sa nalaman ng mga magulang ni Josh ang ginagawa nila, sinalubong nila ang anak nila na kakauwi lang mula sa pagkikita nila ni Alex. "Hindi na namin hahayaan pa na magkita kayong muli." Sabi ng mama nya at pagsikat pa lang ng araw kinabukasan, umalis sila papunta sa Amsterdam. Hindi nagawang ipaalam ni Josh kay Alex na aalis sila kasi kinuha ng mga magulang nya ang cellphone nya. Kinagabihan, dumating si Alex sa usual na lugar na pinagkikitaan nila ni Josh ngunit nagtaka sya ng hindi nya nakita si Josh, kadalasan kasi pagdating nya, nandun na si Josh at hinihintay sya. Pero inisip lang nya na baka male-late lang ng konti si Josh. Naghintay sya. 10 minutes. 30 minutes. Isang oras. Dalawa. Tatlo. 2:30 na ng madaling araw pero wala parin si Josh, kaya napagpasyahan ni Alex na umuwi nalang. Naglalakad sya pauwi nang may madaanan syang grupo ng mga lalake na umiinom. Napagdiskitahan nila si Alex at kung hindi dahil sa isang mag-asawang pulis na napadaan dun na kakauwi lang mula sa trabaho, ay tuluyan nang na-r**e si Alex. Nanginginig sya sa takot at hindi pa nakatulong na nung tinawagan ang mga magulang nya ay inuna pa nila na pagalitan sya dahil sa pakikipagkita kay Josh kesa sa pag-aalala nila sa kanya. Kinabukasan, kahit nanginginig patin sya sa takot ay tumakas parin sya para pumunta sa bahay nila ni Josh. Gusto nyang harapin ang mga magulang nito. Gusto nyang ipaglaban ang pag-iibigan nila. "Naku ineng, kahapon pa ng umaga umalis sina maam papunta sa ibang bansa. Pasenya na." bungad ng katulong sa kanya. At dun na sya tuluyang napaupo sa sahig at napa-hagulgol nalamang. Iniwan sya ng mahal nya. Iniwan sya ni Josh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD