Ang bawat segundong lumipas sa loob ng sasakyan pabalik sa mansyon ay tila mas lalong nagpapabigat sa hanging namamagitan sa amin ni Desmond. Nakatingin lang ako sa labas, pinapanood ang mga ilaw ng Paris na unti-unting naglalaho at napapalitan ng madidilim na puno ng Chantilly. Ramdam ko ang kaniyang titig—mainit, mapanuri, at tila may hinahanap na hindi ko maibigay. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon, hindi niya hinintay na pagbuksan ako ng mga tauhan niya. Siya mismo ang bumukas ng pinto at hinawakan ang kamay ko para alalayan ako palabas. Ang kaniyang haplos ay hindi na kasing lupit ng kanina, pero naroon pa rin ang awtoridad na tila ba sinasabi niyang sa loob ng mga pader na ito, siya ang batas. Dumiretso kami sa kaniyang malawak na library. Ang tanging liwanag ay nanggag

