CHAPTER 47

2759 Words

Nang makaalis si Adrienne, hinarap ko si Desmond. Ang kaniyang mukha ay puno ng mapang-uyam na ngiti, tila ba nanalo siya sa isang loterya. "Ano ’yun, Desmond? ’Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mong ibigay ang annulment? Dahil gusto mong panoorin akong magmukhang tanga habang nilalandi ka ng babaeng ’yan?" singhal ko sa kaniya, pilit na hindi sumisigaw para hindi kami pagtinginan. "Nagseselos ka, Mariel," simple niyang sagot, habang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. "The way you held my arm, the way you looked at her... admit it. Kahit gaano mo ako kamuhian, ayaw mong may humahawak sa akin na iba." "Gago ka talaga! Ibibigay mo ang annulment na ’yan o sisirain ko ang party na ito!" Hinawakan niya ang baywang ko at hinila ako palapit, sapat na para maramdaman ko ang kaniyang init.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD