Nang gabi niyon, sa harap ng kaniyang mga partners, naging perpekto ang aking pagganap. Nakasuot ako ng pulang gown, nakangiti, at nakikipag-usap nang mahinhin. Ngunit sa ilalim ng mesa, ang aking mga kuko ay bumaon sa aking palad hanggang sa dumugo ito. Iyon ang tanging sakit na nagpapaalala sa akin na buhay pa ako. Pagkatapos ng dinner, dinala ako ni Desmond sa aming silid. Sa gitna ng dilim, habang pinapanood ko ang kaniyang anino sa dingding, narealize ko ang isang bagay. Kung hindi ko siya matatalo sa batas, at kung hindi ko siya matatakasan sa mansyong ito, sisirain ko siya sa loob. Sisirain ko ang kaniyang katinuan hanggang sa siya na mismo ang bumitaw. "I love you, Mariel," bulong niya bago kami matulog. "I know, Desmond," sagot ko, pero sa isip ko, idinagdag ko: And I will be t

