CHAPTER 29 Ang sikat ng araw sa umagang ito ay tila may dalang kakaibang bigat. Graduation day. Ang mansyon ng mga Salvatore ay muling nabuhay, pero hindi sa paraang nakasanayan ko noon. Ang bawat sulok ay pinalutian ng mga sariwang bulaklak at mamahaling dekorasyon na tila ba tinatabunan ang lahat ng pait na dumaan sa mga nakaraang buwan. Ito ang araw na dapat ay pinakamasaya kami ni Dominic, pero heto ako, mag-isang humaharap sa salamin. Ang party ay gaganapin sa malawak na garden ng mansyon. Isang magarbo at engrandeng pagtitipon kung saan magkasama ang pamilya ko at ang mga Salvatore. Ang mga mesa ay nababalutan ng puting velvet, ang mga pagkain ay pang-international, at ang tugtugan ay tila nagmumula sa isang mamahaling pelikula. Lahat ay nakangiti, lahat ay nagbubunyi, pero sa loob

