CHAPTER 27 "Bago tayo tuluyang dumiretso sa inyo, Tyana, bakit hindi ka muna sumabay sa amin maghapunan?" aya ko sa kaniya habang nasa loob pa rin kami ng sasakyan ni Desmond. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata, tila ba hindi niya inaasahan na aanyayahan siya sa loob ng kuta ng mga Salvatore. "Naku, Mariel, baka nakakaabala na ako. Masyado na kayong marami nang naitulong sa akin ngayong araw," pagtanggi ni Tyana, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang boses. "It's no trouble at all, Tyana," sabat ni Desmond habang maingat na inililiko ang sasakyan pasok sa malawak na gate ng mansyon. "The table is always set for more guests. Besides, it's been a while since Mariel brought a friend home." Nang huminto ang sasakyan sa harap ng dambuhalang pinto ng mansyon, sinalubong kami

