CHAPTER 9 Nakalock ang pinto ng kwarto ko, pero pakiramdam ko ay rinig na rinig sa buong bahay ang bawat hikbi na pilit kong ibinabaon sa unan ko. Ang init ng halik ni Dominic sa labas ng gate ay mabilis na napalitan ng nanunuot na lamig ng takot at galit. Hawak ko pa rin ang phone ko, nakatitig sa message na galing sa hindi kilalang numero Kay Desmond. He kisses well, doesn’t he? “f**k s**t ka!” Sigaw ko. Ang bawat salita niya ay parang latigo na humahagupit sa pagkatao ko. Ibig sabihin, hindi lang si Daddy ang nakakita sa amin. Nandoon siya. O kung wala man siya, may mga mata siyang nakatanim sa bawat kanto ng buhay ko. Pinapanood ang bawat paghinga ko, ang bawat pagdampi ng labi namin ni Dominic, na tila ba isa lamang kaming palabas na binabayaran niya para panoorin. "I hate

