CHAPTER 10

2396 Words

CHAPTER 10 agkababa ko pa lang sa sasakyan sa tapat ng mansyon ng mga Salvatore, hindi na ako nag-abalang magpaalam nang maayos sa driver. Padabog kong isinarado ang pinto at mabilis na naglakad patungo sa b****a ng kanilang malawak na driveway. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang kalagayan ni Dominic at ang matinding hinala na may kinalaman ang kuya niya sa biglaang "pagkakasakit" nito. Doon ko siya nakita. Si Desmond. Nakatayo siya sa tabi ng kaniyang kulay itim na sports car, may hawak na microfiber cloth at tila kampanteng-kampante habang nililinis ang kintab ng sasakyan. Ang kaniyang suot na puting t-shirt ay bahagyang bumabakat sa kaniyang katawan, at ang kaniyang mukha ay walang bakas ng pagod o pag-aalala. Ang lamig ng kaniyang aura ay lalong nagpaalab sa apoy na nananalata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD