CHAPTER 11

3028 Words

CHAPTER 11 Buong umaga na namamalagi ang phone ko sa ilalim ng unan, pero damang-dama ko ang bawat pag-vibrate nito na tila ba t***k ng puso kong pilit kong pinatitigil. Alam kong si Dominic 'yun. Simula pa kagabi, hindi na siya tumigil sa pagtawag at pag-text, pero wala akong balak na sagutin siya. Tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa screen, bumabalik ang imahe niya na nakasuot ng jersey at may hawak na bola habang ako ay nagmumukhang tanga sa harap ng kuya niya. Wala kaming pasok ngayon kaya wala akong ibang takasan kundi ang apat na sulok ng kwarto ko. Pero nakakabaliw ang katahimikan, kaya pilit akong bumaba para kumain ng tanghalian kahit na wala naman talaga akong gana. Pagdating ko sa dining table, nakahain na ang paborito kong sinigang na hipon, pero para lang akong nakati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD