CHAPTER 15 Dahan-dahan ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong mga tuhod. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa isang tightrope na anumang oras ay mapuputol at mahuhulog ako sa bangin ng kahihiyan. Pagdating ko sa dining area, nandoon na si Daddy, nakaupo sa kaniyang paboritong pwesto sa dulo ng mesa, habang si Mama naman ay abala sa pag-aayos ng mga kubyertos. Ang aura sa loob ng bahay ay tila may halong kuryente. Alam ko ang tingin na iyan ni Daddy. Iyan ang tinging ginagamit niya kapag may nabalitaan siyang hindi maganda o kapag may gusto siyang huthutin na impormasyon mula sa akin. Hindi pa man ako nakakaupo, ang kaniyang mga mata ay nakapako na sa akin, tila ba sinusubukan niyang basahin ang bawat iniisip ko. "Mariel, maupo ka na. Kanina ka

