CHAPTER 16 Dumating na ang araw na parang ayaw ko nang gisingan. Sabado. Ang araw na dapat ay pahinga ko mula sa pagsusulat, ang araw na dapat ay simpleng date lang namin ni Dominic, pero ngayon ay naging parang execution date ko sa silya elektrika. Mula pa pagmulat ng mga mata ko kaninang umaga, ang sikmura ko ay parang nilalamon ng mga higanteng paru-paro na may kasamang bubuyog. Halos hindi ako makakain ng almusal. Tuwing titingin ako sa salamin, pakiramdam ko ay namumutla ako. At ang phone ko? Parang bombang paulit-ulit na sumasabog sa kama ko. Unang sumulpot ang message ni Dominic. Dominic: Good morning, babe! I’m so excited for tonight. I already told the chef at home to prepare your favorite dessert. See you later at 7 PM? I love you! Napabuntong-hininga ako. Dominic, kung

