CHAPTER 17 Ang bawat pag-ikot ng gulong ng sasakyan ni Dominic ay tila kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Lunes na naman. Ang araw na kinatatamaran ng lahat, pero sa pagkakataong ito, may kakaibang kislap ang umagang ito na hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil naitawid ko ang nakakatakot na dinner noong Sabado nang walang sumasabog, o siguro dahil ang katabi ko ngayon ay ang lalaking nagpapanatili ng katinuan ko sa gitna ng magulong mundo ng mga Salvatore. "Babe, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan, nakatingin sa labas. Masyado bang mabigat ang iniisip mo para sa school?" tanong ni Dominic habang marahang hinahawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Ang bawat haplos niya ay tila kuryenteng nagbibigay ng enerhiya sa akin. "Ha? Ah, hindi naman babe. Medyo nababalisa

