CHAPTER 18 Ang sikat ng araw sa umagang ito ay tila may dalang ginto. Ito na 'yun. Ang araw na dalawang taon naming hininga at inalagaan ni Dominic. Sabado, ang aming anibersaryo. Maaga akong nagising, hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa halo-halong kaba at sobrang kagalakan na sumasabog sa dibdib ko. Pagtingin ko sa salamin, hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit puyat sa kakaisip sa mga pasabog ni Desmond kagabi, ang mukha ko ay tila may sariling liwanag. "Happy anniversary, Mariel," bulong ko sa sarili ko. Naghanda ako nang husto. Sinigurado kong bawat detalye ay perpekto. Imbes na ang light blue dress na pinili ni Mommy, nagdesisyon akong magsuot ng isang nagniningning na red dress. Isang kulay na sumisimbolo sa tapang, sa passion, at sa pag-ibig na handang lumaban sa kahit anong

