"Hello, Sam." Ngiting bati ni Franco sa asawa niya nang makarating ito sa Mall kung saan sila nagkita. Ang gusto kasi ni Samantha ay dito sila magpunta. Nang bumaling naman ito sa kan'ya ay kita niya ang malawak na ngisi sa labi nito. "Oh Franco, nasaan si Mara?" takang tanong ni Samantha. "Hahabol na lamang daw siya, marami pa kasi siyang ginagawa," seryosong sabi Franco. Tumango lang si Sam pagkatapos ay nagsimula ng maglakad sa loob ng mall. "Sam, sigurado ka ba na mas gusto mo rito? We can find another place if you want?" tanong niya rito habang naglalakad. "No, I am fine here. Mas gusto ko rito mag-ikot-ikot. It's been so long nang makapunta ako rito. Teka, I'll just go to the comfort room." At mabilis na itong naglakad mula sa direksyon papuntang cr. Halos limang minuto na

