"Ma'am, Sir, salamat po sa paghatid." Nakangiting sabi ni Karla sa kanila nang ganap na nila itong maihatid sa bahay. "Walang anuman, magpagaling ka ng mabuti." Ngiting kaway pa ni Samantha rito. "Let's go, wife." At pinaandar na niya ang sasakyan. Habang pauwi sila ay walang umiimik sa kanilang dalawa. "Sam," tawag niya rito. Umungot lang ito pero hindi tumitingin sa kan'ya. "Anong iniisip mo?" seryosong tanong niya rito. "Nothing, naaawa lang ako kay Karla," seryosong sagot nito. "Yeah," maikling sagot niya. "She's beautiful," bigla ay sabi nito. "You are more than beautiful," mabilis na sagot niya rito. "Mukha siyang mabait," sabi pa nito. "You are the kindness woman I have ever known," mabilis na sagot ulit niya rito. "She really looks like me, I see myself in her," sery

