Inis na tumayo siya pero nagulat siya nang makitang wala siyang saplot kaya mabilis niyang hinila ang kumot sa may kama para sana ibalabal sa may katawan niya pero nanlaki ang mga mata niya nang makita na wala rin palang saplot si Karla. Mabilis niyang ibinalik ang kumot sa katawan nito at mabilis na hinanap ang mga damit niya. Nakita naman niya ito na maayos na naka-hanger sa may gilid. Damn! Mabilis niya itong isinuot ang tuxedo na suot niya kagabi at napatingin sa may rolex watch niya na nakapatong lang sa may maliit na mesa na naroroon. Mas lalo siyang nainis nang makitang alas-otso na pala ng umaga. Mabilis siyang lumabas at napagtantong nandito pala siya sa bahay ni Karla. Mabilis niyang hinanap ang sasakyan niya pero hindi niya ito makita. Sa tingin niya ay naiwan ito sa may par

