"Wow! Ano ito, Allen?" Nakangiting tanong ni Samantha sa kan'ya nang ibigay niya rito ang isang malaking box. "Open it." Ngiting sabi niya rito. Nang buksan ito ni Samantha ay mas lalong lumawak ang ngiti nito nang makita nito ang isang elegant red with touch of black cocktail dress. "I want you to wear that on Saturday. Nang makita ko iyan ay wala akong ibang imahe na na-iimagine kung hindi ikaw." Ngiti niya rito. Kita naman niya ang saya ng asawa niya at para sa kan'ya ay priceless ang katumbas nito. "Thank you, Allen!" At mabilis itong yumapos sa may leeg niya pagkatapos ay hinalikan siya nito sa may pisngi. Kaagad naman siyang napangiti. Samantha is being extra sweet simula nang magkasagutan ito at ang sekretarya niyang si Karla. "Anything for you. Basta rito ka lang sa tabi ko

