Nakangiti siyang inalalayan ni Allen habang papaupo siya sa may upuan. "Sinigurado kong walang mga lamok dito, pinalagyan ko ng maraming katol ang paligid at pinabombahan ko ng maraming insecticides. Ayokong madumihan ang mga balat mo," seryosong ssbi nito sa kan'ya. Seryoso ba ito? Iyon talaga ang naisip nitong sabihin sa kan'ya? "Sam." "Allen." Sabay pa nilang sabi kaya sabay din silang natawa. "I am sorry, go ahead." Ngiting sabi ni Allen sa kan'ya. "Hindi, I just want to thank you kasi napaka-effort mo. I mean, thank you dahil pinapakita at ipinaparamdam mo kung gaano ako kaimportante sa iyo, kami ng mga bata." "Sam, you don't have to thank me. Sagutin mo lang ako ay mas sasaya ako." Malaki ang ngiti na sabi nito. Mabilis naman siyang pinamulahan ng mukha. Nang makita naman

