Eto ang unang pagkakataon na makakapasok siya sa dati nilang kwarto ni Allen. Mabilis na inilibot niya ang mga mata niya sa buong paligid at kaagad siyang napangiti dahil wala iyon ipinagbago. Nang buksan niya ang closet niya ay naroroon pa rin ang mangilan-ngilan niyang mga gamit na sadya niyang iniwanan noon. "Wala pa rin pa lang ipinagbago itong kwarto." "Of course, kagaya ng nararamdaman ko sa iyo. Wala pa ring pinagbago." At seryoso siya nitong tinitigan. Mabilis naman siyang napalunok at mabilis na humiwalay dito. "Uhm, mag-shoshower muna ako. Nanlagkit kasi itong buhok dahil sa hangin sa labas." At lakad takbo siyang pumasok ng banyo. Bakit ba siya kinakabahan? Mabilis naman siyang nagtanggal ng damit at tumutok sa ilalim ng shower. Gagalawin kaya siya ni Allen ngayon? Bakit ti

