Nang makarating sa bahay ay kita niyang nagwawala ang asawa niya habang nakaharang dito ang mga guard nila.
Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan bago mabilis na bumaba.
"Sam!" tawag niya rito.
Mabilis naman itong napalingon sa kan'ya at mabilis na tumakbo at yumakap. "Allen, mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kasi itong mga guard na ito. Ayaw akong palabasin, gusto ko lang naman maglakad-lakad sa labas dahil sabi nila ay kailangan mag-exercise ng buntis," parang batang sumbong nito sa kan'ya.
Mabilis naman siyang natigilan at napatingin sa mga guard nila.
"Sorry po Sir, ang kulit kasi ni Ma'am Samantha. Gusto po kasi nitong lumabas," paliwanag ng isang guard sa kan'ya.
Tumango lang siya sa mga ito at itinaas ang kamay tanda na pinapaalis na niya ang mga ito. Nang ganap na makaalis ay binalingan niya ang asawa at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Wife," sabay titig niya sa mga mata nito. "Pasok na tayo sa loob, ha?"
Sandali lang itong nakipagtitigan pagkatapos ay marahang tumango.
Mabilis naman niyang inalalayan ang asawa habang nadaanan nila ang mga anak nilang malungkot lang na nakatingin sa kanila.
"Nanay," biglang tawag ni Alexander na siyang ikinatigil ni Samantha.
Mabilis naman na lumapit ang anak nila at niyakap ang nanay nito ng mahigpit. "We need you, mom!" At bigla itong humagulgol ng iyak.
Nang tignan niya si Samantha ay wala pa rin buhay ang mga mata nito pero sumagot ito ng mahigpit na yakap kay Alexander.
"Anak, your mom needs to take a rest," bigla ay seryoso niyang sabi rito.
Marahan naman itong kumala at tumango.
Ilang sandali pa ay nakapanik na sila sa may kwarto nila. Marahan niyang pinaupo si Samantha sa may couch na naroroon bago maingat na umupo sa may tabi nito.
"Wife," tawag niya rito.
Pero tulad ng dati ay hindi man lang ito tumingin at tulala lang ito.
"Sam, I want to help you pero sana ay tulungan mo rin ang sarili mo." At marahan niyang kinuha ang magkabila nitong mga kamay. "Lets seek some help, wife. Dadalhin kita sa pinakamagaling na--"
Pero nagulat siya nang malakas nitong hinila ang kamay nitong hawak-hawak niya at mabilis na tumayo. "Hindi ako baliw!" galit na sigaw nito.
Mabilis din siyang napatayo at akmang hahawakan ito pero mabilis itong umatras.
"No, no! I am not saying na baliw ka. Hindi naman lahat ng kumukunsulta sa psychiatrist ay baliw. We just need some advice kung paano mo malalabanan iyang depressions mo. Sam, our childrens need you. And I need you too, baby. I miss the old you, I miss the old us."
"So sinasabi mo nga na wala ako sa tamang katinuan?! Don't stress me, Allen. Hindi makakabuti sa mga baby na dinadala ko kung aawayin mo ako," seryosong sabi nito na nagpalaki ng mga mata niya.
"They miss you so much," mahinang sabi niya na nakapagpatigil dito.
Tila naghihintay ito ng sasabihin niya.
"Si Alexander, si Aria at lalong-lalo na si Sofia. They miss you, kahit hindi nila sabihin ay alam kong nalulungkot sila. Kaya Sam, please. Bumalik ka na sa amin." At marahan siyang humakbang papalapit dito.
Pero bago pa niya ito mahawakan ay umatras na ulit ito. "No! Don't touch me! Ilalayo mo sa akin ang mga babies ko!" Umiiyak na sabi nito at mabilis itong napaupo sa may sahig.
Mabilis niya itong dinaluhan at niyakap pero malakas siya nitong pinagtutulak at pinagsusuntok. "Huwag mo akong hawakan, please! Huwag mo kaming sasaktan ng mga anak ko, Allen!" takot na takot na sabi nito.
Mabilis nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata. Anong sinasabi nito? Bakit tila takot na takot ito sa kan'ya?
"Allen, huwag mo akong ikulong please. Ayoko! Ayoko!" Hagulgol pa rin na sabi nito.
Mabilis siyang napatayo at napalayo rito. Napasabunot siya ng mahigpit sa buhok niya at matiim na napapikit. Damn!
Mabilis siyang lumapit sa may telepono na naroroon at tinawag ang isa nilang kasambahay para bantayan ang asawa niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto nila.
Mabilis ang mga hakbang na sumakay siya sa sasakyan niya at pinaharurot ito. "Damn! Damn!" Malakas na sigaw niya habang pinagsusuntok ang manibela. Their life is all messed up.
Sa may hindi kalayuang bar siya napadpad.
Umupo siya sa may madilim na bahagi at mabilis na tumawag ng waiter at umorder ng isang bote ng Tequila.
"What took you so long?!" Inis na sabi niya sa waiter nang mag-angat ng tingin pero mabilis siyang natigilan. "What are you doing here?" kunot-noong tanong niya.
"Uhm Sir, nag-eextra rin po kasi ako rito," nahihiyang sagot ni Karla sa kan'ya.
Tumango lang siya at nagsimula ng buksan ang alak na dala nito.
"Sige po Sir, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo." At mabilis na itong tumalikod.
Pero bago pa ito makaalis ay mabilis niya itong tinawag. "Just sit here," seryosong sabi niya rito.
"Sorry Sir, pero hindi po ako pwedeng maupo," tanggi nito sa kan'ya.
"Just do it. I personally know the owner here. I know he doesn't mind." At mabilis na tinungga ang laman ng basong hawak niya.
Ilang sandali pa ay umupo na ito sa kaharap niyang upuan.
"May problema po ba kayo?" seryosong tanong nito.
"I just asked you to sit not to ask me any questions," masungit na sabi niya rito.
Hindi niya alam kung bakit niya ito niyayang umupo. Basta ang gusto niya lang ay maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Especially now that even his own wife is afraid of him.
"Ella, how do you handle so much pain?" seryosong tanong niya rito.
"Sir, Karla po," nahihiyang sabi nito.
"Karla then."
"Depende po kung gaano kasakit, at kung sino ang may gawa nito sa akin," seryoso pa rin na sagot nito.
"What if you lose someone very important to you. How do you accept it?"
Pero imbis na sagutin nito ang tanong niya ay tinanong siya nito. "Bakit Sir? Namatayan po ba kayo ng kapamilya?"
Bago sumagot ay mabilis ulit siyang naglagay ng alak sa may baso niya at tinungga ito. "I just lost her emotionally. Kasama ko nga siya pero feeling ko ay ang layo na niya sa akin. And it feels damn hell to see her everyday in that situation because somehow, I know that her pain is because of me." At malakas niyang ibinato ang baso sa may pader
"Sir!" Napatayong sabi ni Karla.
Mabilis naman niyang dinukot ang wallet niya at kumuha ng pera at iniabot dito. "Go now and leave me alone," matigas na sabi niya.
Pero tinitigan lang siya nito at nagmartsa paalis na hindi man lang kinuha ang pera.
Nang gabing iyon ay wala siyang ginawa kung hindi magpakalunod sa alak. Nagbabakasakali na sa pag-uwi niya ay sasalubong sa kan'ya ang nag-aalalang mukha ni Samantha sa kan'ya.
Nang ganap na ma-i-park ang sasakyan sa loob ng bahay ay tinignan niya ang relong pambisig. Alas tres na pala ng madaling araw. Hindi niya kasi namalayan na naidlip na siya sa may bar na pinag-iinuman niya.
Marahan siyang pumasok sa loob at kaagad na umakyat papunta sa may kwarto nila.
Nakita niya roon ang asawa niyang mahimbing na natutulog. Marahan siyang lumapit dito at nahiga papaharap dito.
Sa mga ganitong sandali na lang kasi niya natitigan ang maamo nitong mukha. Ang mapupula nitong mga labi. Marahan niyang itinabi ang ilang piraso ng buhok na tumatakip sa may mata nito.
"You are so beautiful, wife. Pero hindi ako magsasawa at susuko para sa iyo. For better or for worse, magkasama tayo hindi ba? I know that He is with us. Sa dinami-rami ng pagsubok na pinagdaanan nating dalawa, ngayon pa ba ako susuko? Kaya sana Samantha, lumaban ka rin. You are strong and brave sabi nga noon ni Franco. I promise you, kapag gumaling ka. Hindi na puro sakit ang maaalala mo kung hindi puro masasayang bagay na lang. Fight for us, Sam." Marahang bulong niya rito at dahan-dahan niya itong binigyan ng mabilis na halik sa may labi.
Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang malakas na tili ni Samantha.
"Wife, bakit?" Nag-aalalang tanong niya at akmang hahawakan ito nang mabilis itong umiwas.
"Allen, huwag please. Huwag mo akong hahawakan. Ang babies ko, huwag mong sasaktan parang awa mo na!" Hagulgol na sabi pa nito.
Mabilis naman na pumasok si Alexander sa loob.
"Tay, ano pong nangyayari?" Nagtatakang tanong nito.
"I don't know, nagising na lang ako sa sigaw ng nanay mo," seryosong sabi niya rito.
"Si Allen, sasaktan niya tayo anak, iyong mga kapatid mo nasaan? Magtago kayo!" At mabilis nitong hinila si Alexander papalabas pero mabilis din siyang tumayo at hinaklit ito sa may isang braso.
"Samantha! Why are you saying that?!" tanong niya rito na medyo tumaas ang boses.
"Alex, halika na!" baling pa rin ni Samantha sa anak nila na tila hindi pinansin ang sinasabi niya.
"Samantha, ano ba?! Come back to your senses! Hindi ako masamang tao! Bakit naman kita sasaktan?! I am your husband at hindi ko magagawa iyon! Please, tulungan mo ang sarili mo!" pagod na sabi niya rito.
"Sinadya mong mabangga tayo para mapahamak ang mga anak ko. Pinatay mo sila!" nanlilisik ang mga matang sabi nito sa kan'ya.
Mabilis naman siyang natigilan at tila nalunok niya ang dila niya. Totoo bang sinabihan siya ni Samantha ng ganoon? Damn! What is happening?!