"You know that is not true, Samantha! Yes, alam kong paulit-ulit kitang nasaktan noon but I already proved myself to you! Hindi na ako ang Allen na una mong nakilala noon," matigas at seryosong sabi niya rito.
Nasasaktan siya sa mga sinasabi at iniisip sa kan'ya ng asawa niya ngayon. He maybe a asshole before but everything changed when he found out the truth about his brother. At kahit kailan pagkatapos niyon ay hindi na pumasok sa isip niya na saktan ito. Lalong-lalo na ang mga anak nila.
"I don't know if I can still trust you, Allen. Malay ko ba kung pakana mo lang ang aksidenteng iyon at nagpapanggap ka lang ngayon na concern ka sa akin--"
"Really, Sam?" nang-uuyam na putol niya sa sinasabi nito. Ni hindi niya matagalang marinig ang mga ibinibintang ito sa kan'ya.
"Hindi mo ako masisisi, Allen. Kaya hindi ako papayag na saktan mo kami ng mga magiging anak ko," seryosong sabi nito.
Hindi niya alam na mabilis na tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakakuyom ang mga kamao. "God knows that my conscience is clean, Sam." At mabilis na niya itong tinalikuran.
Mabilis siyang nagpunta sa mini bar ng bahay nila. Alam niyang hindi seryoso si Samantha sa mga ibinibintang nito sa kan'ya dahil dala lang ito ng depressions nito pero bakit tila durog na durog ang puso niya?
Mabilis niyang binuksan ang isang bote ng naka-display na alak na nahawakan niya at mabilis itong tinungga. Hindi ito ang buhay na naisip at pinangarap niya sa kanilang dalawa ni Sam at mga anak nila.
Damn! This is all my fault! Kung hindi ko siya sinaktan at inabuso noon ay hindi magiging ganito kasakit para sa asawa niya ang lahat!
"My wife is right! Kasalanan ko ang lahat ng ito!" At mabilis na tinungga st bote pagkatapos ay malakas na ibinato ito sa kung saan ang bote dahilan para lumikha ito ng malakas na ingay.
Pagkatapos ay pinagsusuntok niya ang ulo niya at sinabunutan ang buhok niya.
"Tatay!"
At bigla niyang naramdam ang dalawang kamay na pumipigil sa kan'ya.
"Tatay, tama na po!" Awat sa kan'ya ni Alexander.
Pero sa halip na pakinggan ito ay malakas niya itong itinulak. "Hayaan mo ako, Alex!" malakas na sigaw niya rito.
Kita naman niyang pabagsak na napaupo sa may marmol na sahig ang anak niya kaya mabilis siyang natigilan at nilapitan ito.
"I am sorry, anak." Umiiyak na sabi niya.
Pero nanatiling nakayuko ang anak niya. Mas lalo siyang nanlumo nang makita niya ang pagpatak ng mga luha nito sa sahig. "Ayoko pong pati kayo ay mawala rin sa amin," seryosong sabi nito na nakapagpatigil sa kan'ya.
"Alam kong hindi madali para kay nanay ang lahat pero nandito pa naman kami, tay. Nandito ka, si Sofia at Aria. So please tatay, do us a favor." Sabay angat nito ng tingin sa kan'ya. "Pwede bang huwag niyong sukuan si nanay? She is carrying a lot of burden. Hindi kita sisisihin tatay dahil wala akong alam sa lahat ng pinagdaanan niyo noon pero sana po ay huwag niyong susukuan si nanay," seryosong sabi nito.
"Alex." Sabay haplos sa may ulo nito. "Who told you na susukuan ko ang nanay mo? I love her so much."
"Promise me na hindi mo siya sasaktan," seryoso pa rin na sabi nito.
Hindi siya sanay na ganito kaseryoso ang anak niya pero mabilis siyang tumango. "Of course, I promise."
"Thank you po, Tatay!" At mabilis siya nitong niyakap nang mahigpit dahilan para gumanti rin siya rito ng mahigpit na yakap.
Somehow, he felt relief because he knows that he needs this.
Nang gabing iyon ay mas pinili niyang matulog na muna sa may guest room. Ayaw muna niyang stressin ang asawa niya para hindi ito lalong ma-trigger.
Kahit maaga ang pasok niya ay pinilit niyang bumangon ng mas maaga. He wants to cook for his wife. Gusto niya itong pagsilbihan sa abot ng makakaya niya.
"Good morning po." Bati sa kan'ya ng nakangiting si Alex habang buhat nito ang kapatid nito na si Sophia at nasa may likuran naman si Aria.
Gumanti siya ng bati rito pagkatapos ay kinuha mula rito si Sophia. "Tawagin mo na ang nanay mo, sabay-sabay na tayong mag-breakfast." Sabay ngiti rito.
Mabilis naman itong tumango.
"Aria, go sit in your place. Bababa na niyan ang nanay niyo," baling niya rito.
"Yes, Dad."
Bukod tanging ito lang ang tumatawag sa kan'ya ng dad dahil na rin nasanay na ito noong nasa ibang bansa pa sila.
Ilang minuto pa ay kita na niya ang pagbaba ng asawa niya mula sa may hagdanan. Habang pinagmamasdan ito ay tila nahabag na naman siya rito. Napakalaki kasi ng ipinagbago nito, bukod sa palagi itong galit sa kan'ya ay ang laki ng ipinayat nito.
Nang ganap na makalapit ay kita niyang nagpumiglas si Sophia at pilit nagpapakarga sa nanay nito pero ni hindi man lang ito pinansin ng asawa niya kaya pumalahaw ito ng iyak.
"Sam, Sophia wants you to carry her. Mukhang naglalambing itong anak mo." Ngiting sabi niya rito.
"I can't. I am pregnant, bawal akong magbuhat ng mabigat. My OB told me that I need to be careful during my pregnancy because I am carrying my twins," seryosong sabi nito at mabilis na umupo.
Nasaktan man para sa anak ay mas pinili na lamang niyang ngumiti ng pilit. "Try this one." At akmang ilalagay sa may plato nito ang hamonado na kinuha niya pero mabilis nitong iniiwas ang plato nito.
"I don't wanna eat that. Baka may lason." Seryosong sabi nito at muli ng sumubo mula sa may plato nito.
"Tay, give it to me. I wanna try it." Ngiting baling sa kan'ya ni Alexander.
Mabilis naman siyang natigilan. Alam niyang gusto lang nitong pagaanin ang sitwasyon.
"Dad, you are really a perfect husband. Magaling ng magluto gwapo pa, when I grow up I wanna marry a man like you," seryosong sabi ni Aria sa kan'ya.
"Really? Thank you--"
"Gusto mong magpakasal sa lalaking katulad ng daddy mo, Aria?" Taas kilay na sabi ni Samantha rito.
Kita naman niyang mabilis na natigilan si Aria at mabilis na napayuko.
"Why, Sam? Anong masama kung--"
Naputol ang sasabihin niya nang napaarko ang gilid ng labi ng asawa niya na tila nang-uuyam.
"Huwag kang humiling ng gan'yan, Aria. Baka pagsisihan mo." At mabilis na itong tumayo mula sa pagkakaupo nito.
"Nay, hindi pa po kayo kumakain," alalang sabi ni Alex dito.
"I am good. Nawalan na kami ng ganang kumain ng mga kapatid mo. Mamaya na lang ako kakain kapag wala na akong nakikitang demonyo rito sa paligid ko." At mabilis na itong tumalikod at naglakad palayo.
Hindi niya namalayan na halos mabaluktot na niya ang kutsarang hawak-hawak niya.
"Tatay, are you--"
Hindi na niya pinatapos ang tanong ni Alex at mabilis na siyang tumayo at pilit na ngumiti. "Yes, son. I am okay. Sige na, magbibihis na ako. Sina yaya na lang ang bahala sa inyo, okay?" At isa-isa na niya ang mga itong hinalikan sa may tuktok ng ulo.
Mabilis siyang umakyat sa may kwarto nila at pumasok. Nandito ang mga damit niya kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang pumasok.
Kita naman niya si Samanthang nakasandal sa may couch na naroroon habang nakapikit at hinihimas-himas ang tiyan nito.
Mabilis siyang nagbihis at nang matapos ay mabilis niyang nilapitan ang asawa niya.
"Wife, pasok na ako." At akmang hahalikan niya ito sa may pisngi nang mabilis itong mag-iwas.
"Just go."
Matagal muna niya itong tinitigan bago mapabuntong-hininga. "Uuwi rin ako kaagad mamaya, gusto ko ay sabay-sabay tayong mag-dinner ng mga bata. I need to go. I love you," pilit ang mga ngiting sabi niya rito.
Pero hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa pagkausap sa may tiyan nito. Napailing na lamang siya bago tuluyang lumabas.
Habang nasa may sasakyan ay nag-iisip siya, alam niyang magagalit sa kan'ya si Samantha pero gusto niya itong gumaling kaya sa ayaw at sa gusto nito ay magsasama siya ng Doctor sa bahay nila.
Ilang minuto lang ang nakakaraan at mabilis na siyang nakarating sa opisina.
"A cup of tea." Mabilis na bungad niya kay Karla at mabilis na siyang pumasok sa loob ng opisina niya.
Ilang sandali lang ay mabilis na itong pumasok sa loob dala-dala ang kape na hinihingi niya.
"Good morning sir, here is your schedule for today," nakangiting sabi nito at mabilis na nitong sinabi ang lahat ng meetings niya.
Punong-puno pala ang araw niya ngayon. He is ao damn busy.
"Find me a good psychiatrist. The best here in town," seryosong sabi niya rito.
"Ho?" gulat na sabi nito. "Sino po ang--"
"It's none of your business," mabilis na putol niya sa dapat ay sasabihin nito.
Kita naman niyang mabilis itong napayuko. "I am sorry po. May iuutos pa po ba kayo, Sir?"
"Nothing. You can go." At Mabilis na niyang binuksan ang laptop na dala niya.
Mabilis naman siyang natigilan nang makita ang wallpaper ng laptop niya. This is their family picture when they got married.
Alam niyang babalik sa normal ang asawa niya at hindi siya mawawalan ng pag-asa.
Gaya ng dati ay mabilis na lumipas ang oras dahil na rin sa dami ng ginagawa niya at hindi namalayang alas sais na pala. Kung hindi pa niya nakita ang buhos ng ulan sa may malaking salamin ng opisina niya ay hindi siya hihinto. Pero bigla niyang naalala na sinabi pala niya sa asawa niya na sabay-sabay silang mag-didinner kaya mabilis niyang niligpit ang laptop niya at mabilis na lumabas ng opisina.
Kahit malakas ang buhos ng ulan ay mabilis siyang nagmaneho kaya hindi niya napansin ang babaeng palipat sa may daan. Mabuti na lamang talaga at mabilis siyang nakapag-preno.
Mabilis siyang bumaba at nilapitan ang babae na napaupo at nakayuko sa may kalsada. "Damn! You are so careless! Magpapakamatay ka ba?! Pwes, huwag mo akong idamay! I also have a lot of problems at--" naputol ang sasabihin pa niya nang mag-angat ng tingin ang babae. "Karla?" Kunot-noong tanong niya rito.
Pero nagulat siya nang mabilis itong tumayo at yumakap sa kan'ya nang mahigpit. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.
Mabilis naman niya itong naitulak nang marinig niya ang busina ng mga sasakyan.
"Dalian mo. Sumakay ka." At mabilis na siyang bumalik sa loob ng sasakyan niya kahit basang-basa na siya.
Dahan-dahan namang pumasok si Karla. Nang ganap na makasakay ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya.
"What happened? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" seryosong tanong niya rito habang nag-da-drive.
"Wala po Sir, medyo masama lang po ang pakiramdam ko." At mabilis nitong hinagod ang buhok nito at hindi sinasadyang napatingin siya rito at nakita niya ang iilang mga pasa sa may leeg nito.
"What happened to that?" tanong niya habang seryoso pa ring nakatingin sa daan.
Nang hindi ito sumagot ay mabilis niya itong sinulyapan at kita niya ang pamumula ng mga mata nito kaya mabilis niyang iginilid ang sasakyan at huminto.
"I am asking you," seryosong tanong niya. Nakikita kasi niya ang takot sa mga mata nito. Ganito rin kasi si Samantha kapag natatakot.
"W-Wala po, Sir," nauutal na sabi nito.
"May nananakit ba sa iyo?" Kunot-noong tanong niya.
Kasabay ng marahan nitong pagtango ay ang sabay na paglaglagan ng mga luha nito.
"Tell me, sino ang may gawa niyan?"
"S-Si Tatay," umiiyak pa rin na sabi nito.
"Bakit ka niya sinasaktan?" nagtatakang tanong niya rito.
"Dahil po galit siya sa akin. Sinisisi niya ako sa pagkamatay ng mama ko," At mabilis itong napahagulgol.
Damn! She hate seeing a woman crying. Kapag nakakakita kasi siya ng babaeng umiiyak ay pumapasok sa isipan niya ang asawa niya.
"Matagal na ba niyang ginagawa sa iyo, iyan?"
Marahan naman itong tumango bilang pagtugon.
"Let's go. I'll help you, dadalhin kita sa police sta--"
"Huwag po, please!" Mabilis na pigil at hawak nito sa may isang braso niya.
Mabilis naman niyang iniiwas ang isang braso niya bago magsalita. "He doesn't have any right to hurt you kahit anak ka pa niya."
"Siya na lang ang meron ako. Mahal ko siya kahit na sinasaktan niya ako. Hindi ko siya kayang iwan, kung ang pambubugbog niya ang tanging paraan para mapatawad niya ako ay gagawin ko," seryosong sabi nito na mabilis na nagpatigil sa kan'ya.
Ganito rin kaya ang nararamdam ni Samantha sa kan'ya noon? Handa nitong saluhin ang mga pambubugbog at pang-aalipusta niya mapatawad niya lang ito? Sa kasalanang hindi naman nito ginawa kaya ngayon ay heto siya, sinisingil na siya ng karma. Galit sa kan'ya ang asawa niya at halos ayaw siyang makita, at ni maramdaman ang presensiya niya.
He is a damn asshole. A certified one.