"INGAT HO kayo, Boss Andrei," bilin ng lalaking nagtawid sa kanya. Hindi siya nakasagot. Kanina pa ito nakikipag-usap sa kanya at palaging may paggalang iyon. Hindi na siya sanay na may taong tumatawag sa kanya ng gan'on. Isang simpleng mamamayan nalang siya ng Pilipinas at wala na siyang maipagmamalaki tulad noon. Tiningala niya ang mataas na welcome logo ng Isla De Kastilyo. Nalalanghap na niya ang preskong hangin na wala sa Maynila. Pamilyar pa rin ang pakiramdam na iyon sa kanya. Gumaan ang loob niya sa kabila ng mga iniisip. Perpekto talaga ang lugar para pagbakasyonan, kung isa siyang bakasyonista siguradong mag-eenjoy siya. Mas naaappreciate na niya ngayon ang simpleng buhay ng mga tao. Isinukbit niya sa kanyang braso ang dalawang bag, naglakad papasok sa isla. Halos lahat n

