“You look happy, did something good happen?” tanong sa akin ni Arissa nang magkasalubong kami sa parking lot. “Mukhang hindi ka affected sa rumors.” Pagkasabi niya noon ay doon ko lang na-realize na pinagtitinginan ako ng mga ibang estudyante na kasabayan namin maglakad paalis ng parking lot. I felt a little anxiety pero mas nangibabaw ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Nigel kahapon. I can’t believe we’re going on a vacation next week. Although nab-bothered pa rin ako sa message at pagtawag sa kanya ni Ms. Ritch kahapon ay hindi ko na lang iyon gaanong binigyan ng pansin dahil baka work related lang at nag-o-overthink lang ako. “Hindi naman kasi totoo na may relasyon kami ni Ridge.” sabi ko nang lingunin ko si Arissa pero agad akong nag-iwas ng tingin nang makita na naman a

