“Ma’am Samirah? Okay lang po ba kayo?” tanong ni Jessi nang maglapag siya ng juice sa center table, “May hinihintay po ba kayo? Kanina pa po kayo tumitingin sa relo niyo.” “Oh, uhmm… I’m waiting for my husband.” sagot ko nang tingnan ko ulit ang suot na wrist watch dahil gusto ko na siyang makauwi nang sa gano’n ay matuloy ang pag-uusap namin na naudlot kanina at ma-explain ko rin kung ano ang talagang nangyari sa picture na ipinakita sa kanya ni Ms. Ritch. Wala kasi gaanong reaksyon si Nigel at pinalabas na rin niya ako ng office niya, ni hindi ko man lang nasabi kahit kay Ms. Ritch na misunderstanding lang ang nasa picture at wala talaga kaming relasyon ni Ridge but—kalat na sa campus ang rumors about us especially since sa forum ng university naka-post ang picture, mabilis nag-trendin

