“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Ridge matapos niya akong hawakan sa braso, kasabay noon ay ang pagdating nila Arissa. Pilit niyang sinesermunan ang puro sugat na mukha ni Andrew habang naglalakad pabalik sa booth. Nakagat ko na lamang ang labi ko at mabilis na lumapit sa kanila, dahilan para mapabitaw sa akin si Ridge at hindi ko siya masagot sa tanong niya. “What happened?” tanong ko. “Ayan, nakipagbasagan ng ulo. Gusto pa 2 vs. 1, kung hindi ba naman nuknukan ng yabang.” inis na sambit ni Arissa. “Wait, may nangyari ba? Bakit pawis na pawis ka?” “Oh uhm, dumating ‘yong isa pa nilang kaibigan. Remember? ‘Yong humila sa akin noon at bumugbog kay Ridge?” tanong ko bago tingnan si Jason na halatang hindi nila napansin, “He’s actually here, look.” “What the! I thought natahamik na sila?

