“Samiraaaah Nievaaaa!” Awtomatiko akong napatakip sa mukha ko nang isigaw iyon ni Arissa sa hallway. Sinubukan kong bilisan ang paglakad ngunit naabutan niya ako at niyakap ang braso ko. “Why are you ignoring me?” “Who wouldn’t?” tanong ko, dahilan para ngumuso siya at magtampo na parang bata. Minsan talaga ay iniisip ko kung gaano katagal siyang nakapayong noong sumabog ang salitang kahihiyan. Ni wala man lang siyang pakialam kahit na pagtinginan siya ng tao. “Rude.” aniya, “By the way, ‘wag mo kalimutan mamaya ha? Tutulong tayo sa booth ng group nila Andrew. Last day na nila ngayon.” Paalala niya sa akin at tumango naman ako dahil noong isang araw pa niya iyon sinabi sa akin. May project kasi sila Andrew kung saan kailangan nilang ibenta ‘yong product na napili nilang ibenta. Imbes na

