“Sorry, did I wake you up?” Iyon ang bungad sa akin ni Nigel nang magising ako matapos kong maramdaman na may humaplos ng buhok ko. Usually, nagliliwanag ang ekspresyon ko kapag siya ang unang nakikita ko pagmulat ng mga mata ko, but nowㅡnanatili lang akong nakatingin sa kanya. “No.” tipid kong sagot bago bumangon at mapatingin sa digital clock. 5 am na ng madaling araw. “Kauuwi mo lang?” “Yeah, I’m sorry. Na-lowbat ang phone ko last night, hindi kita nagawang i-message.” aniya, dahilan para mapangiti ako nang tipid. “Wala bang charger sa bahay niyo? It’s not like you stayed outside.” Saglit siyang napatitig sa akin matapos iyong marinig. Halata sa mukha niya ang pagkabigla, malamang ay hindi niya inaasahan na kukwestyunin ko siya ng gano’n dahil kapag nagpaliwanag siya sa akin dati ay

