CHAPTER 1

810 Words
Chapter 1 Jaydel NAGISING si Jaydel kinaumagahan, dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Dagli na bumangon siya at dumiretso sa beranda ng Black Hotel. Wala siyang damit pang-itaas at nakasuot lang siya ng boxer short niya. Kaagad na bumungad sa kanya ang masilaw at maliwanag na sinag ng araw, ang masarap at malamig na simoy ng hangin. Ang mala-asul at malawak na karagatan, at ang asul na langit. Napakagandang tanawin ang kanyang nakaharap sa mga oras na iyon at hindi siya magsasawa na panoorin ang magandang tanawin araw-araw. Sa loob ng dalawang taong pananatili niya sa kanyang isla ay iyon kaagad ang nabubungaran niya sa umaga. Sumilay ang maganda niyang ngiti ng makitang marami ng tao ang naliligo sa dagat at kanyang nakikita rin ang maraming cottage. That's his property, the Black Island. May hotel din na may 200 hotel rooms, one big restaurant, isang club house, isang malaking gym, 100 white cottage na hindi naman gaano kalakihan kaya dikit-dikit ito. Yes, siya ang may-ari ng isla at maraming dumadayong mga bisita at nagmumula pa ito sa iba't-ibang lugar. May isang yate rin siya, marami ring sasakyang pang-dagat. Muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto niya para maligo at ng matapos siya ay dagli naman siyang bumaba. Nagsuot lamang siya ng white sando and black board shorts, saka pinarisan niya ng itim ng tsinelas. Nadatnan niya sa pasilyo ng hotel ang isa nilang chambermaid na si Yannyvie Rochan. Simple lang ang dalaga kung mag-ayos, tahimik pero mabait. Masipag din ito sa trabaho at minsan na niyang hinangaan ito pero hindi umabot sa puntong gagawin niyang pangpalipas oras. Malaki ang respeto niya sa kanyang empleyado at marami pa namang ibang babae ang puwede niyang gamitin to satisfy his needs. "Good morning, Yan," nakangiting bati niya sa dalaga. Napatingin ito sa kanya. "Good morning din po, sir," bati rin nito sa kanya at tipid na ngumiti. Ito rin ang personal chambermaid niya kaya naging kaibigan niya ito. Yes, gusto niya si Yannyvie pero hanggang kaibigan lang. Iyon lang. "Maglilinis na po ako sa kuwarto niyo, sir," magalang na sambit nito. "Sige, Yan," sagot niya at naka-pamulsang naglakad na siya palabas. Dumiretso naman siya papuntang black restaurant para kumain ng agahan niya at bago pa siya makahanap ng puwesto nang tawagin siya ng kaibigan niyang si Bunker. Nasa dulo ng restaurant itong nakapuwesto, kasama sina Oriphyn, Zuresh, Recinos, Ladonio at Wooben. Halatang inukupa nito ang pinakamahabang mesa para magkasya silang lahat. Dahil may babae ring nakakandong sa mga kaibigan niya. Napapailing na nilapitan niya ang mga ito. "Hey, dude. Good morning!" masayang bati sa kanya ni Zuresh at may kandong na babae. Pinasadahan niya nang tingin ang kasama nito at maganda naman ito. Pasado sa taste ng kanyang playboy na kaibigan. "Good morning," ganting bati niya at umupo sa katabi ni Recinos at iyon na lang din naman ang bakanteng upuan. "How's your sleep, bud?" tanong ni Oriphyn sa kanya pero busy ito sa pagpapak sa leeg ng babaeng kandong nito. Bumubungisngis naman ang dalaga at halatang kilig na kilig sa pinag-gagawa nito. "Umagang-umaga, eh tao na ang kakainin mo," komento niya at mabilis na sinulyapan siya nito. Ngumisi lang ang gago at bumalik ulit ito sa pinag-gagawa. "What is new to him, bro? Bago matulog at bago gumising ay talagang tao na ang kinakain niyan," nakangising saad naman ni Bunker. "Yeah. Hindi ka pa nasanay riyan," segunda naman ni Wooben at ngumisi lang din sina Zuresh at Ladonio. "Blah blah blah, parang kayo ay hindi," ani Oriphyn. Napa-tsked na lang silang lahat bago nag-order ng pagkain. Ilang minuto lang ang hinintay nila at dumating na ang in-order nilang pagkain. Nagsimula na rin silang kumain nang lumapit sa kanila ang manager ng restaurant niya. "Get a room, boys," malamig at mariin na saad ni Primie Chaney Valenciano. Nang tingnan niya ang hitsura ng dalaga ay walang emosyon ang mukha nito pero maya-maya lang ay pilit na ngumiti rin ito sa kanila. "Nagseselos ka lang sa baby Recinos mo, ma'am Primie eh," komento ni Zuresh sa manager. "I admit that, but I can't force him to stop what he's doing and besides, hindi 'yan mabubuhay na walang babaeng makain niya," ani ng dalaga at muntik na silang mapatawa nang makita ang hitsura ng kaibigan nila. Tumayo si Recinos at kamuntikan pang mahulog ang babaeng nakakandong dito. "Enjoy your breakfast," ani nito at nagmamadaling umalis sa mesa nila. "Kapag ako nagalit sa 'yo ay talagang hindi kita sasantuhin kahit babae ka pa!" sigaw ng kaibigan nila at tuluyan na silang napatawa. "Chill man, babae lang iyon," pagpipigil pa ni Ladonio kay Recinos at hinatak naman ni Bunker ito paupo. "Sagutin mo na kasi para hindi na magselos iyon," saad ni Ladonio. "Ew, hindi ko siya type," parang nandidiri na sabi naman nito at ipinagpatuloy na lang din nila ang pag-aalmusal nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD