CHAPTER 2

1540 Words
Chapter 2 Elysian MASAKIT ang ulo ni Elysian nang pumasok siya sa trabaho niya at ng nasa opisina na siya ay kaagad na nagpatimpla siya ng kape sa sekretarya niya. Umupo siya sa swivel chair at sumandal sa likuran nito. Nakapatong ang kaliwang braso niya sa table niya at nakahilot naman sa sentido niya ang kanang kamay niya. Mariin na pinikit niya ang mga mata niya at napabuntong-hininga. Wala na yatang araw na hindi sumasakit ang ulo niya at palagi siyang stressed sa trabaho at maging sa bahay nila. Pakiramdam nga niya ay palagi siyang pagod at kailanman ay hindi na siya nabigyan ng lakas. Dagling naglaho naman ang bigat sa dibdib niya nang makita ang litrato nila ng asawa niya. It's a wedding picture. Kahit papaano ay napapangiti siya at inabot ng mga kamay niya ang litrato at masuyong hinaplos iyon. "Honey, where are you?" tanong niya at hindi niya mapigilan ang mapaluha. Larawan ng kasiyahan ang litrato, dahil kuha iyon ng araw ng kasal nila. Ang espesyal na araw na kinasal siya sa lalaking mahal na mahal niya. Pero pagkatapos ng isang buwan ng kasal nila ay biglang naglaho ito. Tila naging ibon ang asawa niya at lumipad ito sa malayong lugar. Ni hindi niya mahanap-hanap kung saan ito nagpunta. Nang araw na iyon ay umalis lang ito ng walang paalam. Masakit sa parte niya at hindi niya alam ang dahilan kung bakit umalis ito ng walang paalam. Dalawang taon na itong nawawala at tila wala na ring balak na umuwi pa. Wala ng balak na bumalik sa buhay niya. At ang masaklap pa ay nag-iwan ito ng papel na halos ikagimbal ng kanyang pagkatao. Ang divorce paper na kailanman ay hindi niya inaasahang mahahawakan. Iniwan nito ang divorce paper na may pirma ng asawa niya. Kaya malaking katanungan kung bakit bigla-bigla nitong gustong maghiwalay sila. Gayong wala namang problema sa kanila at isang buwan pa lamang silang kasal. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin siya tumigil sa paghahanap kay Jaydel at alam niyang pinagtataguan lang siya nito. Gusto niyang tanungin ito kung bakit ganoon na lamang ang desisyon nitong maghiwalay sila. Maraming katanungan sa isip niya at hanggang ngayon ay malabong hindi pa niya makukuha ang lahat ng kasagutan. Simula nang umalis ang asawa niya ay siya na ang pumalit sa puwesto nito at siya na ang nagpapatakbo sa lahat ng mga negosyo nito. Only child lang ang asawa niya at masyado ng matanda ang daddy nito para i-manage ang mga negosyo ng mga ito at maski rin ang parents ng asawa niya ay kumuha rin ito ng private investigator para hanapin ang posibleng lugar na pinuntahan nito. Pero wala, milyon na ang nawaldas nila para lang sa paghahanap ngunit sadyang hindi nila nakukuha ang impormasyon nito. Napaigtad siya ng tumunog ang cellphone niya na nakapatong lang sa mesa niya. Binaba niya ang litrato nila pero sa kasamaang palad ay hindi niya sinasadyang masagi ang isa pang litrato. Dahilan na mahulog ito sa sahig at narinig pa niya ang pagkabasag nito. Ginupo kaagad siya ng takot at kumalabog nang malakas ang dibdib niya. Nanginginig ang mga kamay niyang pinulot ang litrato at nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "Sheyjane..." *** AKSIDENTENG dumulas sa kamay ni Jaydel ang basong may lamang tubig at sa hindi niya malamang kadahilanan ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Nakaramdam din siya ng takot at kaba. Sa mga oras ding iyon ay dagling naalala niya si Elysian, ang kanyang asawa. O baka ex-wife na niya dahil bago siya umalis ay iniwan pa niya ang divorce paper na may pirma niya. Oo, ganoon siya kadesperadong layuan ito at naghain din siya ng divorce paper. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakukuhang balita ukol sa resulta ng annulment nila. "You okay, Jaydel?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Recinos. Binalingan niya ito, "ayos lang ako. Nadulas lang sa kamay ko ang baso," sagot niya at buti na lamang ay buhangin ang sahig ng restaurant niya at hindi naman nabasag ang baso. Pinulot na lang niya. "Hanggang kailan ang pananatili mo rito, dude?" untag na tanong sa kanya ni Zuresh. "Oo nga, Jaydel. Two years ka ring nagtatago sa isla mo," pagsesegunda naman ni Ladonio. Oo na, inaamin na niyang nagtatago siya sa isla niya at sana kung gugustuhin man niya ay puwedeng huwag na siyang bumalik pa sa Manila. "Don't tell me, dude. Wala ka ng balak bumalik sa Manila?" manghang tanong naman ni Bunker. "Then, I won't tell you," balewalang sagot niya at bumuntong-hininga. "You missed the chance to met your little version, man." Mabilis na napatingin siya kay Wooben. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at na-confused siya roon. "What do you mean by that, Wooben?" tanong niya rito pero ngumisi lang ang kaibigan niya. "That's for me to know and for you to find out. Man, kung mananatili ka lang dito habang-buhay at hindi haharapin ang buhay na iniwan mo two years ago ay habang-buhay mo ring hindi malalaman ang nangyari sa pamilya mo," makahulugang sabi nito. Pamilya? Aminado siyang namimiss na niya ang mga magulang niya. Si Elysian? Ramdam niya na may pitak pa ito sa puso niya pero sisiguraduhin niyang mawawala na ang pagmamahal nito. "Maayos ang buhay ng mga magulang ko, dude. Kinakamusta ko sila sa pamamagitan nang pagtawag ko sa pinsan ko." "Eh, kay Elysian?" untag na tanong naman sa kanya ni Bunker. "Wala na akong pakialam sa kanya at wala na akong rason para kamustahin pa siya," matigas na sagot niya at napabuntong-hininga na lamang ang mga kaibigan niya sabay iling. *** SAPO ni Elysian ang sumasakit niyang ulo at napasandal siya sa pader ng hospital. Lumabas na muna siya mula sa hospital room ni Sheyjane, dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga nang maayos. Tila may lubid ang gumagapos sa kanyang leeg at nahihirapan siyang huminga. At mas tumindi pa ang sakit sa ulo niya. Kanina ay napatawag ang mother-in-law niya at ibinalita nito na naaksidente ang sasakyan na lulan ang kanyang anak. Kung kaya't napasugod siya sa hospital ng wala sa oras. Abut-abot ang kaba niya sa malaman na naaksidente si Sheyjane. Kasama ang yaya nito nang mangyari ang aksidente. Patungo ito sa Mall of Asia para ipasyal ang kanyang anak at ng malapit na sana ang mga ito sa Mall ay siya namang paglitaw ng isa pang kotse kung kaya't nagkabungguan ang mga ito. Mabuti na lamang at hindi gaano nasaktan ang anak niya. Dahil nakaupo ang mga ito sa backseat at yakap-yakap nito ng yaya. Ngunit malala ang kondisyon ng driver nila pero dagli ring inasikaso ng mama niya. "Are you okay?" Natigilan siya nang marinig ang boses na iyon. Tiningnan niya ang binata, nakasuot ito ng pormal na damit at halatang kagagaling lang nito sa trabaho o baka naman ay kasalukuyan itong nasa trabaho at biglang napasugod din dito. "Paano mo nalaman na nandito ako? At ano'ng ginagawa mo rito?" supladang tanong niya sa binata. Kaibigan ito ng asawa niya at tandang-tanda pa niya ang masasakit na salita nito nang mawala ang asawa niya. Ito rin ang abogado ni Jaydel. Maayos naman ang pakikitungo niya rito ngunit biglang lumamig iyon. "Huwag mong gamitin 'yan sa akin, dahil sa ating dalawa ay ikaw ang mas mangangailangan ng tulong ko," nakangising sabi nito. Uminit ang bunbunan niya at ngali-ngali niyang hubarin ang sapatos niyang may takong at sapatusin nga niya ito. "Simula nang umalis ang asawa ko at nang hiningi ko ang tulong niyo ay ni isa sa inyo ng mga kaibigan niya ang bumalewala sa akin. Palagi niyo akong pinagtataguan at nagra-rason kayo na busy kayo. So, ano ngayon? Biglang umihip ang hangin? Guguho na ba ang mundo?" sarkatiskong sabi niya at sinamahan pa niya ng nakaka-insultong tawa. Hindi ito sumagot bagkus ay may inilapag ito sa upuan na katabi niya. "Para saan ang envelope na 'yan?" nagtatakang tanong niya rito. "Huwag mong pilitin kung ayaw. Kakausapin mo lang." Mas lalo lang siyang naguluhan sa sinabi nito. Binulsa nito ang magkabilang kamay sa pantalon nito at mataman siyang tinitigan nito. Nailang naman siya sa paraan nang pagtitig nito sa kanya. "Ang laki na ng pinagbago mo. Pumapayat ka at hindi ko na nakikita ang kasiyahan sa mga mata mo. Kitang-kita ko rin ang paghihirap mo. Ni hindi ko na rin nakikita ang magaganda mong ngiti at palagi kang pagod. Pero kailanman ay hindi kita nakitaan ng pagkabagsak at pagsuko. Sige ka pa rin ng sige, kaya naawa na ako sa iyo. Oras na rin para ibigay ko sa iyo ang tulong ko at alam kong magagalit siya kung malalaman niya ito. Pero mas galit ako sa pagiging duwag niya," anito at walang bahid na emosyon ang mukha nito. Sa sinabi nito ay tuluyan nang bumilis ang t***k ng puso niya at hindi pa man niya nalalaman ang laman ng envelope na iyon ay pakiwari niya ay nahulaan na niya kung ano iyon. "Nandiyan lahat ang impormasyon tungkol sa asawa mo. It's up to you kung pupunta ka or mas better na pumunta ka nga," anito at tumalikod na sa kanya. "Good luck, milady," he added before he left her. Napatingin siya sa envelope at mabilis na kinuha iyon at tiningnan ang laman. "Black Island..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD