chapter 16 stalker

2143 Words
Vlad's POV Naalala nya kong paano sya nagsimulang mabaliw at magkukumahog makita lang ang babaeng nagpapatibok sa puso ng pinsang dating babaero, ang makita ito ng personal. may kong anong dahilan at hindi nya maintindihan kong bakit kating kati sya na makita ito ng personal at ngayong nakita nya ito ng harapan ay para syang natuod at hindi makapaniwala sa nakita. pero kailangan kong makasiguro na sya nga ito. Ni minsan hindi sya nakikipag kompetensya kahit kanino pagdating sa babae. bakit sa babaeng ito na alam nyang gusto ng pinsan nya ay gusto nyang agawin? sorry insan. sorry talaga dahil gagawin ko ang lahat. Sa video pa lang nya nong time na iyon ang nakita ko pero para na syang hindi pinatulog ng mukhang iyon. ayaw nyang may ibang lalapit dito. hindi pa kami nagkiKita pero bakit binabakuran na nya ito. 'f**k' what happen to me?. kabi kabila ang babaeng nagkakagusto sakin bakit sa isang ito pa na gusto ng pinsan nyaat hindi pa nya namemeet? Noong time na makita nya ang video ng dalaga nahulog at humanga na kaagd sya hindi lang sa boses kundi sa inosente at nakakaakit nitong mukha. for the first time nakita nya ang mukha nito kahit malayo pero alam nyang maganda ito at tumibok na kaagad ang puso nya. first time na nagkagusto sya sa isang babae. inisip nya nong time na iyon na i stalk ang pinsan at ang dalaga ng mabanggit ni Jacob ang tungkol sa pakikipagdate nya sa isang babae na taga cebu na sobrang ganda. noong una hindi nya pinansin ito dahil lahat naman sa paningin nito ay walang pangit lahat ay maganda at sexy at halos lahat pinapatulan kahit may ibang boyfriend na inaagaw pa. pero ng marinig ko sa video ang pangalan na Montessa Love Santillan ay na curious ako kung gaano ito kaganda and it sounds familiar, i dont kong saan ko ito narinig or nabasa at tsaka bakit ang ingay ng mga mokong na ito kaya naman nakinood na rin ako kasama ang mga iba ko pang kaibigan dahil nong time na iyon ay tapos na ang rehearsal namin. Napanood nila ito sa youtube at nagviral pa, lahat ay humanga sa kagandahan nito at nagpupustahan pa kung sino sa kanila ang mapapasagot nito at naiinis sya sa inasal ngmga ito. nakita nya kong gaano ito kaganda kahit malayo ang kuha ng video kaya hindi maalis ang tingin nya sa mukha nito hangaang sa ayain ito ng date ni Jacob na nakapagpainit ng ulo nya dahil halatang napipilitan pa ang babae dahil halata sa inosenting mukha nito ang wala pang karanasang makikipagdate pero pumayag din kalaunan and f**k him sa pagsasamantala sa kainosentihan ng babae. lahat talaga dito ay kinakana Kaya pala tuwang tuwa si Jacob noong umuwi si Jacob galing sa Cebu at panay kwento dahil pumayag ang babae pero ang nakapag pa gimbal sa kanya ay ang makita ang pinsan nya sa video na si Clent Zamora na biglang tumayo at halatang galit ito dahil nakatingin ito kay Jacob. sa isip nya baka syota nya ang babae kaya nagalit ito or maybe ito yong babae na kasama nya sa mall. 'f**k!' posible nga dahil kahawig nya ang babae sa unang video sa korte ng katawan kahit nakatalikod ito noong una at yong last part ng video na muntik nya ng makita ang mukha. sya kaya yon? kailangan kong malaman ang totoo. Pumunta ako sa account ng pinsan ko para ma confirm kung totoong ito ang babae na kasama ni Clent. doon ay para akong natuod sa nakita sa video dahil sya nga ang babae na kasama ni Clent ang inaya ni Jacob Servantes ng date. hindi maalis alis ang tingin ko sa mukha nito pero ang video nito ay putol na nong inaya sya ni Jacob na makipagdate. Ibig sabihin iisa lang ang babaeng iyon. girlfriend kaya sya ni Clent? may account kaya ang babae? i searched her account on sss na Montessa love Santillan pero wala kaya i tried Love Santillan at marami ang lumabas na kaparehas na account. pero ang nakakapag papigil ng hininga ko ay makita ang Pinsan ko at katabi nya ang babae. ito ang profile pic nya na magkatabi sila at ang pinsan nya ang kumuha ng picture. parang may kumurot sa damdamin nya sa nakita, pero bakit eh syota naman nya ito? Love? love din ang tawag ni Clent sa kanya. endearment kaya nila yon bilang magsyota o tinawag lang nya sa second name nito? bakit pagdating sa name na Love hindi ko maintindihan ang sarili at napapraning ako. habang tinititigan nya ay nakakaramdam sya ng ingit sa pinsan nya kong gaano ito ka close sa babae na nakaakbay pa at magkasama pa sila sa School araw araw. I received an invitation from my auntie, Clent's mother, for her Birthday kaya agad akong bumili ng ticket to Cebu dahil sa tapos na rin naman ang meeting ko with the client dito sa Maynila. thankful ako dahil may dahilan na ako kay Mommy na pabalik balik ng Cebu dahil sa Restaurant ko doon at tsaka ang Branch ng Condo hotel namin doon na bagong bukas pa lang. Ako ang namamahala non kaya kahit ayaw ni Mommy ay pumayag din kalaunan. Bago ang birthday ni Tita ay lumipad na kaagad ako pa Cebu at nag Stay sa Penthouse ko. tuwang tuwa ang mga staff ko sa Hotel ng makita ako at malaman na dito muna ako mag i stay. binisita ko rin ang Restaurant ko. Nakakatuwa at marami akong customer at maganda ang takbo ng Restaurant dahil laging malaki ang kita araw araw. 24 hours itong bukas Cebuanos food and delicacies ang inihahain dito na ginawang special at mas pinasarap pa lalo na sa plating na pinaganda ang dating kaya marami ang nagpapareserve at bumabalik na customers. pagkatapos ng pagbisita ko sa negosyo ko ay pumunta naman ako sa tabing dagat, ang lugar na binabalik balikan ko tuwing nandito ako sa Cebu. the place where I first saw her and still hoping to see her again. pero bakit nagkainteres akong makita si Montessa kung umaasa akong makitang muli ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko at hinihintay pa rin hangang ngayon? Pag uwi ko sa Condo ay nagulat pa ako ng makita si Mommy and Daddy. oo nga pala at Birthday ni Tita bukas. "hi mom, hi dad?" sabi ko at humalik kay mommy "bakit bigla mong naisip na mag stay dito anak?" sabi ni mommy "ahm, i just a quiet place, na malayo sa magulong mundo ng showbiz at tsaka nandito ang negosyo ko plano ko nga po magtayo ng iba pang branch ng Restaurant sa Maynila at iba pang lugar." pagdadahilan ko kag mommy "is that so? yan ba talaga ang dahilan mo? ikaw lang magisa dito pwede naman tayong magtalaga ng tauhan na mamahala sa negosyo dito, paano ang pag aartista mo?" tanong ni mommy "mom naman malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko, gusto ko lang po magfocus sa negosyo natin, triple pa ang kikitain ko sa negosyo kaysa pag aartista." pagdadahilan ko kay mommy "hon pabayaan mo na ang anak natin, let him be independent at responsible. para naman ito sa negosyo natin."sabi ni dad at kumindat pa sakin. napatawa ako don kakampi ko talaga si dad. "ayusin mo lang at negosyo talaga ang dahilan mo para dito kamag stay, kapag nalaman ko lang na iba papabalikin kita sa maynila" pagbabanta ni mommy "mom naman, masaya na ako dito, pabayaan mo na ako im old enough at hindi na ako bata para aasa nalang sa inyo" sabi ko. Pagkatapos ng paguusap namin ng magulang ko ay iniwn na nila ako at pumunta sa room nila dito sa hotel dahil ayaw nila magstay dito sa penthouse ko. sabay na rin kami pumunta sa birthday ni Tita kinabukasan ng gabi. at excited ako para makakwentuhan sila ni tita lalo na si Clent. habang pababa kami ng sasakyang ng sumalubong si tita at tito sa amin na halatang excited silang mkita kami. tanging ang kapatid ko lang na babae ang wala dahil nasa italy ito para sa pagmomodelo nito. "insan musta? lalo kang pumupogi ah, no wonder maraming nalilink sayo at nagkakandarapa" saad ni clent kaya napatawa ako. nag uusap kami sa garden na may mga decorations na para sa party mamaya. "okay lang insan, link lang naman at wala namang katutuhanan yon, alam mo na ang showbiz" saad ko at bumaling dito "ikaw, kumusta na?, mukhang inlove na ang playboy kong pinsan ah" pang aasar ko dito pero tumawa lang ito. "loko ka talaga, dati yon! hindi na ngayon"saad nito na nakangiti "mukhang may nagpapatino na yata sa pinsan ko" panghuhuli ko sa kanya pero tumawa lang ito. sa huli ay napagpasyahan kong bisitahin muna ang Restaurant ko dahil may kunting problema. maaga pa naman kaya makakabalik pa ako. nagpaalam ako sa kanilang lahat pagkatapos ay sinabi ko sa driver ko kung saan kami pupunta. hindi na ako nagpadala ng mga body guard na kinontra ng magulang ko noong una. pero tumanggi ako. mas gusto ko ang walang nagbabantay sa akin mas komportable ako. bumisita lang ako doon at tumambay ng mahigit 2 hours at napagpasyahan kong bumalik sa bahay nila ni Clent. Pagkarating ko sa bahay nila ay hinanap ko si Clent para sana makabonding ito at uminom ng wine dahil marami akong katanungan dito pero wala daw ito at may sinundo lang. Napagpasyahan kong makihalubilo at makipag usap nalang sa mga kamag anak namin at mga kasamahan sa negosyo nila tito. sila nman ni Dad at Mommy ay busy rin sa pakikipag usap sa mga negosyante. Nang maalala ko ang regalo ko kay tita ay binalikan ko ito sa sasakyan ko. naiwan ko kasi ito sa loob ng sasakyan ko. isasarado ko na sana ang sasakyan ng makita kong may dumating na isang sasakyan kaya nanatili ako sa loob at umupo nalang at hinayaang nakabukas ang pinto. nakita kong huminto ito hindi kalayuan ng sasakyan nya. nakita kong si Clent ang bumaba at umikot ito para buksan ang kabilang pinto. nanatili lang akong nakatitig sa kanila at inaabangan ang bababa dito. pigil na pigil ang hininga ko at hindi ko maintindihan dahil kinakabahan ako ng sobra. nahigit ko ang hininga ko ng bumaba ito ng sssakyan. isang babae 'f**k! napakagandang babae at ang kinis at ang puti ng binti nito sa suot na dress. ang lakas ng t***k ng puso ko ng mapagtantong ito yong babae na nagustuhn ni Clent. sya nga yong nasa video. hindi ako makalapit at nanatili lang akong nagmamasid sa kanila. nakahawak ito sa bewang ng babae at naiinis ako hindi kona napapansin na napahigpit ang hawak ko sa gift. hinalikan nya ang babae sa noo at ngumiti ito. 'f**k' pumasok na ito sa garden area kung nasaan ang handaan. sinundan ko naman ito at nakita ko na sinalubong ito ni tito at tita. kita ko ang tuwa sa mukha ni tito at tita. sana ganun din si Mommy sa babaeng magugustuhan nya?. how i wish, kilala na kasi nya ang ugali ni mommy. Pinagsilbihan ito ni Clent at halatang inlove nga si insan dito the way kung paano ito itrato at naiingit sya na nahahawakan nya ito. hindi ako lumapit dito at nagkasya nalang ako sa pagmamasid sa isang sulok at medyo hindi ako napapansin baka pag nasa harapan kona sya ay hindi lang pakikipagkamay ang magagawa ko. gusto ko itong ikulong sa mga bisig ko. para syang crystal na babasagin na kailangang ingatan at napakamahiyain nito. alam kong naiilang ito sa mga bisita ni tita lalo na si mommy na nakataas pa ang kilay pero hinawakan ito ni Clent at umupo ito kasama ang mga kaibigan nya. sana ako nalang ang katabi nya sa upuan insan' parang may tumusok na punyal sa dibdib ko ng makita ko itong sinubuan ni Clent. nakikipagkwentuhan at tawanan ito sa mga kaibigan nya. ang ganda nyang ngumiti pati ako napapangiti. parang magandang view ito na hindi pwedeng alisin sa paningin ko. habang lumalalim ang gabi ay hindi ko ito inalisan ng tingin habang pinagsisilbihan ng pinsan nya kahit nasasaktan sya habang inaakbayan ito. paano kaya ako makalapit sa kanya na sya lang mag isa? Nakita kong tumayo na sila at pumasok ito sa loob ng Bahay. sinundan ko lang ito ng tingin habang nakakubli sa mdilim na parte at nakita kung nag CR ito. gusto ko sanang lapitan ito kaso kahit sa labas ng CR binabantayan ito ni Clent. Nakakubli pa rin ako hanggang sa makarating ito sa nakapark na sasakyan ni Clent pagkatapos nyang magpaalam kay tita. sinundan ko ng tingin ang papaalis na sasakyan at nanghihinayangna hindi ito makita muli. sinundan ko ang sasakyan nila. para akong nababaliw at napapailing nalang ako sa ginagawa ko. ako si Vlad, ang sikat na singer at tagapagmana ng MOLACOR. nagiging stalker ng isang simpleng babae.' God!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD