chapter 17 duda

2153 Words
Nagiging lihim na tagasubaybay nya ako kung ano ang ginagawa nya. gusto ko lang masilayan sya. masaya ako na nakikita sya araw araw. maging sa School ay minamasdan ko sya sa malayo para walang makakakilala sa akin. nasasaktan lang ako sa tuwing sinusundo at hinahatid sya ni Clent sa work nya. naiingit ako dahil hindi ako makakalapit sa kanya. ang ganda nya sa mga outfit nya. bagay na bagay at ang sexy nyang tingnan sa simple nyang pananamit. lalong lumutang ang pagkacharming nya idagdag pa ang boses nyang nakakaakit dahil sa ganda nito sa pandinig. Dahil sa lihim kong pagmamasid kailangan ko pa mag disguise dahil hindi ako pwedeng magpapakilala sa kanila baka makita ako ni Clent at Montessa. Habang umiinom ay naisipan kong magrequest ng kanta at sigurado akong alam nya ang kantang ito kaya nang mabasa nya ito ay kinabahan ako dahil hiniling nya na makilala ako at syempre hindi ako nagpakilala. ang simple ng joke nya ay nakakapag bigay ginhawa at kasiyahan sa kalooban ko. lalo na ng marinig ko ang munti nyang tawa. ang sarap pakingan. para syang anghel na nakangiti. Nakailang Bote lang ako kaya hindi ako nalalasing dahil hindi Ko naman tinutodo. mas nageenjoy akong tingnan o panoorin ang dalaga. tulala akong nakatingin sa babae ng may umakbay sakin kaya nagulat ako. "insan, kung ano man yang iniisip mo huwag mo ng ituloy. kawawa naman si Clent" tsaka ko lang nakilala ang nagsalita at si insan Alfred pala ito. "ano ba yang pinagsasabi mo insan? sabi ko dito "huwag ka ng magdeny kanina pa kita pinagmamasdan. alam kong ikaw ang secret admirer nya dahil nakita ko." sabi nito at umupo ito sa bakanteng upuan "may relasyon ba sila ni insan Clent?" "why? plano mo bang ligawan?" tanong nito skin. alam kong nakakahalata na sya sa mga ginagawa ko. para saan nga ba itong ginagawa ko? gusto kona nga ba sya talaga? "hindi ko alam insan, kakaiba na itong nararamdaman ko sa kanya. mula ng makita ko ang video nya hindi na ako pinapatulog kaya nagdecide akong dito mag stay." sabi ko sa kanya na nanatiLing nakayuko habang nakatitig sa baso na may alak. "paano si Clent? pinsan natin sya, ang laki ng sakripisyo nya para kay Montessa, mula pagkabata gusto na nya ito" sabi nito at inakbayan ako nito "sila ba ni Clent?" kinakabahan kong tanong kay insan. parang ayokong marinig ang magiging sagot nya pero kailangan kong malaman kung hangang saan ako lulugar. kong maging sila man didistansya nalang ako para kay Clent dahil magkadugo kami. "bakit? intiresado ka talaga?" may pag aalala nitong tanong sakin "para alam ko kung hangang saan ako lulugar" sabi ko na may higpit sa pagkakahawak sa baso. natatakot ako sa malalaman ko. masakit ang malaman ang totoo pero kailangan. nakokonsensya ako. pero paano kong hindi? "paano kong hindi? what will you do?" turan ni insan na may mapang asar na ngiti "is that an answer or its just a question?" sabi ko at tinungga ang ang alak. ramdam ko ang init at tapang ng alak na dumaan sa lalamunan ko pero pakiramdam ko matatakasan ako ng tapang at bait sakaling malaman ko na sila ni insan "kong sakali bang hindi sila, liligawan mo?" tanong nito at tuMingin sakin. "why not, baka maunahan pa ako ng mga kaibigan ko sa maynila na halang ang kaluluwa, pinagpupustahan na nga nila kung sino ang sasagutin?" sabi ko at umuiiling iling. "ayaw mo talagang matalo insan ah" sabi nito at sinuntok ang braso ko "totoo ang nararamdaman ko at hindi para sa pusta, first time na tumibok ang puso ko. sa video pa lang alam kong kakaiba sya sa lahat" sabi ko at tumingin dito. "kung sakali bang hindi sila, handa ka ba sa galit ni Clent? magpinsan tayo at hindi pwedeng dahil lang sa babae magkakasamaan kayo ng loob" sabi nito napabuntong hininga ako sa tanong nya. ayokong magkasamaan kami ng loob pero kung hindi man sila, kailangan kong sumugal at ipaglaban ang nararamdaman ko. "mahal ko na yata sya, kung sakaling hindi man sila may karapatan naman siguro na akong ipaglaban ang nararamdaman ko diba?" sabi ko at lumagok ulit ng alak "well, tama ka pero ihanda mo na ang sarili mo, dahil sraili mong pinsan ang kakompitensya mo" sabi nito at tinapik ang braso ko "so it means hindi sila?" naninigurado kong tanong dito. pero ng tumango ito parang nagdiwang ang puso ko. para akong lumulutang sa alapaap. My goodness hindi naging sila at may pag asa na ako. pero paano si Clent. kailangan kong makausap si Clent Nang malaman ko na isa si Montessa sa sasali sa singing contest ay pinaghandaan ko talaga yong time na iyon at kinausap ko ang Organizer at nagpakilala. hindi dahil sa binayaran o kung ano. hindi pwedeng malaman nila na kakilala ko si Montessa. " hello Mr. Montenegro, im so glad to meet you here, pwede po bang pa autograph nito? idol na idol ko po talaga kayo" sabi nito na kilig na kilig at inabot ang poster "oh sure, give me that poster" sabi ko dito at sinulatan ko ito. "thank you so much po" "malapit na pala ang fiesta dito" tanong ko dito at nakapamulsa "ay oo nga po, marami nga po kaming mga palaro at programa, ay teka..singer po kayo diba? pwede ko po ba kayong kuning isa sa judge?" boom! success! yes! " oh sure, no probs" sabi ko at nakangiti. ngumiti naman ito sakin at nagpasalamat. marami pa kamin napag uusapan pero ang tanging gusto lang naman ay ang mapalapit kay Montessa. nagdiwang ang puso ko. dahil may chance na makalapit ako sa kanya at makilala sya ng personal. Dumating ang araw ng event at talaga namang parang may tambol na sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba at excitement lalo na nong makita sya sa stage ng tawagin ang pangalan nya. gusto kong masaksihan ang talento nya sa pagkanta na hinangaan ng karamihan. at ngayon masasaksihan ko ito ng personal, hindi lang sa video. Ngunit ang excitement ko ay napalitan ng pangamba at inis. kung kilan sya na ang sasalang ay tsaka naman nagka problema. masama daw ang pakiramdam ng guitarist nila na na kinuha para sa event dahil hindi sila gumamit ng minus one. nakita ko sa inosente nyang mukha ang disappointment at naiiyak na sya dahil sa pagkapahiya na rin pero pinipigilan lang nya. akmang tatalikod na ito ng may naisip akong idea. marunong akong mag gitara, piano at drum dahil nga sa hilig ko sa pagkanta kaya may sarili akong instrument sa bahay. umakyat alo sa stage na may halong kaba. nakatutok ang mga mata lahat sa akin kung ano ang gagawin ko pero ang mas nakapagpakaba sa akin ay ang mata nya na nakatutok din sa akin. Habang papalapit ako ay parang slow motion ang lakad ko. dahil sa wakas malalapitan ko na sya. ang ganda nya lalo sa malapitan. Oh God, ang nakaawang nitong manipis na labi na may pagtataka ay kay sarap halikan. nagsasalita ako ilang dipa mula dito pero pakiramdam ko ay katabi ko sya. pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao. Pagkatapos kong magsalita ay lumapit ako para magpakilala at tanungin sana ang kakantahin nya ng mapako ang mata ko sa pares ng mata nya. oh my God! is it real? ang mga matang matagal ko ng inaasam asam na makitang muli. pero hindi pa ako sigurado. malamang naiilang sya sa titig at pagkagulat ko kaya umiwas ito ng tingin pero nanatili parin akong nakatingin sa kanya. para kasing ayokong alisin sya sa paningin ko. gusto ko syang ikulong sa mga bisig ko at halikan pero kailangan kong kumilos para makakanta na sya. hangang hanga ako sa ganda ng boses nya. para akong hinaharana ng isang anghel. Pagkatapos nyang kumanta at nilapitan ko ito muli at kinamayan. sobrang lambot ng kamay nya at ang ganda na mga mata nya, lalo na ng makita ko ang beloy na matagal ko ng inaasam ring makita. sya kaya si Love? ang laki n ng ipinagbago ng hitsura nya. mas lalo kasi syang gumanda . pero ang isa sa mga asset nya ay nananatiling visible sa mukha nya na hindi pwedeng alisin. ang maganda nyang mata at beloy. kailangan kong magpretend na hindi ko pa sya kilala baka mailang sya. Nang manalo sya ay talaga namang hindi ko napigilang mahalikan sya. bahala na si batman basta gusto ko syang halikan sa mukha at matitigan sa malapitan. bahala na si insan Clent kong ano ang iisipin nya. im just happy that i found her finally. sya ba talaga ito? God, thank you. Dinala ko sila sa Restaurant ko na bagong tayu lang at pinakain sila. masaya ako na makasama ang mahal nya sa buhay lalo na sya. itinaBi ko talaga sya sakin para mapagsilbihan ko sya. gusto ko syang alagaan pero unti untiin ko lang gusto kong alagaan sya. sya lang ang nag iisang baby girl ko mula pa noon. ang sarap sa feeling na malapit na ako sa kanya. ang sarap titigan ang mata nya, ang cute nyang mukha at madama ang init nang katawan nya. Alam kong nag aalala sila sa magiging outcome kong sakaling ligawan ko ito pero ipaglalaban ko sya. ngayon pa ba ako uurong? Natapos ang gabi na puno ng kasiyahan ang puso ko, naihatid ko pa sila sa bahay nila. nalaman ko din na dati silang nakatira sa lugar kong saan huli ko syang nakita. hindi ko inexpect na makita ko sya. matagal kong pinapanalangin na makita kitang muli. pero hindi pa ako sigurado na sya nga dahil wala naman akong katibayan lalo na at hindi nya ako matandaan. tama! alam ko na, yung bracelet, matatandaan nya siguro ito. Kinabukasan ay binilhan ko sya ng pasalubong pagkatapos kong makita ang nanay nya sa palengke. doon talaga sa bahay nila ang sadya ko nakita lo lng si nanay nya kaya sa kanya ko inabot pero plano ko talagang ipagluto sana sya ng sinigang yon daw ang favorite nya, maybe next time nalang Kasalukuyan akong nakaupo ss swivel chair ko habang nagpipirma ng may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kong sino "hello" "where the hell are you? galit nitong tanong "who the f**k do you think you are to ask me that?" galit ko namang sagot dito. ang ganda ng araw ko pero sinira lang nito pero umiyak ito "you're so bad for telling me that, you dont care my feelings, who is that girl?" lalo akong nairita sa turan nito. "what are you talking about? busy ako pwede ba? bye" pinatay kona ito at hibdi na hinintay na magsalita pa ito pero tumawag ulit ito kaya pinatay ko ang phone ko para hindi na ito makatawag. nang may kumatok sa opisina ko. "sir, tumawag po si mommy nyo po, gusto daw po kayong makausap" sabi ng secretary ko habang nakasilip sa pinto ko "transfer her call Anne" ano ko dito. ano na naman kayang problema nito "ano itong mga nababalitaan ko Vlad? ano na naman itong mga pinag gagawa mo dyan ah?!" galit na saad ni mommy "ano bang mga ginawa ko mom? nagtatrabaho ako dito of course" saad ko dito at napahilot sa sintido ko "nagmaang maangan kapa? viral yang ginawa mong kalukuhan dyan sa Cebu yan ba ang sinasabi mong nagtratrabaho? ng dahil sa babae?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni mom. ngayon lo lang napagtanto ang sinabi nito alam kong magtetrending iyon. "what about that mom? of course i was the one of the judges. kailangan kong gawin ang part ko kong kaya ko naman mom, yon lang yon." "yon lang ba talaga ha? baka naman may gusto ka na sa babaeng yan? tumawag sakin si Celine sinisigawan mo raw sya at pinatayan ng phone" grrr heto na naman tayo, kahit kailan talaga wala akong katahimikan kahit nasa malayo na ako "mom, unang una hindi ko girlfriend si Celine, why do i need to explain to her? gusto ko ng tahimik na buhay kong maghahanap man ako ng makapagpasaya sakin i think karapatan ko na yon mom. im old enough to decide what's best for me" sabi ko dito at napasandal nalang ako sa upuan "gusto mong pauwiin kita dito ha? porke't sikat at malaki kana sumasagot sagot kana sakin?" pagbabanta nito sakin na ikinabahala ko. alam ko kasing gagawin ni mom talaga kapag sinalungat ko ang gusto nya "mom, please nagtatrabaho ako, we'll talk later" pagiiwas ko dito "iniiwasan mo ba ako? pinupuno mo talaga ako? inis nitong turan "no mom, may meeting pa po kasi ako ngayon, i will call you later mom ok bye love you" pinatay ko na ito. tsaka lang ako nakahinga nang maluwag. Kailangan kong mag ingat mahirap na baka kong kilan nakita ko na sya at tsaka naman sya mawawala sakin ng tuluyan. ayokong mangyari yon, baka ikamatay ko pa. pupunta ako ng maynila para bisitahin sila para hindi dila magduda sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD