Mabilis na lumipas ang mga buwan na puro aral trabaho ang ginagawa ko, sinusundo at hinahatid pa rin ako ni Clent, kahit ganun ang nangyari ay hindi pa rin nagbabago angbpakikitungo nya sakin. kapag hindi nya ako nasusundo at naihahatid ay tumatawag kaagad sya kaya nag kocommute nalang ako. sa kabila ng lahat hinahanap hanap ko rin ang presensya ni Vlad, namiss kong masilayan muli ang mukha nya. hindi ko alam kong masaya ako o matatakot ng padalhan nya ako ng regalo nong pasko pati pamilya ko. kahit ganun ang nangyari ay namimiss ko sya. may kong anong parte ng katawan ko ang nabubuhay sa tuwing tinititigan at nahahawakan nya ako pero hindi pwede, kailangan kong umiwas dahil alam kong hindi na matatahimik ang buhay ko kapag lumapit pa ako muli sa kanya. first meet nga lang namin ay ang dami na kaagad na issue. buti nalang at hindi ako mahilig sa social media kaya hindi ko nababasa ang mga negative comments yon nga lang pinalabas pa sa TV ang Blind item ng babaeng third party ng Vlad and Celine loveteam at naikokwento ng mga kaibigan at kakilala ko kaya nalulungkot ko na ganun lang kadali nila akong i judge. hindi ko naman sinasamantala ang kasikatan nya dahil unang una ayaw kong maging center of attraction, ayaw kong maging sikat. mas masaya ako sa tahimik na pamumuhay. hindi ko alam kong paano i handle ang mga bashers, kaya minsan na rin sumagi sa isip kong tumigil dahil na dedepress na ako. buti nalang at tumigil na ang issue.
Sa kabila ng lahat ng nangyari ay hindi ako iniwan ni Clent at sya ang umaalo sakin. hindi kona alam kong ano na ang balita kay Vlad. hindi naman nya nababanggit sakin ang tungkol kay Vlad at hindi ko na rin natanong pa sa kanya baka ano na naman ang iisipin nito.
"ang lalim yata ng iniisip mo?" untag ni Sir Alfred sa akin, nakaupo lang ako sa bakanteng upuan na nakaharap sa dagat, breaktime lang namin saglit. marami na namang customer ngayon pero hindi katulad nong bago pa lang ako na halos walang maupuan. maybe affected ang negosyo no Sir sa naging issue ko at ang pinsan nya. although hindi naman alam ng lahat may mangilan ngilan lang na nakakaalm na ko yong nasa blind item. hindi ako sanay harapin ang ganitong issue.
"huwag ka ng malungkot hindi kami sanay na malungkot ka. kung gusto mo pwede kang magpahinga muna para makapagpahinga ang katawan mo, alam kong sobra ang pagod mo. mahirap kaya pagsabayin ang pagaaral at trabaho" sabi ni sir kahit hindi ko sya sinsagot ay kinakausap pa rin nya ako.
"wala pala si Clent, tumawag sya sakin hindi ka nya maihahatid pauwi dahil may lakad sila ng pamilya nya." dugtong ni sir
"okay lang po sir, kaya ko naman pong mag commute, malaking abala na nga po ako kay Clent pati sya napupuyat dahil sa akin. nahihiya na nga ako sa kanya" sabi ko
"mabait si Clent at wala lang sa kanya ang mga ginagawa nya dahil yon nakapagasaya sa kanya, mahal ka kasi non" sabi pa nito at ngumiti at ngiti lang din ang ginanti ko
"apektado kapa rin ba sa issue between you and Insan Vlad?, kalimutan mo na yon ganyan talaga ang showbiz, kaya nga hindi na ako magtataka kong bakit gusto iwan ni Vlad ang showbiz dahil gusto nya ng tahimik na buhay" sabi nito kaya napalingon ako bigla at tumingin naman ito sa dagat
"iniwan na nya po ang showbiz?" hindi ako makapaniwala, isa syang sikat na singer pero bakit iniwan nya ito?
"yes, ayaw nya kasi ng masyadong pinapakialaman ang bawat galaw nya. si tita lang lang naman kasi ang may gusto na mag artista at singer si Vlad lahit nasasakal na ito sa sobrang higpit nya. hindi nga alam ni Vlad kung paano sya makakatakas sa pagiging manipulative ng mommy nya"
kahit pala sikat at mayaman ang tao may lungkot at problema rin pala. ibig sabihin hindi lang pera ang makakapagpasaya sa tao.
"kawawa rin pala si Vlad ano?" wala sa sarili kong sabi. hindi ko alam bakit bigla kong nasabi yon?
"yes, kawawa sya, pero dahil mahal nya ang mommy nya, sinusunod nya ang mga gusto ni tita. pero hindi ko alam kung kaya na ba nyang labagin ang mga gusto ni tita ngayon na nakilala ka nya?" ano raw? bigla akong napalingon sa kanya sa gulat
"po?"
"mula ng makita nya ang video mo na sumali ka sa contest ay baliw na baliw na yon sayo dati pa kaya nga nagpatayo ng Restaurant yon dito sa cebu para dito na sya mamalagi" hindi ako makapaniwala sa narinig
"binibiro nyo naman po ako Sir, nakakatawa" sabi ko at ngumiti
"hindi kita binibiro, sya ang secret admirer mo at ang Vlad n Love Restaurant na yun combination ng pangalan nyo yon?" oh my God, totoo ba lahat ng narinig ko? sya ang secret admirer ko. ngayon ko lang naalala ang pangalan ng Restaurant. combination ba talaga ng name namin yon?
"paano po nangyari yon? hindi kami magkakilala?" kunot noo kong tanong dito
"marami syang nakwento sa akin, halos gabi gabi lasing yon dito at hindi nga lang nagpapakita sa iyo dahil ayaw nyang nasasaktan ka dahil sa issue, naaawa na rin ako sa kanya, ngayon lang kasi yan naging seryoso sa isang babae, matanong lang kita?" sabi nito at lumingon sakin kaya tumango ako
"wala ka bang naalala sa kanya mga more than 10 years na siguro nong kabataan mo?" napakaunot noo naman ako sa tanong ni sir, wala naman kasi akong matandaan
"wala po akong maalala, bakit po?"
"may nakilala daw kasi syang bata dati na love ang pangalan sa tabi ng dagat na namumulot ng shell at ginigawang bracelet, binigyan pa nga daw sya ng bracelet na gawa ng bata, ang inaakala nya ay ikaw yon, alam mo ba na yong batang yon lang ang tangi nyang mahal?" bracelet? ako daw yon? sumakit ang ulo ko sa kakaisip
"hindi ko po maalala pasensya na talaga sir, baka magkapareho lang kami ng pangalan" sabi ko dito
"maybe, sinabi ko nga din yan sa kanya pero sigurado daw sya dahil sa mata mo at beloy" sabi nito na ngumingiti at umiiling iling. "naHihirapan syang makalapit sayo at tanungin ka kasi maraming mata sa paligid, sa ngayon nasa maynila sya at tinutukan ang negosyo nila, sabi ko nga s kanya try nya munang ifocus ang atensyon nya s ibng bagay baka kako nanibago lang sya at first time nya mainlove" sabi nito na tumatawa, si Vlad inlove sakin? kalokohan, mga artista kong makapagpalit ng babae kaybilis no! pero sa dami ng nagawa nya na hindi ko alam, napaka imposible pero nakakataba ng puso. biglang nag init ng pisngi ko. may kong anong humaplos sa puso ko dahil na sakripisyo na ginawa nya.
Nakauwi na ako sa bahay namin at 2:30am na. pero hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa mga nalaman ko. parang gusto ko syang makita at mayakap. ako ba talaga yong bata na sinabi ni Sir na hinahanap ni Vlad? ilang taon ba ako non bakit hindi ko matandaan? dahil sa hindi ako makatulog ay napagpasyahan kong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.
Naisipan kong mgtimpla ng gatas at umupo aKo sa sala para magpapaantok ng magising si nanay
"oh anak, dumating kana pala? bakit hindi kapa natutulog? " tanong ni nanay at lumapit sakin
"hindi po ako makatulog nay kaya uminom ako ng gatas" sagot ko kay nanay habang hinahalo ang gatas
"may gumugulo pa rin ba sa isip mo anak?, masama ang sobrang pag iisip anak, hindi nakakabuti sayo yan lalo na at nag aaral ka baka maapektuhan ang pag aaral mo nyan, magpahinga ka kaya muna sa work mo?" sabi ni nanay at umupo sa tabi ko. nanatili lang akong nakatulala nang hilahin ni nanay ang kamay ko pagktapos ay kinuha ang baso ng gatas at ibinaba ito sa mesa.
"halika, hihilutin ko ang ulo mo, naaawa na ako sa iyo masyado nang pagod ang katawn mo sa trabaho mo pati isip mo pagod na pagod din" sabi ni nanay at hinihilot ang sintido ko
"nay dati po ba akong gumagawa ng bracelet na shell or nagtitinda po ba tayo noon?" tanong ko kay nanay
"bakit mo natanong yan anak?" ang tagal na non ah,.." sabi ni nanay. mamaya ay nagsalita ito muli "oo, gumagawa ka noon ng shell at ibinibenta ko naman dahil sa sipag mo kahit sa mura mong edad ay malaki ang naitutulong mo sakin noon imbes na maglaro ka ay pangunguha ng shell ang ginagawa mo" sabi nito at ngumiti
"bakit anak? yan ba ang nakapagpagulo sa isip mo o dahil pa rin kay Vlad?" parehas nay, gusto kong isatinig pero ayokong mag alala sila. labis nga silang naapektuhan sa nangyari sa akin tapos heto na naman.
"wala naman po, nakakamiss lang gumawa ulit" sabi ko kay nanay at hindi na naman ito nangungulit pa,
Pagkatapos kong uminom ng gatas ay nagmumog lang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Papatulog na ako ng may nagmesaage sa phone ko. hindi kona sana papansinin dahil gusto ko ng matulog pero may message ulit kaya tiningnan ko kung sino ang nagpadala.
"unknown number? sino to?" binasa ko nalang ito
"[i miss you baby girl]" baby girl? parang familiar pero marami namang tumatawag sa akin non. binasa ko ang isa pa
"[I'm having a hard time and I really want to see you again but i dont know how]"
nagulat naman ako sa isa pang message. hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kong sino ito. hinayaan kp nalang ito baka isa sa mga customer ko at nangtitrip lang.
"[always take care of yourself, goodnight baby girl, sleep tight]" sino ba to? napabuntong hininga nalang ako sa last message nya pero hindi ko pa rin ito nirereply. ibinalik ko ang phone ko sa side table at humiga ulit
Nagpaalam ako kay Sir na magpahinga muna sa work, may aasikasuhin kasi ako sa Activities ko sa isa kong subject. dahil kailangan naming mag observe.
Challenging ang course na ito. It's not what others would think to be a very easy course to take. It takes a lot of hard work to pass this. im taking Bachelor of Science in Tourism Management. magagamit ko ang lahat ng natutunan ko sa pag aaral, math ang isa sa kailangan. tourism is like a mix of marketing and business management. The only difference is that your product here are a city or a nation's human, physical, and financial resources. ang problema ko kapag may mga travel tour and training na baka hindi na ako makapagtrabaho pa sa restobar. tsaka kona problemahin yon.
Kaya ko to, tatapusin ko ito kahit mahirap ang buhay.