chapter 2 Girraffe

2907 Words
Montessa's POV "anak gising na! malelate kana.." gising ni nanay sakin. "hmmm..nay 5 minutes pa, antok pa ako eh" sagot ko sabay talukbong ng kumot. "anak, anong oras na kanina pa yang 5 minutes mo kung susumahin yan 30 minutes na yan, haisst ikaw talagang bata ka" palatak ni nanay "anong oras na po ba nay?" tanong ko habang nakatalukbong ng kumot. "6:30 na! pambi-" sabi ni nanay kaya napabalikawas ako "6:30 na? oh my gosh..7 pasok ko nay naman bakit ngayon mo lng ako ginising"putol ko sa sinabi ni nanay at tsaka nagmadaling tumungo sa banyo "kanina pa kita ginigising tulog mantik ka, bilisan mo at aantayin kita sa kusina at nag aantay na si Carla sayo" sigaw ni nanay sa labas ng banyo "opo nay saglit lang ka'mo" sagot ko. pagkatapos ko maligo ay nagbihis kaagad ako diko alam kung may lahi akong si superman basta sa loob 15 minutes nakaligo at nakabihis na ako at tumungo sa kusina. "kumain ka muna dito hindi pwede walang laman ang tyan sa umaga"sermon ni nanay." dahan-dahan lang baka mabilaukan ka nyan" sita ni nanay. "sila kyle at bryan nay?" tanong ko "naku kanina pa umalis iniwan kana ng mga kapatid mo, bakit kasi late kana nagising, siguro late kana natulog ano?" tanong ni nanay. "may tinapos po kasi ako nay" sagot ko "nguyain mo naman beshy baka buo pa yan paglabas nyan" bungad ng friend ko sa kusina na diko namalayan nakatingin pala. "gaga, kadiri ka talaga, wagmo ako kausapin kumakain ako" sabi ko sabay irap sa kanya kaya napatawa lang ang loka. "pinuyat ka siguro ni clent no kaya late kana nagising" asar ni carla "anong pinuyat ka dyan diko naman kausap yun..tinapos ko lang kasi yung Report ko sa english ako na kasi magrereport sa friday, alam mo namang graduating na tayo" sabay tayo at uminom ng tubig. "oo nga eh namroblema din ako kasi hindi pa tapos yung sa akin" -carla "ok lang yan, tulungan nalang kita" sabi ko kaya tuwang tuwa ang lukarit "ay talaga? yeheyy bait talaga ni beshy ko" nakangiting yumakap ang loka sakin "nay aalis na po kami" paalam ko kay nanay "nay luisa alis na po kami" paalam din ni carla. " mag ingat kayong dalawa ha"bilin ni nanay. "opo nay"sabay naming saad na dalawa at kaagad na umalis. pagdating ng breaktime namin ay naglakad kami papunta sa tambayan namin sa likod ng school dahil mas tahimik doon. "beshy, anong kukunin mong course sa College? tanong nito habang naglalakad kami palapit sa bench. "Accountancy or tourism siguro diko pa sure" tipid kong sagot "bakit naman parang nagdadalawang isip ka?" tanong ni carla sabay upo kaya umupo na rin ako bago sumagot. "hindi ko kasi sure kung makakapag college ako, alam mo namang sa hirap ng buhay namin at tsaka hindi kaya ni tatay kasi sabay sabay kaming tatlo na ng aaral" ani ko "ano ka ba beshy, kaya mo yan sa talino mong yan malamang makakakuha ka ng scholarship para ma lessen ang gastusin" sagot ni carla. "sa tingin mo makakapag college kaya ako?" tanong ko dito. "oo na naman no, ikaw pa! at tsaka lagi ka namang nanalo sa singing contest, dagdag income na rin yun diba? think positive lang beshy" paliwanag nito. " salamat beshy, gusto ko talaga makatapos para makatulong na rin ako kay nanay at tatay..naawa na kasi ako kay tatay alam kung pagod na sya kakatrabaho pero tinitiis lang nya." malungkot kong sagot "ganun talaga ang buhay besh, pareho lang naman tayo, buti ka pa nga ang swerte mo sa family mo, mababait ang magulang mi atmga kapatid" sagot din nito. "speaking of singing contest, may pacontest pala sa kabilang bayan sa Catmon malapit na kasing fiesta dun" sabi nya "sige sasali ako malay mo palarin at baka manalo ako, para makatulong narin ako kay tatay at nanay sa bayarin namin" ani ko "ikaw pala, ano ring kukunin mong course? tanong ko sa kanya. "nursing sakin beshy? saad nito "ha? bakit nursing eh diba takot ka sa dugo? tanong ko sa kanya "gaga, masasanay din ako nyan no, sa una lang yan, eh bakit ikaw, bakit hindi nalang related sa music or masscom kaya? diba mahilig kang kumanta? tanong nya sakin. "ayokong gawing profession ang pag kanta. pagkakakitaan pwede pa or gawing hobby ko lang sya talaga. maybe singing is my passion but i don't wanna take it seriously as my profession, mas ok pa rin ang tahimik ang buhay, alam mo naman ang showbiz wala kang maitatago, walang privacy."paliwanag ko. "alam mo tama ka, mas ok na ang tahimik ang buhay, speaking of showbiz, napanood mo ba sa balita kagabi yung crush mong yummy?" kilig nitong turan. "hindi bakit?" sagot ko "hay naku nahuli kana naman sa balita, alam mo bang hiwalay na sila ni charina at Vlad tapos may bagong nalink na naman sa kanya ngayon na sexy actress "saad nito. hmmp..napaikot ang mata ko sa nalaman. "paki ko dun at tsaka dati ko lang yon crush ngayon hindi na..ayoko ko kaya sa babaero" saad ko "ay nagselos si beshy, crush mo lang huwag mong dibdibin pambihira ka" pang asar nito " di ako nagseselos no at tsaka imposible naman akong patulan non hello..ako mapapansin ng isang artista? mga mayayaman, magaganda at sexy ang gusto non at tsaka mas imposible mapansin ako non nandito tayo sa kasuluk sulukan ng probinsya." paliwanag ko sabay nguso. maybe dahil na rin sa ginawa ng totoo kong ama kaya ayoko sa ganong klaseng lalaki. "eh what if nasa harapan mo na sya at napansin nya ang kagandahan mo and then niligawan ka nya. "imposible nga!" sagot ko "what if nga? alam mo hindi impossible yon dahil maganda at magaling kang kumanta " pangungulit nya kaya binatukan ko. "aray naman, sadista ka talaga, nagtatanong lang eh" reklamo nito sabay kamot sa ulo. "alam mo ayokong mangarap ng mataas pagdating sa pag ibig tama na ang ka level ko. mahirap nang lumipad ng mataas baka hindi ako sasaluhin. kapag bumagsak ako bali bali buto ko maiiwan lang akong sugatan at luhaan"saad ko "at tsaka kita mo naman ang angkan ng mga Montenegro mayayaman lalo na ang ina nya na halatang mata pobre, kilay pa lang pwede ng sabitan ng hanger sa sobrang taray halatang binabakuran lagi ang anak. baka kalbuhin pa ako non" paliwanag ko "ay mukhang may pinagdadaanan ang beshy ko nakailang heartbreak ka na ba?" pang asar nito "wala pa nga ako boyfriend, heartbreak pa kaya? naiinis lng ako sa ganyang lalaki..kaya nga ayoko mag boyfriend sakit lang yan sila sa ulo..biro mo kung maging katulad nila boyfriend ko eh di ang dami kong ka kompetensya at bashers..at tsaka ang mga artista kung makapagpalit ng syota yan para lang yang nagpapalit ng damit kapag nagsawa na" mahaba kung paliwanag. kainis talaga yang mga ganyang lalaki kaya takot ako mag boyfriend baka pag nainlove na ako sabay iiwanan ako at ipagpalit sa mas maganda. hayyy pagkabalik namin sa room para sa last subject sa umaga ay nakita ko ang grupo nila Stacey na busy sa pag mamake up. umirap ito ng mapansin ako. hindi ko nalang pinansin at umupo na ako sa pwesto ko. "panay paganda hindi naman gumaganda"bulong ni carla "sshhh..wagka maingay" sita ko sa kanya nang biglang dumating ang clingy kong friend " hi my love!" sigaw nito at umupo sa tabi ko sabay halik sa ulo ko at yumakap. nginitian ko lang sya ng tipid dahil lalong dumilim ang mukha ni Stacey pagkalingon ko. matagal na kasi itong may gusto kay clent, balita ko nagkamabutihan ang dalawa noon pero di rin nagtagal ay dina pinapansin ni clent ayaw daw kasi ni clent nang maarte at feeling sosyal dalawang beses ko na rin syang natalo sa beauty contest, una dito sa school at pangalawa nung fiesta dito sa bayan namin kaya ganun nalang ang inis sakin. "ay sana all hinahalikan at niyayakap ng campus crush" sabi ni Carla na kinikilig kaya napatawa nalang si clent "how are you my love tahimik ka yata?" usisa nito napansin ko kasi si stacey masama ang tingin kaya umaayos ako ng upo at hindi na ito nilingon. "ok lang naman" tipid kung sagot. " love may ibibigay nga pala ako sayong pasalubong hindi kasi ako nakapasok kanina ng maaga kaya ngayon ko nalng ito ibibigay sayo" paliwanag nito. nasanay na akong tawagin ng love nito kasi second name ko yun at isa pa friends lang naman kami kahit nabasted ko sya hindi naman sya nagiba ng pakikitungo sakin. "ano to? parang ang laki yata". napansin ko kasi agad ang gold na box na nakaduty free na plastic pa" tanong ko "my love dala yan ni mommy galing Japan nag bakasyon kasi sila ni papa for their wedding anniversary. pinapabigay nya sayo ayaw mo kasing pumunta sa bahay matagal kana kaya nyang gustong makilala" saad nito "ay ang daya bakit sya lang clent ang may pasalubong may favoritsm ka?" angil ni carla "isa lang kasi ang dala ko pero bukas dalhan kita promise" "wow ferrero!" bulalas ko ng tingnan ko ang loob ng bag. napawow naman ang mga kaklase ko "thank you clent, pakisabi rin sa mommy mo ha.. i love it" sabay ngiti ko sa kanya dahilan para lumitaw ang isa s asset ko, ang dalawang kong dimple sa pisngi kaya napatitig na naman sya sakin at nakatulala. "ang ganda mo talaga, dapat lagi kang ganyan naka smile palagi, lalo kang gumaganda" at pinisil ang dalawa kong pisngi na ikinapula ng pisngi ko sa hiya. "ang daming langgam na dyan sa upuan nyo oh beshy kalo-"carla " so irritating duh.. alam mo ba ang daming higad ngayon balitang balita na kaya..nakakainis nga eh ang kati kung saan saan gumapang at kumakapit" putol ni stacey sa sasabihin sana ni carla "alam mo matuto ka kasing maglinis ng bahay nyo para hindi kayo gapangan ng kung ano anong insekto hindi yung puro kayo paganda. makati talaga yan kaya pala nahawa kana sa higad baka binahayan na kayo" saad ni carla kaya naalarma ako dahil pinagtawanan sya ng mga kaklase namin. "beshy tama na baka gantihan kapa nyan"bulong ko "hayaan mo sya.. subukan lng nya paglakarin ko sya ng nakahubad" sigaw nito kahit nakatalikod kay stacey " umiwas na lang tayoano kaba? tama na.."bulong ko sa kanya "namimihasa yan eh, inggetera kasi, subukan lang talaga nya beshy paglakarin ko sya ng nakahubad tapos may nakasulat sa harap 'wag tularan, inggetera ako' oh diba ang saya?.."hingal nitong sagot dahil na rin siguro sa inis kaya napatawa ang lahat lalo na si clent, ako naman ay pinipigilan lang baka marinig kasi ng teacher namin mapatawag pa kami sa Guidance Councilor's Office. "feeling, mukha namang frog" inis na turan ni Stacey napikon siguro sa sinabi ni Carla "bakit ikaw? bobita na mukha ka pang girraffe na nilagyan ng kolorete ang mukha. mas feeling maganda ka! leche!" inis nitong sagot kay stacey kaya mas lalong napalakas ang tawa ng lahat. ako naman ay napatakip sa bibig habang pinipigilan ang tawa. tawagin ba namang girraffe si stacey? oo't payat, mahaba ang binti at leeg nya pero masyadong bulgar tong si carla walang preno..naiiyak na sa inis si stacey dahil pinagtatawanan sya. nang bigla kung nakita ang teacher namin na masungit papasok sa room kaya bigla kung kinalabit si carla at bigla ring tumahimik ang lahat. "good morning class.." bati ni Ms. Ventura " what's happening here? what's that commotion?" tanong ni Ms. Ventura dahil may naririnig pa rin syang hagikhik kaya tumikhim ako at tumungo ako. "Ms. Santillan anong nangyayari dito? napasinghap ako sa bigla nyang pagtawag kaya napaangat ang mukha ko "uh! ahm ahh..ano po.."nagkanda utal utal ako kasi diko lam ang isasagot "ahm mam, nag-uusap lang po kami tungkol sa ano po.. sa girraffe.." utal na sagot ni carla. "girraffe? bakit may nakapasok bang girraffe dito? gulat na tanong ni Ms. Ventura " ah opo..ay este..hindi po" kaya lumalakas nanaman ang higikhik ng mga kaklase ko. "keep quiet!!" sigaw nito samin "why are you laughing? sita nito. "nagtatanong lang po kasi si Carla mam tungkol sa girraffe?" saad ni vince sa likod ko na parang natatawa "ano bang tungkol sa girraffe na yan Ms. Dimaano? kanina pako nagtatanong dito ayaw nyong magsalita" yamot na tanong nito." Ms. Dimaano, talk!...now!..." baling nya kay carla. "kasi po mam..ahm..ahh..teacher pinag uusapan lang po namin kung ano sa tingin nila kung ang girraffe ba may..ahm.."nilingon nya muna si Stacey na nanliliit ang mata kay carla.."kung ang girraffe po ba may make up...d-diba masagwa? na nagpasinghap kay Stacey tila umuusok na sa galit lalong pigil na pigil ko ang tawa kaya tinakpan ko nalang ang mukha ko.. "may..may naalala lang po kasi- i mean may napanood pala ako na girraffe na may m-make-" sabay tingin sa kanila ni stacey na nauutal kaya bigla kong hinawakan ko si carla para sana patigilin ito pero ikinagulat nito "ay stacey! uh ahm..beshy ano kaba ginulat moko" kaya napalakas ang tawa ng kaklase ko at yung iba nakahawak pa sa tyan. si Ms. Ventura naman na nakakunot ang noo ay biglang nagbago ang ekpresyon na parang natatawa pero bigla itong tumalikod at napahilot sa sintido diko alam kung tumatawa ba ito o hindi. si Stacey naman ay biglang lumabas na parang naiiyak at galit na nakatingin kay carla pero inirapan lang nya ito.. after 3 minutes ay kumalma na si Ms. Ventura at nagsalita "class..prepare a sheet of paper, we will have a quiz after our discussion, Ms. Dimaano Tigil tigilan mo na ang malawak mong imahinasyon, nakalabas na ng Giraffee" at mas lalong ikinatawa namin. "natapos ko nang i check ang exams nyo last week hindi ko malaman bakit may bumabagsak pa sa inyo eh ang dali lang ng exams nyo. pero congrats din sa mga nakakuha ng matataas na marka. sa math lang ito ah, diko sure sa iba nyong subjects ..okay..out of 60, she got a perfect score and congratulations Ms. Montessa love Santillan, you did a great job"puri ng teacher ko. na overwelmed naman ako..and i said thank you to her. napa wow naman ang mga kaklase ko.. "and the second to the highest score is 58 no other than Clent Montenegro Zamora. Congrats Mr. Zamora" ani ni mam "thank you mam" ani ni clent "there's a tie in the third placer and congrats Ms. Dimaano and Mr. Santos" puri ni mam kay carla and vince and they said thank you also. mas lalo tuloy akong naging ganadong mag aral kasi naging maganda ang resulta ng pagpursige kung makatapos. 3 months nalang graduation na namin kaya excited na ako sa graduation namin. kailangan kong makasali sa singing contest sa kabilang bayan, matagal pa naman yun pero magpapractice pa rin ako para may pambayad ako s toga at panghanda namin ni nanay sa graduation ko..sa kakaisip ko diko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kwarto dahil na rin sa pagod siguro. ginising nalang ako ni nanay " nak, bangon kana maghahapunan na tayo, nandyan na si tatay mo" ani ni nanay "ok po nay sunod nalang po ako" sagot ko, pagkalabas ko ng kwarto ay nasa hapagkainan na sila lahat..niyakap ko kaagad si tatay na nakatalikod, na miss ko sya. "tay miss you po" paglalambing ko. "itong prinsesa ko talaga oh dalaga n para ka pa ring bata kung maglambing" ani ni tatay. natatawa naman si nanay "maupo kana sa tabi ng tatay mo anak" ani ni nanay "kumusta naman ang pag aaral mo anak, malapit na pala graduation mo." tatay "ok naman po, matataas po ang grades ko tay" sabi ko "ang galing naman ng prinsesa ko, galingan mo pa nak at mas lalo ako magsumikap mgtrabaho, sulit naman ang pagod ko kasi nakikita kong mababait kayo tatlo" maluha luhang sabi ni tatay. nginitian ko sya at tumango. " ako rin po nay tay mataas rin po grades ko" sabi ni kyle "mabuti naman anak basta pakabait ka lang ah, wag muna girlfriend para makapagfocus ka sa pag aaral"ani ni tatay "tatay naman, wala pa po sa isip ko yan tay" sabi Kyle "ako po tay di naman gaano mataas ang grades ko pero wala akong bagsak"ani ni Bryan "ok lang yan nak basta nakikita kung nagsusumikap kayo at hindi pagbubulakbol ang inaatupag, masaya na ako" tatay "ahm..nay may singing contest daw po sa Catmon, fiesta raw po kasi, sali po ako nay para pandagdag natin sa panghanda natin sa graduation."sabi ko "pero anak, baka mapabayaan mo ang pag aaral mo, kung kilan matatapos kana" tatay "ok lang po yun tay, tatapusin ko nalang nag maaga mga projects, reports at performance task para hindi po ako magahol sa panahon"sabi ko "bahala ka nak basta yung kaya mo lang ha, wagmo masyado ipressure ang sarili mo,ok lang matalo atleast na try mo" tatay "opo tay, magpapatulong nalang po ako kay mamo sa pagrerehearse ng kanta" mamo tawag nya sa ninong nyang bakla, ito kasi ang handler /Vocal coach nya, dahil may sarili itong studio para sa mga ngtetraining kumanta kaya nakalibre sya at mas lalo syang nahasa sa pagkanta na akala mo professional na ang dating. "mabuti naman kung ganun anak, sige sasamahan kita sa pagregister sa kabilang Bayan para makasali ka, sabihan mo nalang ako kung kilan ang practice mo kay ninong mo para masamahan kita"bilin ni nanay. napatango nalang ako at ngumiti kay nanay at tatay. super blessed ako na ngkaroon ako ng pamilya na mapagmahal. masaya lang sa pakiramdam na suportado nila ako kaya nakakaproud sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD