chapter 3. reflection

2250 Words
Montessa's POV Naglalakad si Montessa na mag isa sa hallway ng eskwelahan na pinapasukan nya. mag isa lang sya ngayon at absent si Carla dahil na ospital ang nanay nya. habang naglalakad sya ay may biglang umakbay sa kanya kaya nagulat sya. "good morning my love" at kinabig ang leeg ko sabay halik sa noo ko. kaya tinampal ko sya sa balikat. " nakakagulat ka naman, akala ko hold up na" ani ko sabay irap na ikinatawa nya..gwapo si Clent. sa totoo lang noong unang kita crush kona kaagad sya pero dahil alam kung may itsura ito kaya marami ang nababaliw at nagpapapansin. sadyang pihikan lang ang puso ko kasi ayaw ng may kakompetensya kaya nadidiscourage kaagad ako kapag may pogi at isa pa ayoko pa talagang magboyfriend. "grabe ka naman love, nasa loob tayo ng campus, paano makakapasok ang holdaper" ani nito habang tumatawa. "nangugulat ka kasi eh"reklamo na nakanguso.pinisil naman nito ang ilong ko "ang cute mo talaga.."nang gigigil na naman sa ilong ko."bakit mag isa ka yata ngayon?"dugtong nito. "absent si Carla nasa ospital ang nanay nya"sagot ko. "hmm..so, mag isa ka pala ngayon buong araw. pwede bang ako muna ang company mo? sabay kindat sakin na nakangiti na ikinapula tuloy ang mukha ko. nakakakilig talaga ang itsura nito. kung boyfriend ko lang ito nahalikan kona ang makinis at maputi nitong mukha. "i have no choice kundi pagtyagaan ka" sabay irap para sa kanya "grabe ka naman my love, yung iba nga dyan halos magmakaawa na mapansin at makasama lang ako samantalang ako nag ooffer nako samahan ka buong araw sasabihin mo lng pagtyagaan mo lang ako." angil nito na ikinatawa ko. ang cute lang kasi nya magtampo. "eh di wow, ikaw na maraming admirers."ani ko irap ko sa kanya "pero kahit marami nagpapacute sakin ikaw pa rin ang nag iisang pinakamaganda at pinakacute sa paningin ko" sabi nito na naka akbay pa rin sakin at nakapamulsa ang isang kamay habang naglalakad kami. "nambola kapa, dapat ang kasama mo mga ka team mates mo o katropa mo, hindi mona sila nakakasama dahil sakin" sabi ko. star player kasi ito sa basketball kaya sa tangkad at kisig ng katawan kahit bata pa ay nakakaakit na sa kababaihan. "eh ikaw ang gusto ko makasama eh"sagot nito "ang sweet nyo naman" ani ni vince na kaklase ko ng makasalubong namin ito. tumabi naman ito sakin habang naglalakad kaya napagitnaan ako. "haist.."angil nito "doon ka nga vince, panira ka sa diskarte ko eh..mauna kana" rekalmo ni clent..ikinatawa namn ito ni vince. "kahit anong gawin mo pang da moves dimo mapapasagot yan si Montessa." pang aasar naman ni vince. gwapo rin si vince katulad ni clent maputi at matangkad pero mas matangkad si clent. "eh kung burahin ko kaya yang pagmumukha mo?" sabi ni clent na ikinatawa lalo ni vince. sabay sabay na kaming pumasok sa room. super thankful ako sa Tita ko dahil tinulungan nya akong makapag aral sa magandang eskwelahan kasama ang mga kapatid ko dahil nakikta namsn nya na hindi namin pinapabayaan ang pag aaral namin. kakambal sya ni mama pero matandang dalaga dahil sa pagka bigo sa pag ibig kaya hindi na nag asawa. pagkapasok. nagtrabaho sya sa ibang bansa bilang nurse sa US kaya nakakapagpadala sya para sa bayarin namin sa school at gamit. "tita bakit ayaw nyo pong mag asawa sayang naman po nagtatrabaho kayo pero wala po kayong asawa at anak na pag aalayan ng pinaghirapan nyo" "sweetheart diko na kilangan maghanap ng asawa at anak. ayaw ko nang pangarapin yan, dahil para sakin ikaw ang nag iisa kong prinsesa para pag alayan ko ng pinaghirapan ko. sa abot ng aking makakaya tutlong ako sayo at sa mga kapatid mo, makatapos lang kayo magiging masaya nako. hindi ko man natupad para sakin atleast nakikita kitang masaya at matagumpay, ok na ako dun" madamdamin nyang sabi "matanda na ako sweety kaya ikaw nalang ang baby kong pinakamaganda" dugtong nito bumalik ako mula sa malalim na pag iisip ng nakapasok na kami sa room at nagsalita si clent "ang lalim yata ng iniisip mo my love, nandito na tayo oh" sabi ni clent napasinghap naman ako lalo na ng makita ko ang mgakaklase ko nakatangin samin lalo na ang grupo ni Stacey. as usual tinaasan na naman ako ng kilay 2000. " may naalala lang ako"sabi ko ng makaupo na "baka hingalin naman ako nyan my love sa kakatakbo sa isip mo" nakangising turan nito sabay kindat. "hindi ikaw ang iniisip ko no." sabay irap ko sa kanya "ang ganda mo pa rin my love kahit galit ka" amuse nitong turan sabay pisil sa ilong ko "arayy, masakit yun ah!" inis kong sabi dito "ang tangos kasi ng ilong mo nakakagigil ayan tuloy namumula na ilong mo"sabay ngiti nito "ewan ko sayo, tigilan moko ah" at inirapan ito. tumawa nalang ito. pagdating ng lunchtime ay inaya ako ni clent sa canteen ililibre raw nya ako. hindi nalang ako tumanggi dahil ayaw rin naman nito abg tinatangihan sya. "anong gusto mo love?tanong nya sakin "ikaw nalang bahala"sabay ngiti ko sa kanya "ok, wait me here, oorder lang ako" at umalis na ito. pagkablik ay may dala n itong pagkain. nagutom naman ako bigla dahil chopsuey, chicken adobo at chicken fillet ang inorder nya at 2 pine apple juice in can. "wow sarap naman nito, pero bakit andami naman nitong inorder mo?"saad ko "ok lang yan para mabusog ka tingnan mo nga katawan mo masyado kanang slim dapat magka laman ka ng kunti" ani nito "wow huh!.gusto mo talaga akong tumaba?" sabi ko "hindi naman masyadong mataba..pang model kasi katawan mo ang payat, mas bagay sayo malaman ng kunti"sabi nito " ganun? pero alam mo ang sarap ng adobo nila."saad ko "mas masarap magluto si mommy"sabi nito "talaga? dko aakalain sa yaman nyong nyan nagluluto din sya."sabi ko "yup! the best syang magluto. tuwing weekend kasi wla kaming pasok ng dalawa kong kapatid pati si daddy kaya nagluluto si mommy ng masasarap ng pagkain. parang piknik sa loob ng bahay." saad nito "wow! ang galing naman ng mommy mo hands on sa pamilya" sabi ko "minsan kasi sumama ka para ipatikim ko sayo luto nya" abi nito "titingnan ko pag may time" sabi ko "how about sa birthday nalang ni Daddy malapit na yun."ani ni clent "nakakahiya wala akong maisip ng ireregalo" sabi ko "wagmo isipin yung regalo, makita ka lang nun masaya na un tagal kana kayang gustong makilala" sabi nito "ano ba kasing sinabi mo? kakahiya naman baka sabihin nila magsyota tayo eh ang babata pa natin" sabi ko at tumawa ito ng mahina. "sinabi ko lang naman sa gusto ko ipakilala ang special friend ko, naging interesting siguro sa kanya kasi hindi na ako katulad dati na nakikipagdate kahit kanino at wala pa akong dinadalang babae ni isa sa bahay." paliwanag nito sabay punas nya sa bibig ko na nalagyan ng ketchup ng isubo ko ang chicken fillet at ngumiti pa ito. " ang kalat mo palang kumain para kang baby" sabi nito, sasagot pa sana ko ng may biglang nagbagsak ng kutsara kaya napalingon ako sa katabi naming lamesa at nakita naming masama ang tingin ni stacey. dumilim naman ang mukha ni Clent. "tapos kana bang kumain my love?" tanong ni clent "yup" agap kong sagot "tara na, balik na tayo sa room" aya ni clent sakin at inalalayan akong tumayo ngunit ng mapadaan na kami si table nila Stacey ay may pumatid sakin kaya muntik na akong masubsob pero maagap di Clent at nahawakan nya ako sa bewang. nagtawanan naman sila ni stacey "feeling maganda na nga ang malandi, lampa pa" saad ni stacey "may problema kaba samin stacey?"tanong ni clent na halatang nagpipigil ng galit. "oo meron, kagabi nag aya ako sayong lumabas, ayaw mo! nagtext ako sayo kanina na sabay tayo maglunch ayaw mo! tapos makikita ko kasama mo ang malanding yan!" galit nitong sigaw kay clent at hinablot ang buhok ko kaya napaaray ako sa sakit ng anit ko. "hey stop!" ani ni clent at agad ng napigilan ni clent at hinablot ang braso ni stacey at gigil itong hinawakan halatang galit na ito kay stacey. "sa susunod na ginawa mo pang kantiin ni dulo ng buhok montessa, mananagot ka sakin!" galit nitong saad at pabalyang binitawan "you know how much i love you clent" saad ni stacey "but i dont f****g love you b***h! my god! yang ugali mo nakakahiya!" galit na saad ni clent at hinawakan ako sa kamay sabay lumabas na kami sa canteen. naiwan naman si stacey na nag aapoy sa galit at pagkapahiya sa dami ng kumaing mga studyante na nashock sa pangyayari. kinabukasan pagkatapos ng klase namin ay nakatambay lang kami sa likod ng school sa dating tambayan kasama si vince, clent at carla dahil wala silang wala silang pasok sapagkat nagkaroon ng emergency meeting sa mga teachers until sa last subject nila sa hapon kaya nagkakayayaan sila ng mamasyal. "guys wala tayong pasok sa last subject maaga pa naman gala mhna tayo"-vince "oo ba.."sang ayon ni clent "beshy sama ka, lagi ka nalang kasi may alibi, gumala ka naman minsan" -carla "past muna ako, ayoko magalit sila ni nanay" tanggi ko "ano ka ba! hindi yun magagalit uuwi naman tayo ng maaga at tsaka dadaan ako sa inyo pag uwi para magpaliwanag" -carla "yes, ako rin dadaan ako sa inyo para hindi sila magagalit sa iyo, dala ko naman ang kotse ko kaya walang problema"-clent. kaya wala na akkng nagawa dahil maaga pa naman. gusto ko rin naman sila pagbigyan paminsan minsan. "ok, basta uwi tayo ng maaga ha.."ani ko "yes! alright lets go para makaalis ng maaga" -vince marami silang napuntahan, basta lang sila ikot ng ikot sa gaisano mall at nagpicture picture napadaan din sila sa arcade at naglaro sila at pagkatapos ay nagpicture picture naman. kaya super saya nila pagkalabas ng arcade, binilhan naman ni clent si montessa ng ice cream. habang nag iikot sila ay napadaan sila sa isang book store dahil may binili lang sila ni clent kaya pumasok din sya para tumingin tingin sa mga libro sa bookstand. Aliw na aliw pa sya habang tumitingin sa mga books. pagkatapos ay pumunta naman sila sa appliance center, nakita nila may kumakanta at libre pa. "beshy, kumanta ka din daliii!"carla "huh? a-ayoko! ano kaba nakakahiya" tanggi ko. marami kasing tao dumadaan "ano kaba? ilang beses ka nang sumali nahihiya kapa?-carla "oo nga my love, ipakita mo ang talent mo sa pagkanta, para practice mo na rin to" clent "baka kasi magkamali ako iba yung sa contest nakapag practice pa ako" sagot ko "ay naku beshy, ang galing mo kaya kahit hindi kana magpractice"- carla. kaya pumayag na ako "anong kanta gusto mo montessa? tanong ni vince at sinabi kong "reflection by Christina Aguilera" kaya in enter na nya. sobra namang lakas ng tambol ng dibdib ko kasi ang daming dumadaan at napapatingin sakin, parang ayaw pang lumabas ng boses ko pero nilaksan ko nalang loob ko at nagsimula ng kumanta. Look at me You may think you see Who I really am But you'll never know me Every day It's as if I play a part Now I see If I wear a mask I can fool the world But I cannot fool my heart Who is that girl I see Staring straight back at me? When will my reflection show Who I am inside? "narinig ko ang malakas na palakpakan at hiyaw ng mga kaibigan ko. huminto baman ang mga dumadaan at nanonood' There's a heart that must be free to fly That burns with a need to know the reason why Why must we all conceal What we think, how we feel? Must there be a secret me I'm forced to hide? I won't pretend that I'm Someone else for all time When will my reflection show Who I am inside? When will my reflection show Who I am inside? nang matapos na ako ay nagtakbuhan ang mga kaibigan ko palapit sakin "wow!, your voice so good my love" ani ni clent "ang galing mo beshy. ikaw na!"carla "pwede bang magrequest ng isa pa?"vince "ayoko na, nanunuyo na kasi lalamunan ko baka mamaos na ang boses ko kumain ako ng ice cream kanina" aniko pero sa totoo lang ay ayaw ko na kasi nahihiya na ko. "its ok my love, atleast narinig ko ulit ang golden voice mo" ani niti na nakangiti. pagkatapos nun ay umuwi na kami at gaya ng pinangako nila hunatid nila ako sa bahay. hindi naman nagalit ang mga magulang ko dahil kilala naman nila ang kasama ko. pagkapasok ko palang sa bahay ay bumungad kaagad si nanay sakin na nakakunot ang noo. "nay mano po" sabi ko at hinalikan ko sya "oh, bakit ngayon ka lang anak? saan kayo galing at may nga kasama kapa? sunod sunod na tanong ni nanay "nay mga kaklase ko po hinatid nila ako. namasyal lang po kami sa mall dahil wala po kaming pasok kaninang hapon"paliwanag ko. bumati at nagsimaNo naman sila sa nanay ko at pinakilala kona rin isa isa. "nay luisa mano po, pasensya na po ginabi kami sa pamamasyal at sinama po namin si beshy para makapamasyal din sya" ani carla "pasensya na po hindi kam nakapagpaalam" ani clent "ok lang naman mga anak. iwan ko ba sa batang to tamad lumabas at mamasyal kaya ayan napakamahiyain" ani ni nanay "buti nga po napapayag namin kanina kaya narinig namin ulit ang maganda nyang boses" sabi naman ni vince "kumanta ka anak?"tanong kaagad ni nanay "opo nay eh makukulit kasi tong mga to"nguso ko sa mga kaibigan ko "ano kaba anak ms ok nga yan training mo na rin yan para sa sasalihan mong contest" saad ni nanay. hayyy si nanay talaga. my number one fan. hindi nagsasawa na sumporta at sumama sa mga sinasalihan ko " huwag po kayo mag alala aling luisa madalas po namin syang isasama para hindi na sya magiging mahiyain at makapamasyal na rin" saad ni clent. isa rin to gustong gusto talaga akong isama kahit saan pero lagi ko namang tinatanggihan lalo na sa bahay nila at outing ng family nya. buti tinopak ako ngayon at napagbigyan ko. "oo naman clent anak, wala namang problema sakin yun basta ba alam kong nasa mabuting kamay at hindi sya napapasama sa ikapapahamak nya" paliwanag ni nanay "oo naman po nay luisa no, kami pa ang babait kaya namin. no to alcohol, no to drugs po kami hehe" saad ni carla "mabuti naman kung ganun at dapat lang para hindi mag alala ang mga magulang nyo" saad ni nanay "promise po nay. mga addict lang po talaga kami" saad ni carla na ikinabigla namin kaya napatingin kami kay carla. lahat napakunot noo naman si nanay " anong addict? akala ko ba no to drugs eh kakasabi mo lang kanina?" parang galit na si nanay. kaya nataranta kami. binatukan naman si carla ni vince. "aray ko naman vince! maka batok ka ah! sabay inirapan nya si vince at hinarap si nanay " nay luisa naman hindi pa nga ako tapos"saad ni carla "sabi mo addict kayo sinong hindi magugulat at magagalit" saad ni nanay "addict po talaga kami.. addict sa boses ni beshy ko idolna idol ko kaya to kaya lang kapag may contest ko lang naririnig ang boses nya." paliwanag ni carla "hayy ikaw talaga carla, akala ko king ano na. wagkanf mag alala pag may handaan dito magrerent kami ng videoke pakantahin natin itong anak ko. wala pa kasi akong pera pambili ng videoke para may libangan sya" saad ni nanay "huwag po kayong mag alala aling luisa, sasabihin ko po kay mommy hihirit ako ng videoke para iregalo ko kay my love" saad ni clent na ikinagulat ni nanay pati ako ay nataranta rin kasi hindi pala sanay si nanay sa tawag ni clent sakin. "aNong my love?, boyfriend mo to anak? bakit hindi ka mn lang nagsabi na may boyfriend kana."tanong ni nanay kaya pinanlakihan ko ng mata si clent kaya naman napahagikhik si carla at vince "ay hindi po kami magsyota aling luisa tinatawag ko po sya sa second name nya na love,"paliwanag na clent "hayy kayo talaga!, lagi nyo nalang akong ginugulat, kumain naba kayo? dito na kayo maghapunan" aya ni nanay dahil alas syete na ng gabi. "ay hindi na po nay luisa baka kasi hinahanap na ako ni nanay at tatay"tanggi ni carla "oo nga po salamat nalang po, gabi na kasi" saad ni clent "oh sya sige kayong bahala basta mag ingat kayo ah" saad ni nanay "opo aling luisa, salamat po" vince at nagsi paalam na ang mga kaklase ko. hinatid ko naman sila sa labas ng gate hangang sa nakaalis na ang kotse ni clent kaya pumasok na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD