Montessa's POV
The hardest thing I don’t want to see is seeing my family struggling. parang pinipiga ang puso ko na makita sila nanay at tatay na namomroblema kung saan kukuha ng pangastos at pambayad sa mga bayarin lalo na sa tuition ng mga kapatid ko.
nasasaktan ako pero hindi ko pinapakita sa kanila na umiiyak ako tuwing umuuwi ako sa bahay at nagkukulong sa kwarto. gusto kong ipakita sa kanila na okay lang ang lahat kahit hirap kami basta magkasama kailangang maging malakas kami. pero pakiramdam ko mag isa lang ako, pakiramdam ko napakabigat ng mga nakadagan sa dibdib ko. wala akong mapagsabihan at malabasan ng mga dalahin ko. tanging hiling ko nalang na sana gumaling na si tita, good thing na may nagprovide ng medical assistance nya at nailapit sa mga nagsponsors.
Masakit isipin na inataki si tita sa puso na wala kami sa tabi nya. malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil buong buhay nya ginugol sa pagtatrabaho para sa aming magkakapatid tapos wala kami noong kailangan niya kami.
Gusto kong sumuko sa buhay, sarili kong pangarap malabo ng matupad para sa mga pangarap ng mga kapatid ko
But if you allow yourself to be swallowed up by trouble and loneliness you will not win, you will never succeed. if sacrifice will be the only way to lessen my parent's burden, i would.
Alam kong gumagawa ng paraan si Vlad na tangapin ko ang offer nya na Monthly Allowance namin pero tinatangihan ko, maging si Sir Alfred dahil alam ko dahil yon kay Vlad, ayokong tumangap muli ng tulong galing sa kanya dahil nadala na ako. ayoko ng maulit muli ng dahil sa tulong nya napahamak at nadungisan ang pangalan ko. hangat kaya kong magtrabaho gagawin ko, huwag lang tumangap ng tulong mula sa kanya.
"anak ang lalim na namn ng iniisip mo, kumain kana, ayokong nag iisip ka ng ano ano, nakakasama sa kalusugan at pag aaral mo yan" nagulat ako ng sumulpot si nanay sa likod ko at niyakap ang likod ko, ipinilig ko ang ulo ko, ayokong makita nya ang mga mata ko na malungkot
"okay lang po ako nay, marami po kasi kaming ginawa sa school nagpapahangin lang po ako saglit, mamaya po magbibihis na ako" sabi ko kay nanay habang nanatiling nakatayo habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto ko.
"huwag ka nalang muna pumasok nak, mukhang masama ang pakiramdam mo, parang may sinat ka" sabi ni nanay at sinasalat ang balat ko
"hindi po okay lang po talaga ako nabilad po kasi ako sa araw kanina maalinsangan din pati, at saka hindi pwedeng hindi ako papasok dahil byaran na ng tuiton fee ng mga kapatid ko sa susunod na araw" sabi ko at narinig ko ang buntong hininga ni nanay
"pasensya kana anak, kung meron lang ibang paraan gagawin ko para lang hindi ka mahihirapan kaso alam mo namang kapos tayo, tiis tiis lang muna anak ah, pasensya kana ikaw ang nagshoulder ng ibang obligasyon lalo na sa pag aaral ng mga kapatid mo" sabi ni nanay kaya nilingon ko sya at ngumiti para gumaan ang atmosphere namin.
"nay ang pamilya nagtutulungan at nagmamahalan, ginawa ko lang po ang dapat dahil gusto kong makatulong, kawawa naman po kasi si tatay kong pabayaan ko" sabi ko at niyakap si nanay
"salamat anak ah, napakabait talaga bg prinsesa ko" at inilayo ang balikat ko"teka okay ka lang ba talaga?" tanong ni nanay
"opo, okay lang ako, maliligo lang po ako nay ah..kailangan kong pumasok ng maaga dahil tumawag si Clent na hindi ako masusundo at my tinatapos lang syang project." sabi ko at kinuha na ang twalya ko pagkatapos ay nagpunta na sa banyo.
Pagkarating ko sa Restobar ay nagpalinga linga ako, napansin ko kasi ang mga naka black uniform na mga lalaki sa labas. 'baka may VIP kami n customer' sa isip isip ko kaya pumasok na ako sa loob ng may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Sir Alfred at kinumusta ako. marami pa kaming napag usapan. napansin ko naman marami rami din ang mga customers pero hindi katulad ng dati.
Para akong nagmamalat ngayon, pakikiusapan ko nalang ang ka band member ko na hindi matataas ang kakantahin ko baka sumakit ang lalamunan ko.
Nang mag umpisa ang pagkanta ko para na akong nahihilo pero kaya ko pa naman kaya lang barado na ang ilong ko, nakakakanta pa naman ako ng matataas kaya lang baka mamaos ako kaya alalay nalang ang pagkanta ko.
Hangang sa nakabreak na ako ay hindi nawawala ang sama ng pakiramdam ko kaya humingi ako ng maligamgam para yon ang inumin ko.
Nang bumalik ako sa stage ay may mga natanggapna akong requests na kanta pero pinakiusapan kong hindi ako makakakanta ng mataas at naintindihn naman nila.
Biglang tumahip ang dibdib ko ng dumako ang paningin ko kay Sir Alfred na may kausap nakaside view ito at nakajacket at sombrero. hindi ko nakikita ang mukha nya pero hindi ko alam bakit malakas ang kabog ng dibdib ko. hindi naman siguro sya ito?
Bigla naman itong tumingin sa akin kahit kalahati lang ng mukha nya ang nakikita ko, ang baba at lips nya, alam kong familiar ito. bakit naman kaya sya nandito at nagpapakita na naman, ipinilig ko ang ulo ko at nag umpisa ng kumanta na.
May natanggap akong nakasulat sa papel humiling ito ng duet with him hindi ako sure pero alam kong sya lang ang mahilig sa duet. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang anytime bibigay na ang paa ko sa sobrang nginig.
"may nagrequest na gusto akong makaduet" kinakabahan akong malaman kong sino sya pero hindi ako nagpahalata "so pwede po bang malaman kong sino sila, please come on stage" the moment na sinabi ko yon ay biglang tumayo ang lalaking kausap ni Sir Alfred kanina na nakasombrero at jacket. hindi talga ako nagkakamali, tindig pa lang nya nakakaintimidate na. ang malaking katawan nito na mala adonis at nakakaakit., lalong nanlamig ang kamay ko na nanginginig kaNina. papalapit na ito sa akin na nakatitig sa mata ko. iniwas ko naman ang tingin ko pero lumapit ito at nakipagkamay kaya para akong nakuryente.
alam kong ramdam nya ang panlalamig at panginginig ng kamay ko kaya bumitaw ako at hindi nagpahalata. nakakabingi ang sigawan at palakpakan ng mga customers. alam kong hindi lingid sa kanila ang nangyaring isyu isang taon na ang nakalipas.
"nice seeing you again Mr. Montenegro," napalunok ako pagktapos kong magsalita para kasing ayaw lumabas ang sasabihin ko
"Vlad nalang, ayoko ng masyadong formal. nice to see you again too, namiss kong kumanta, lalo na ang makaduet ang magandang dilag na nasa tabi ko" sabi nito at tumingin sa mata ko, parang hinahalukay ang tyan ko kong paano nya ako tingnan, nakiKita ko sa mata nya ang lungkot na bigla nalang naging masaya ng tumitig ito sakin, pananabik, naiiyak ba sya?
"ahm would you mine if ask you kong anong kanta ang kakantahin natin?" sabi ko dito. iniba kona lang ang usapan dahil ayokong humaba pa ito, hindi ako komportable at tumingin ako sa ibang direksyon, umupo naman ako sa high chair at humarap sa Music o songbook stand. pakiramdam ko kasi bibigay na ang tuhod ko. tumabi naman ito sakin kaya napapikit ako sa kakibang init na nararamdaman ko.
"okay lang ba sayo kung if ever your in my arms again nalang?" tanong ba yon or personal na?. shucks, pero tumango nalang ako dahil alam ko naman ang kanta lalo na ang may duet na version
"ok, nice and thank you" ani nito at ngumiti. nginitian ko nalang din sya at tumingin sa mga kasama ko na kilig na kilig na sa likod ko. sinamaan ko naman sila ng tingin.
Si Vlad ang unang kumanta at dumistansya ng kunti pero nakatitig pa rin sakin
(vlad)
It all came so easy
All the loving you gave me
The feelings we shared
(montessa)
And I still can remember
How your touch was so tender
It told me you cared
(vlad)
We had a once in a lifetime
But I just couldn't see
Until it was gone
(montessa)
A second once in a lifetime
May be too much to ask
But I swear from now on
(vlad)
If ever you're in my arms again
This time I'll love you much better
(duet)
If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end
Nagulat ako ng lumapit ito sakin na parang naiiyak hindi ako nagpatinag kahit kinakabahan ako. baka kasi hindi ko makanta ng maayos. pero nanginginig na ang kamay ko. pakiramdam ko parang kinukwentuhan nya ako ng totoong nararamdman nya. humarap ako sa mga tao na kilig na kilig at pumikit. pinapakingan ko nalang ang kanta dahil ayokong dumilat.
(vlad)
Now I'm seen clearly
How I still need you near me
I still love you so
(montessa)
There's something between us
That won't ever leave us
There's no letting go
(vlad)
We had a once in a lifetime
But I just didn't know it
'Til my life fell apart
(montessa)
A second once in a lifetime
Isn't too much to ask
'Cause I swear from the heart
(duet)
If ever you're in my arms again
This time I'll love you much better
If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end
Now I'm seen clearly
How I still need you near me
I still love you so
There's something between us
Never end
The best of romances
Deserve second chances
I'll get to you somehow
'Cause I promise now
hindi ko alam kong paano natapos ang kanta pero pakiramdam ko para akong hihimatayin sa sobrang kaba. ang lapit na naman nya. kaytagal kong inasam na makita sya muli. nalanghap kona naman ang familiar na pabango nya na kay sarap sa ilong.
"thank you so much sa pakikipag duet Ms. Love, namiss ko ang boses mo," sabi nito. ngunit ng bababa na sana sya ay sya namang nagsigawan ang mga customers na 'isa pa!' hindi ko alam kong nananadya ba talaga sila o iwan, pero dahil ayoko namang maging bastos ngumiti nalang ako. nagkibit balikat naman si Vlad parang tuwang tuwa pa sa request ng mga customers. gusto kong mayamot dahil umiiwas na nga ko pero pinaglalapit naman kami muli.
bumulong siya sa ka band member ko At sa aking tenga na ikinatindig ng balahibo ko. may hatid na milyon milyong bultahe ng kuryente sa katawan ko ang hininga nya sa tenga ko. bumulong sya sakin na 'After all' ang kakantahin namin tumango lang ako pero hindi ako makatingin, ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. parang nangangatal ang labi ko. ngunit ang mas nakapagpatindig ng balahibo ko ng hawakan nya ang kamay ko at kumanta sya
(Vlad)
Well, here we are again
I guess it must be fate
We've tried it on our own
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight
(montessa)
I still remember when your kiss was so brand new
Every memory repeats
Every step I take retreats
Every journey always brings me back to you
(duet)
After all the stops and starts
We keep comin' back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall
After all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be, forever you and me, after all
pakiramdam ko para kaming nag uusap at nagpapalitan ng matatamis na salita. hinihila ko ang kamay ko pero ang higpit ang pagkahawak nya. sobrang ingay ng paligid namin. nakita ko pa si Sir Alfred na nakangiti at nag thumbs up.
Pagkatapos naming kumanta ay hinalikan nya ang kamay ko na nanginginig. laking pasalamat ko at naka upo ako.
Nagbreaktime naman ako agad para makahinga ng maluwag. pakiramdam ko para akong nilagay sa baga sa sobrang init ng pakiramdam ko. nagkulong ako sa kwarto, nag set lang ako ng oras para lumabas.
hindi ko sure kong umalis na sya. sana umuwi na sya dahil naiilang ako kapag nandyan sya. nakakaintimidate ang presence nya. malapit na rin naman ang oras ng uwian isang set nalang at uuwi na kami.