Chapter 21 Ang Pag aalaga

2404 Words
Pagkalipas ng isang oras ay lumabas ako ng kwarto at bumalik na sa stage. kinakabahan man ako ay pinagptuloy ko ang pagkanta. ipinikit ko saglit ang mata ko ng maaramdam ko ang hilo at tinangap ko ang mga request songs na binigay ng Manager namin. Nabigla ako dahil karamihan ng request nila ay ang magduet ulit kami ni Vlad. talagang nananadya itong mga customers na ito. i cleared my throat pakiramdam ko barado na ang daanan ng hangin ko. baka dahil sa kaba o sa pagmamalat ko. hinanap saglit ng mga mata ko si Vlad sa audience pero hindi ko ito makita. 'baka umuwi na. i cleared my throat again bago magsalita "mukhang enjoy na enjoy ang lahat sa pagduduet namin ni Sir Vlad ah " biro ko sa kanila, nagtawanan naman ang lahat" but kailangan po nating irespect sya dahil alam kong may iniingatan syang pangalan at ayo-" naputol ang pagsasalita ko ng sumulpot ito sa gilid ko at nagsalita "its okay, pagbigyan nalang natin ang kahilingan nila" sabi nito at ngumiti sakin pagkatapos ay humarap sa mga customers. "pagbibigyan ko po ang kahilingan nyo pero may kaunti lang po akong pakiusap. wala pong kukuha ng video. no video, no pictures at no post sa social media. alam nyo naman po siguro ang past issue namin. ayoko pong nakikitang nahihirapan si Ms. Love ng dahil sa akin. iniingatan ko lang po ang pangalan nya. okay lng po ba sa inyo? " sabi nito sa mga customers. nagulat ako sa sinabi nya. iniingatan nya ako? nakakataba ng puso on how he care for me. pero hindi maalis alis ang pag aalala sa itsura ko. iniisip ko ang ginagawa nya na baka pagmulan na naman ng tsismis at maulit na naman. tiningnan ko sya ng may pagaalala. "its ok, i wont allow that to happen again" sabi nito sakin at hinaplos ang buhok ko. nagdulot naman ng kakaibang init ang bawat haplos nya. parang haplos na may pag iingat at pagmamahal. ngumiti ito sakin na pagkatamis tamis na parang nagbibigay ng assurance that it will be alright at humarap ulit sa mga tao. "sanay ako sa controversy and issues at wala akong pakialam kahit anong ibato nila sakin at tinatawanan ko lang. i ddnt give any comments and clarifications kong totoo man o hindi. pero kong madadamay ulit ang pangalan nya ay ibang usapan na yon, she's innocent. seeing her suffering na mag isa sa laban at nahihirapan noong una na ikina depress nya dahil sa issue ng dahil sakin at dahil sa pananahimik ko, naiinis ako bakit ako nanahimik, dapat ipinag tanggol kita. thats why i just want to say sorry for everything." sabi nya at ngumiting may pagpaumanhin, nakakatunaw ng galit ang bawat ngiti nya. " kaya hiniling ko po sa inyo sana maintindihan nyo, ayoko pong madamay muli ang pangalan ng inosenting dalaga na ito sa tabi ko. isipin po muna natin ang nasasangkot before we spread an issues. gusto po namin ng tahimik na buhay thats why i give up my career dahil gusto ko ng privacy, sana po nagkaintindihan po tayo." nagpalakpakan naman ang mga tao at tumango tango. nagkanya kanya naman sila ng tago ng phone nila bilang pagsang ayon sa kagustuhan nila. Buti nalang at nakaupo ako sa high chair kundi bibigay na ang tuhod ko. hindi kona kasi alam ang gagawin. sa totoo lang wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya dahil sa hilo na nararamdaman ko. "are you okay?" sabi nito at sinalat ang noo ko "may sinat ka, pwede natin itong ihinto kong hindi mo na kaya" sabi nito na may pag aalala. "no, its okay, ilang kanta lang naman to at uwian na" sabi ko at kinuha ang mga papel na may request. sa totoo lang kahit nahihirapan na ako, ayoko sa lahat ang madisapoint ang mga customers ko dahil sila ang dahilan kung bakit hangang ngayon patuloy pa rin akong sumasahod dahil suki kona sila halos lahat nakikilala kona ang mga mukha nila. Wala namang nagawa si Vlad kundi ang sundin ang gusto ko. pero nakaalalay lang sya sa inuupuan ko at baka malaglag ako. may ibang kanta na sya nalang ang kumanta habang nakatayo sa tabi ko para makapagpahinga ako. kontodo alalay sya sakin na ikinailang ko. Natapos namin ang mga kanta ng maayos at nakatanggap kami ng masigabong palakpakan. nagpasalamat naman sila at pinaunlakan namin ang kahilingan nila. at sinabi nilang hindi nila ipopost o ikakalat sa social media. hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa pagkita naming muli. Nagpaalam naman ako sa mga kasamahan ko lahat sa bar na nakangiti lahat at kilig na kilig lalo na si Sir Alfred pagkatapos ay binigay naman ang sahod ko. hindi ko na nakita kong nasaan si Vlad. nagtaka naman ako at doble ang sahod na natanggap ko. "magpahinga ka muna, mas mahirap kapag lumala ang sakit mo. dont worry bayad ang absent mo" sabi ni Sir Alfred sakin "pero sir kaya ko nama-" "haist, tsk may isa't kalahating katigasan rin ang ulo mo, magpahinga ka muna kapag lumala ang sakit mo mas lalong hindi kana makakapagtrabaho" inis nitong turan "oo nga Montessa, magpahinga ka muna, maputla kana oh" dinig kong sabi ni sir Jared na sinang ayunan ng mga kasamahan ko. nanlalabo na kasi ang paningiin ko "ipinagpaalam kana ni insan para mapagam-" hindi kona naintindihan ang sinasabi nila dahil dumilim na ang paningin ko at kumapit nalang ako sa braso ng kung sino. Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. ang ganda nito at ang lawak. inikot ko ang paningin ko, para akong nasa mala prinsipe na kwarto. combination ng white and mahogany color. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. iniluwa ang nakaputig lalaki at malamang ay doctor ito. katabi nito si Vlad na biglang lumapit ng makitang gising na ako "how's your feeling now? may gusto ka bang kainin? sabi nito na halatang nag aalala. tiningnan ko lang sya may pagtataka at umiling "good morning Ms. Santillan, hows your feeling buti naman at nagising kana" sabi ng doctor "nahihilo lang po ako, anong nangyari?" sabi ko nagulat naman ako dahil nahihirapan na akong magsalita dahil namamaos na ako "nawalan ka ng malay pagkatapos ng work mo" sabi nito na nakasimangot, anong problema ng isang to? "you need some rest dahil sa over fatigue at flu, let me check your temperature" sabi nito at may inilagay na thermometer sa kili kili ko. pinili ko nalang pumikit dahil masakit ang ulo ko at katawan at mabigat ang talukap ko. nang tumunog ito ay may nagtanggal sa kili Kili ko "39.2 pa rin bro, bibigyan ko sya ng reseta ng mga gamot nya. check mo nalang palagi ang temperature nya at pakimonitor nalang sa gamot." sabi nito, kaibigan siguro nya ito mukhang close ang dalawa. maya maya ay nagpaalam na ito pero nanatili pa rin akong nakapikit. naramdaman ko nalang ang mga yabag na papalayo. maya maya ay may paparating at huminto sa tabi ko. nagulat naman ako ng biglang lumundo ang hinihigaan ko. naramdaman ko nalang ang mga haplos nito sa mukha ko at sa buhok ko. haplos ng may pag iingat kaya idinilat ko ang mga mata ko. "sorry nagising ba kita? humigop ka muna ng chicken soup para mainitan ang sikmura mo" sabi nito at kinuha ang mangkok at kutsara. nalilito ako sa mga ipinapakita nya, nananaginip ba ako? inaalagan ako ng isang sikat at napakagwapong bilyonaryo? "anong oras na?" "8 in the mor-" sa gulat ko bigla akong napaupo dahil umaga na. paano sila ni nanay baka nag alala na sila sa akin. "what? kailangan ko ng umuwi mag aala-" sabi ko pero nahirapan akong bumangon kaya hinawakan nya kaagad ako at pinaupo. nilagyan nya ng unan ang likod ko para makaupo ako ng maayos "its okay, huwag kana mag alala. nakausap kona ang nanay mo" sabi nito na ikinagulat ko " anong sabi nila? kailangan kong makauwi walang baon ang mga kapatid ko" tanong ko dito habang inilapag nya ang mangkok sa side table. "huwag muna isipin yon, pinahatid ko na sa tauhan ko. pati pangastos nila, uuwi tayo mamaya kapag bumaba na ang lagnat mo," sabi nito at kinumutan ang kalahati ng katawan ko. napansin ko na iba na ang damit ko. naka t shirt na ako na white. sinilip ko sa ilalim ang pangbaba ko at nakita ko na naka boxer short na ako "sinong nagpalit sakin?" bigla kong naitanong sa kanya kahit na namamaos ako. nakakahiya kong sya ang gumawa. "syempre ako, ayoko nang may ibang nakakakita ng katawan mo, wagka mag alala at hindi ko tinitingnan" sabi nito at may pilyong ngiti sakin. namula ako sa sinabi niya pakiramdam ko nag akyatan ang mga dugo ko sa mukha, posibleng nakita nya ang katawan ko. alangan namang nakapikit sya habang binibihisan nya ko. inirapan ko sya ng nakatingin sya sa akin na amuse na amuse sa nakikita nya sa mukha ko. "dapat hindi Mo nalang ako binihisan" sabi ko dito at inirapan sya "bakit naman hindi, marumi na ang damit mo dahil galing ka sa trabaho at tsaka dapat komportable ang damit mo, hantad na ang tyan mo sa suot mo kagabi." sinimangutan ko naman sya. kinukwestyon ba nya ang pananamit ko? para naman syang boyfriend ko na nanghihigpit. "tama ng daldal, kumain ka muna para makainom kana ng gamot para mabilis kang gumaling okay?" sabi nito at kinuha ang mangkok at kutsara "open your mouth na," sabi nito habang nakaatang ang kutsara sa bibig ko. tinititigan ko lang sya, totoo bang nandito sya sa harapan ko? pwede ko ba syang hawakan at pisilin ang gwapo nyang mukha. "alam kong gwapo ako, pwede mong hawakan kung gusto mo" sabi nito at ngumiti. aba't may lahi bang alien to at naririnig nya ang nasa isip ko. sinimangutan ko sya at hindi ko sya sinunod "open your mouth na, hahalikan na kita" banta nito sakin na ikinagulat ko kaya ibinuka ko nalang ang bibig ko at kinain ang isinubo nya. "masunurin naman pala ang baby girl ko" amuse nitong turan "baby girl? ikaw ba yong nagpapadala sakin ng mga bulaklak at chocolates pati messages araw araw?" tanong ko sa kanya na nakakunot noo "yes, para kahit malayo ako parang kapiling mo na rin ako. nasasabi ko ang nararamdaman ko" sabi nito na walang gatol. "bakit mo ginawa yon? ano ba tong mga ginagawa mo- " natahimik ako ng takpan ng hintuturo nya ang bibig ko. "sshh..kapag hindi kapa tumahimik hahalikan ko na talaga itong malambot mong labi" sabi nito na halos magdikit na ang ilong namin sa sobrang lapit, langhap kona ang hininga nya na Mnapakabango samantalang ako hindi pa nagto toothbrush..napamura pa ito ng mahina at umiwas ng tingin sakin. ako naman ay umaayos ng upo hindi na umimik pa. Pinakain nya ako, hindi talaga sya pumayag na ako nalang ang kakaing magisa. pagkatapos kong kumain ay pinainom nya ako ng gamot at maligamgam na tubig. pagkatapos ay humiga na. agad naman akong nakatulog. Pagkagising ko ay naiihi ako. ako lang mag isa sa kwarto kaya agad kong hinanap ang CR sa dami ng pinto sa loob ng kwarto nya. nahanap ko naman ito at nag CR. naiilang ako dahil damit nya ang suot ko. ang iksi pa ng boxer na suot ko kaya hantad ang binti ko. pakiramdam ko parang yakap na nya ako. diba asawa lang ang may karapatang gumamit sa gamit ng lalaki. eh ano ako? namula ang mukha ko sa naisip ko at kinilig. Uupo na sana ako sa kama ko pagkalabas ng CR ng maramdaman kong may nakatitig sakin. pagkalingon ko sa pinto ay nakita ko syang nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay. ang gwapo nyang tingnan sa bodyfit na white shirt at jogging pants na gray. bakat na bakat ang mamuscle nyang katawan. kanina pa kaya sya dyan? "kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito at lumapit sakin. kinuha nito ang thermometer at inabot sakin. umupo naman ako sa kama at nagkumot ulit. naiilang ako sa titig nya sa binti ko. "check lang natin ang temperature mo" sabi nito at hindi inalis ang tingin sa akin. sinunod ko naman ito. nang tumunog na ay binigay ko sa kanya. dahil nanghihina pa ako. "38.3. mataas pa rin. "umalis ito saglit at maya maya ay may dala na itong maliit ng plangana, kumuha ito ng puting bimpo sa drawer ng closet nya at naglagay ng alcohol sa tubig" ang galing nya. patang hindi mayaman kung kumilos, "halika pupunasan lang kita" "a-ako na.." "ako na, huwag ka nang makulit."sabi nito at inalis ang kumot ko kaya nahantad ang binti ko. pinunasan nya ang buong katawan ko. maliban lang sa likod at harap ko. tumalikod ito saglit at mau kinuha sa paper bag na mga damit bagong panty at bra at pajama set. may bago din akong toothbrush. "nagpabili ako sa kasambahay ko nito, bihis ka muna" sabi nito kaya kinuha ko at pupunta na sana sa CR. kahit nanghihina ay sinunod ko nalang sya. ngunit nagulat ako nang buhatin nya ako papunta sa CR napasigaw pa ako "ibaba mo na ako kaya ko na" pero parang wala itong narinig at ibinaba nya ako sa loob ng CR. "sa labas lang ako, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako" sabi nito at lumabas na. loko yon ah bigla akong pinagpawisan sa pagkadikit ko dibdib nya. sumakit lalo ang ulo ko. napangiti naman ako dahil kasya sa akin lahat ang mga binili nya. Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko syang nakatayo sa pinto. kinuha nya ang pinagbihisan ko at inilagay nya sa laundry basket kasama ng mga marumi nitong damit. paano yong mga underwear ko at damit "paano yong mga damit ko at undies, ilagay mo nalang sa paper bag sa bahay ko na labhan" sabi ko dito "hayaan mo na dyan yan para may damit ka dito na maiiwan" na ikinagulat ko "ha? h-hindi pwede, hindi ko naman to bahay" sabi ko at sumimangot Inalalayan nya ako papunta sa kama at kinumutan nya ako ulit. hinalikan nya ang noo ko at hinaplos ang buhok ko. "magpahinga ka muna, ako nang bahala sa marumi mo, lulutuan lang kita ng sinigang, your favorit" sabi nito at ngumiti. "thank you" tangi ko lang nasambit "anything for you my baby girl" sabi nito at hinalikan ulit ang noo ko. kinikilabutan ako sa mga halik nya, nakakawala ng kabaitan. ipinikit ko na ang mata ko dahil hindi talaga sya umalis hangat hindi ako natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD