chapter 22 yakap

2355 Words
Montessa's POV Nagising ako nang makaramdam ako ng sobrang lamig at panginginig. nagchichill ako, pakiramdam ko ay nakahiga ako sa yelo. may narinig akong yabag na papalapit sa akin. hindi ko maidilat ang mata dahil sa sobrang nginig ko at bigat ng pakiramdam ko kaya nanatili lng ako nakapikit at nakabaluktot sa ilalim ng kumot. "baby sobrang taas ng lagnat mo, halika, 10 minutes nalang din naman ay iinom kana ng gamot. inumin mo na lang to para bumaba na ang lagnat mo" pinilit nya akong ibangon at pinaupo. hindi ko naman alam kung anong posisyon ang gagawin dahil gusto ko lang talaga mamaluktot. "ito inumin mo na" sabi nito isinubo ang gamot at pinainom ako ng tubig. nanatili naman syang nakahawak sa likod ko para hindi ako matumba. pinahiga nya ako pagkatapos at kinumutan. malamang maraming kumot syang nilagay dahil sa mabigat ang mga nakadagan kaya nakatulog ako kaagad. Nagising ako na balot na balot ng kumot at mabigat ang pakiramdam ko na parang may nakadagan sa akin. amoy ko na naman ang pamilyar na pabango ngunit ang nakapagtataka ay parang may humihinga at tumatama ito sa bunbunan ko kaya idinilat ko ang mga mata ko na ikinagulat ko. parang dibdib ang nasa harapan ko at may nakayakap sa akin na mahigpit. nanatili ako sa ganong posisyon at sinamyo ang amoy ng nakayakap sakin at ang sarap sa ilong kaya mas lalong inilapit ko ang mukha sa dibdib nya. Maya maya ay inangat ko ang paningin ko at kitang kita ko si Vlad na nakapikit at nakarap sa akin. ang higpit ng yakap nya sakin na parang ayaw nya na akong pakawalan. nakaunan ako sa braso nya. gosh! gaano ako katagal na natulog? tinititigan ko at kinakabisa sa paningin ko ang mukha nya na napakakinis, ang mapilantik nyang pilikmata at kilay na may kakapalan pero bumagay sa mukha nya. ang mga labi nya na kay pula parsng ang sarap hawakan, nag iinit ang pisngi sa ginagawa ko " staring is rude baby, you can touch it if you want" sabi nito na nakapikit. nagulat ako. gising pala sya, nakita ba nya ako na nakatitig ako sa mukh nya? nakakahiya "ang init kasi, bakit yakap moko at bakit magkatabi tayo?" tanong ko sa kanya at inilayo ang sarili. akmang tatangalin ko na ang kamay nya na nakagapos sakin kaya lang ay mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakayakap kaya napadikit na naman ang mukha ko sa dibdib nya. "hayaan mo munang ganito tayo please..kumusta na ang pakiramdam mo?, nagchichill ka kasi kanina at ginaw na ginaw ka dahil mataas ang lagnat mo kaya niyakap nalang kita para makatulog ka." sabi nito at tumatama ang hininga nito sa noo ko. nagiinit ang pakiramdam ko dahil sa pagkakadikit ng katawan namin. ang sarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig nya at malanghap ang amoy nya. ang bango ng katawan nya. "okay na ako, medyo kaya ko na siguro gumalaw kailangan ko ng umuwi" sabi ko dito kaya bahagya nitong tiningnan ang mukha ko. iniwas ko naman ang tingin sa kanya dahil ang lapit ng mukha namin sa isat isa. nagulat ako dahil kinakapa nya ang likod ko at sinalatsalat nya ang katawan ko na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. bago ito sakin. pakiramdam ko nag iinit ako sa ginagawa nya. para akong ginugupo ng kakaibang sarap sa pakiramdam bawat haplos at dampi ng mga palad nya sa katawan ko. kinakapa lang pala nya ang damit ko. grabe ang halay ng isip ko. "basa ang damit mo, pinagpawisan kana, wait lang kukuha lang ako ng pamalit mo" sabi nito at bumangon at pumunta sa Closet nya. kumuha ito ng white shirt at boxer short. kumuha din ito ng panty at bra ko sa paper bag na pinabili nya. nag iinit ulit ang mukha ko. hawak hawak nya kasi ang panty at bra ko. hindi ba sya naiilang na humawak ng gamit pambabae? sabagay baka sanay na sya dahil sa dami ba naman nyang ka fling dati at malamang naikama na nya lahat. lumapit ito sakin at inabot ang pamalit ko. "magpalit ka muna at basa yang suot mo baka matuyuan ka, iinitin ko lang yong niluto ko kanina para makahigop ka ng sabaw, kaya mo na bang maglakad?" at tumango ako "okay kaya mo na bang pumunta ng kusina or dadalhan nalang kita dito?" tanong nito sakin, nakakahiya naman kong magpapadala pa ako dito, masyado ko na syang naabala. "kaya ko na maglakad, bababa nalang ako pagkatapos kung magbihis" sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito at tumango pagkatapos ay lumabas na. nagpunta naman ako sa banyo para magpalit ng damit at nagtootbrush. namamaos pa rin ako at barado an ilong ko. uubuhin at sisipunin siguro ako nito pagkatapos. thanks to him, medyo okay na ng pakiramdam ko. ang sarap nyang mag alaga. suot kona naman ang damit nya, naalala kona naman ang nangyari kanina. ang higpit nang yakap nya sakin kulang nalang maghalikan kami sa higpit ng yakap nya at lapit ng mukha nya sakin. para kaming magsyota sa nangyari. ginawa lang naman nya yon kasi may lagnat ako. bigla akong nainis sa naisip ko. bakit ang rupok ko eh diba ayokong mapalapit sa kanya? eh diba babaero sya kaya ayoko na sa kanya. lumabas ako ng banyo ng mabungaran ko sya sa labas ng pinto na ikinagulat ko. muntik na kasing mauntog ang mukha ko sa dibdib nya. umatras ako kaagad at umiwas ng tingin. titig na titig kasi ito sa akin kaya naiilang ako. kinuha na naman nya sakin ang hawak kong damit na marumi at inilagay sa laundry basket kasama ng mga damit nyang marumi. "kakain na tayo, lalamig na yung sabaw" sabi nya at hinila ang kamay ko. wala naman akong nagawa kundi sundin ito. Pagkababa namin ng hagdagan ay nakita ko ang ganda ng bahay nya. nakita ko rin ang mga lalaking nakablack suit. sila yong nakita ko sa restobar ah. nakatitig ang mga ito sa akin. may mga nakita rin akong mga katulong. akala ko siya lng mag isang nakatira dito. sya lang kasi ang nakikita kong labas masok sa kwarto. "staring her is not allowed" napalingon ako sa kanya. nakita kong nakatingin ito sa mga tauhan na agad nag iwas ng tingin. problema nito? napatingin ako sa sarili ko nakboxer lang pala ako na ma eksi kaya hantad ang legs ko. Agad nya akong hinila sa dining are at pinaupo nya muna ako bago sya. inilapag naman ng mga katulong ang mga pagkain. agad kong naamoy ang favorit ko. "wow! my favorit" bulalas ko habang nakatingin sa sinigang sa gabi. "i know, kaya nga yan ang niluto ko" sabi nito at sinalinan ng kaNin ang plato ko "mmm.. masarap ah, parang timpla ni nanay. marunong ka pa lang magluto" turan ko dito "yup nagpaturo ako sa nanay mo" sabi nito na ikinagulat ko "tinuruan ka, kilan pa? tanong ko dito "since nagkita kami sa palengke at kahapon tinawagan ko sila" sabi nito at kumakain na rin. naiilang ako sa sobrang lapit na naman nya. ang laki ng dining tapos dito sakin nakasiksik. tumayo naman ito saglit. pagkabalik nya ay my hawak na itong baso na may gatas. "milk muna ang inumin mo, hindi pwedeng choco dahil namamos pa ako "hala! oo nga pala, hindi ko pa natatawagan baka nag alala na sila nanay sakin" sabi ko dito at sumubo ulit "dont worry, kausap ko sila kanina at kinakamusta ka ang sabi ko mataas pa ang lagnat mo, mamaya tawagan nalang natin pagktapos kumain" sabi nito na nakangiti at ganadong kumain. "wag nalang, uuwi nalang ako medyo ok na ang pakiramdam" ani ko na ikinatigil nito sa pagsubo. bigla itong tumahimik at napatiimbagang. hindi kasi ako sanay na matulog sa ibang bahay lalo na at lalaki "no, bukas nalang ako ang maghahatid sayo, baka mabinat ka pa, at tsaka gabi na" sabi nito halatang malungkot ang boses. ayaw ba nya akong umuwi? "okay na ako oh, malakas na ko, doon nalang ko magpapagaling." ani ko at tumigil naman itong kumain, parang wala ng gana dahil hindi nya inubos. "sayang yang pagkain ubusin mo" "im full," sagot nito. tinapos ko nalang din agad ang pagkain ko. "Pagkatapos naming kumain ay umakyat kaagad ako sa kwarto nya. hindi ko alam na nakasunod din pala sya "paano ako makakauwi kong ganito ang itsura ko" turo ko sa suot ko. nanatili lang itong tahimik na nakatitig sakin. malamlam ang mata nito. nakakapanibago. kaNina ang saya nya tapos ngayon parang natalo. maya maya pumunta ito sa closet nya at kumuha ng pajama nya. inabot nya ito sakin "magpalit ka ng pajama" sabi nito kaya agad akong nagpalit. Pagkalabas ng CR ay nakabihis na ako. nakita ko syang nakatayo na nakatalikod sakin nakaharap ito sa labas ng salamin na dingding at nakapamulsa. parang ang lalim ng iniisip nito. "ahmm tapos na akong magbihis, may paper bag kaba na pwede kong paglagyan ng mga marumi ko?" tanong ko dito. hindi pa rin ito lumilingon "hayaan mo nalang yan dyan. ibibigay ko nalang sayo kapag nalabhan na" sabi nito "o-okay. ahmm pwede naba akong umuwi?" tanong ko dito. matagal ito bago kumibo. bigla itong bumuntong hininga ng malalim ay humarap. maya maya ay may kinuha ito sa closet. "isuot mo to, baka mahamugan ka, mabinat ka pa" malungkot na turan nito sakin at isinuot nito sakin ang jacket na may hood. mas bagay sa kanya ang nakangiti kaya lang nahihiya akong magsalita. naiilang akong kausapin sya dahil siguro sa estado namin sa buhay samantalang sya tinitingala ng mga tagahanga. sikat na sikat na artista at bilyonaryong negosyante. ang dami ng branch ng hotel nila pati restaurants nya. ang swerte ng mapapangasawa nya siguro. bigla akong nalungkot, atleast kahit minsan nakatuntong ako sa pamamahay nya, matulog sa kwarto nya, maisuot ang damit nya, naalagaan nya, mayakap at makatabi sya sa pagtulog. masaya na ako doon kaya hinahayaan ko nalang sya. Hawak nya ang kamay ko pababa. nagpaalam ako sa mga katulong na nakangiti sakin. ang bait nila lahat. kahit nakasakay na kami sa sasakyan nya ay hindi sya umiimik. nakasunod naman samin ang mga body guards nya. hindi nalang din ako nagsasalita. Pagdating namin sa bahay ay hindi kaagad kami bumaba. maya maya ay bumukas ang bintana ng sasakyan at may sinasabi ang tauhan nya. "Sir clear na po ang area" sabi nito "okay," maya maya ay bumukas ang kotse at nauna syang bumaba inalalayan naman nya akong bumaba. Gulat at tuwa ang nakita ko sa mga mata ng pamilya ko ng pumasok ako sa bahay. natataranta ang mga kapatid ko at si nanay. si tatay naman ay kalmado lang pero mababanaag ang saya sa mukha at pagkabahala. nagmano ako sa kanila ni nanay at tatay at humalik. pinaupo naman ni tatay si Vlad sa sofa namin na kawayan pero may foam. "kumusta kana anak, magaling kana ba?" tanong nito sakin "medyo po nay" tipid kong salita "ikaw talagang bata ka sabi ko sayo huwag ka ng pumasok, tingnan mo tuloy ang nangyari sayo" sermon ni nanay sakin "nay luisa heto po ang mga gamot nya, nandyan naman po ang receta nya at oras kung anong oras sya iinom" sabi ni Vlad. "naku! thank you talaga iho, nakakahiya naman at naabala ka pa tuloy" sabi ni nanay umupo naman ako katabi ni tatay "walang anu man po basta para kay Love" sabi nito sakin. tumikhim naman si tatay "eheemm, salamat nga pala sa mga binigay mo iho! hindi ba mahirap alagaan ang prinsesa ko?" sabi ni tatay at inakbayan ako. nagtataka ako sa kabaitan na pinapakita ng pamilya ko. eh dba pinayuhan nila ako na wagna lumapit. "ahm hindi naman po, mabait naman sya, ayoko nga po sana pauwiin baka mabinat sya kaso nagpumilit eh" sabi nito at nalungkot. malamlam na naman ang mga titig nito sakin. "salamat ah, hindi kasi sanay itong anak kong matulog sa ibang bahay. malaking utang na loob namin ito sayo, buti nandon ka nong hinimatay sya." sabi ni tatay "kuya pogi, kantahan po muna tayo, may videoke na po kami, bigay ni kuya Clent" sabi ni Bryan na ikinagulat namin. hindi maintindihan ang itsura ni Vlad kung malulungkot ba o nagseselos. sinaway naman ito ni nanay "ikaw talaga pasaway kang bata ka, manahimik ka dyan!", dinilatan naman ito ni Kyle at binatukan si Bryan, mga kapatid ko talaga, napakakulit. Maya maya ay nagpaalam na rin si Vlad na umuwi na, hinatid namin sya sa labas, nang tumingin ito sakin ay malungkot na naman ang mga mata nito para pang ayaw umuwi. "aalis na ako, pagaling ka ah" sabi nito sakin "thank you so much sa lahat" sabi ko at ngumiti sa kanya. nakatingin ito sa beloy ko. pero agad ring umiwas at sumakay na. pumasok na rin kami sa bahay. nagpunta ako sa kusina at nagulat ako sa dami ng mga grocery na naka display "nay kanino galing to?!"tanong ko kay nanay tinuturo ang mga grocery at pagkain pati bigas na isang sako. pang 1 month yata itong supply. nakakahiya naman sa kanya. "naku eh, galing kay Vlad yan dala nila kaninang Umaga at nagbigay pa ng pera, nagulat nga ako ki aga aga nandito pa ang tatay mo ng may humintong sasakyan ang daming binaba na grocery galing daw sa bossing nila. nagtaka ako kung sino pero ng tumawag si Vlad nagpasalamat nalang ako" paliwanag ni nanay. "ate ang daming pagkain, ang dami kong baon sa School" sabi ni Bryan, nginitian ko lang sya at ginulo ang buhok. nagtataka ako sa kabaitan nya sakin. bakit na naman nya ako tinutulungan? natatakot na naman ako na baka maulit na naman ng controversy. lalo na at dinala nya ako sa bahay nya. Naalala kona naman ang pag aalaga nya sakin, napapangiti ako ang bango ng kili kili nya at katawan, nakatulog ako sa braso nya at yakap ako ng mahigpit. pero para saan yon? bigla ko syang namis. pumasok ako sa kwarto. tiningnan ko ang suot ko. hindi talaga ako nagbihis para langhap ko pa rin ang amoy nya, pakiramdam ko yakap pa rin nya ako. absent tuloy ako ngayon, monday na monday hindi ako nakapasok, sana gumaling na ako para makapasok ako bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD