Montessa's POV
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. tiningnan ko ang oras sa phone ko. 10:30 na. hindi pa rin ako inaantok, hindi ko maintindihan kong bakit binabalisa ako, suot ko pa rin ang mga damit nya. bigla ko tuloy syang na miss. ano kayang ginagawa nya? tulog na rin kaya sya?
Minsan hinahanangad ko na sana lagi nalang syang nasa tabi ko pero hindi ko maiwasang mag alala dahil may kaakibat na naman itong tsismis at ayokong madamay ang pamilya ko sa problema. pero hindi kp maiwasan na kiligin sa tuwing inaalagaan nya ako at tinititigan. tawag nya sakin ay baby. baby nya ako? ang sweet nya. namiss ko tuloy sya lalo. inaamoy amoy ko ang damit nya. sana kong wala lang problema kahit mapalapit ako sa kanya. how i wish na sana hindi complicated ang aming situation.
Nagvibrate ang phone ko. nagulat ako ng tingnan ko ang nagtext. binasa ko ito.
"[baby are you sleeping]" nagtext sya. parehas ba kaming hindi makatulog?
"[you are my life]" ano daw? para ba sakin tong message nya? no, wrong send lang cgro sya, wala namng nakalagay na baby. bigla tuloy ako nainis
"[baby, magpagaling ka ah, im worried]" napangiti ako sa pagiging concern nya. ang sweet nya talaga.
"[opo, thank you]" tanging reply ko lang sa kanya
hindi nagtagal ay tumawag ito. ayoko sanang sagutin kasi diko alam pano sya kausapin. nahihiya kasi ako pero mas nakakahiya kong hindi ko sya kakausapin. pasalamat na rin dahil sa pag aalaga nya sakin kaya sinagot ko nalang
"hello"
"hello baby, musta na pakiramdam mo?" malambing nitong tanong. ang sarap pakingan ang husky nitong boses, parang bumubulong sa tenga ko.
"ok lang ako, medyo gumaan na ang pakiramdam ko." namamaos kong sagot. bumuntong hininga ito. parang ang bigat ng dinadala nitong problema.
"mabuti naman kong ganon, sana dito ka nalang para maalagaan kita" ano daw? bakit nya ako aalagaan eh malaki na ko
"ahmm malaki na ako, kaya kona ang sarili ko, thank you nga pala sa pag aalaga mo sakin, at saka sa mga binigay mo. bakit ang dami yata nito wala akong pambayad" sabi ko sa kanya
"hindi mo na kailangang bayaran yan, tulong ko yan sayo at sa pamilya mo. makita lang kita bayad na lahat" sabi nito at bumuntong hininga na naman ito.
"ha? bakit naman? eh diba bawal nga tayong magkita at maraming nakasunod na mata" bumuntong hininga na naman ito
"uminom ka na ba ng gamot mo?" malungkot nitong saad. pag iiba nito sa usapan
"yes,"
"bakit ka nga pala gising pa?" tanong nito
"hindi ako makatulog eh, eh bakit ikaw, hindi ka rin makatulog?" tanong ko sa kanya. he chuckled. ang sarap pakinggan ng mahina nyang tawa. parang musika sa pandinig ko.
"yup, hindi rin ako makatulog, may namimiss lang kasi ako, sana katabi ko sya ngayon" parang may gumuhit na sakit sa puso ko. baka yong special someone nya o baka si Celine' ani ng isip ko. abot kamay mo na ang crush mo pero alam mong hindi pwede. ang sakit. hindi nalang ako sumagot.
"matulog kana baby, baka mabinat ka, uminom ka ng milk para makatulog ka ah" sabi nito
"okay, salamat. ikaw din inom ka ng milk" sabi ko but he chuckled. anong nakakatawa?
"bakit ka natatawa?" ani ko
"umiinom ako" sabi nito
"ng milk?"
"no..wine, para makatulog ako" sabi nito
"bad yan, masama sa katawan yan, huwag ka magpasobra" he chuckled again at bumuntong hininga.
"thank you sa concern my baby girl, hindi ako magpapasobra baka magalit ang baby girl ko, promise" sabi nito na ikinakilig ko, namula na yata ang mukha ko
"baby girl?" tawag nito
"yes"
"pahingi ako ng selfie pic mo kahit 2 or 3 para makatulog na ako"
"pampaantok ba ang mukha ko?" sabi ko.
tumawa naman ito
"sige bigay mo ang account mo sa messenger send ko sayo"
"ok cge.. bye baby ko" mlambing nitong saad
"bye bye goodnight" sabi ko at pinatay ko na ang tawag.
maya maya ay pinasa nito ang account nya. kaya sinearch ko kaagad pero hindi ko mahanap maybe dahil we are not friends n sss.
Ilang sandali lang ay may message request ako. nang binasa ko ito ay nagulat ako na sya ang nagmessage ng 'hi'. buti nalang nahanap nya ang account ko. nagselfie ako ng two at sinend ko sa kanya. agad naman itong nagreact ng heart
"[you are so beautiful in my clothes that you are wearing]" sabi nito na ikinakilig ko.
"hindi na ako nagpalit, ang bango kasi" sabi ko..nagsend naman ito ng falling heart at smiley imoji. pinagtawanan ba ako.
"matulog kana baby, hating gabi na bawal sayo magpuyat. thank you sa selfie, happy ako." sabi nito at nagsend ng picture ito. ngunit ang ikinagulat ko ay wallpaper ng phone nya na ini screen shot nya at ang picture na pinasa ko ang wallpaper nya. kinabahan ako at kinilig lalo.
"pangit ko dyan, kakahiya bakit yan ang wallpaper mo" sabi ko
"you are always beautiful in my eyes" sabi nito. haist para ng lalabas ang puso ko sa lakas ng kalabog.
"itulog mo lang yan, antok lang yan. goodnight na nga" nagsend naman ito ng smiley
"goodnight my beautiful baby, sweetdreams" sabi nito at GIF na bear na nagflying kiss. hindi na ako nagreply at nagheart nalang ako sa message nya. baka hindi ito titigil sa pagpapakilig sakin. anong oras na. buti nalang walking distance lang ang school namin.
papasok na ako bukas kahit malat ang boses ko. may gamot naman ako at pinainom ako ni nanay ng luya na pinakuluan. masarap ang salabat buti nalang may honey sa grocery na binigay ni Vlad. ang ganda ng gabi ko. nakangiti akong nakahiga hangang sa nakatulog na ako
Kinabukasan pag gising ko ay medyo ok na ang pakiramdam ko. malat pa rin ang boses ko at may ubo na ako. lumabas ako ng kwarto at nabungaran ko si nanay at tatay. hunalikan ko sila
" goodmorning nay, tay" bati ko sa kanila
"goodmorning my princess, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni tatay sakin.
"ok na po ako tay, may ubo lang ako" sabi ko
"halika anak, sabayan mo na si tatay mo kumain, maya maya bababa na ang mga kapatid mo." ani ni nanay "sabi ni Vlad ay magsalabat ka nalang muna. bawal muna ang choco ok, btang yon napaka maalalahanin? dagdag ni nanay
"nanay naman, ginayuma yata kayo ni Vlad dati rati pinapaiwas nyo po ako" tudyo ko kay nanay
"kinausap nya kasi kami ng tatay mo. nagpaliwanag sya at may sinabi din sya pero samin nalang yon" sabi nito a umirap. aba't may pairap pang nalalaman si nanay.
"ano po yon tatay ko? kayo ah pinaglilihiman nyo na ko"
"hayaan mo na yang nanay mo, basta kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo my princess" madamdaming turan ni tatay. niyakap ko naman ito
"thank you po tay, nahihiwagaan na talaga ako sa inyo...nay, tay pwede na po kayong magtayo ng mini grocery dito. tingnan mo tong bahay pang isang bwan na stock yata to." sabi ko at inikot ang mata ko sa paligid. pati gamit sa panlinis kompleto.
"iwan ko ba dyan kay Vlad, sabi ko hindi naman kailangan gawin nya to. eh mapilit yong tao kaya tinagap kona nakakahiya naman inalagaan ka habang may sakit" sabi ni nanay
"basta nak ingat ka lang ah, alam mo namang maraming nakamasid lalo na at sikat yon" payo ni tatay
"opo, hindi naman siguro mauulit yon, natatakot din po ako. nagkataon lang na nandon sya" sabi ko. umiiling nalang sila ni nanay at hindi na nagsalita pa.
Pagkatapos kong magbihis para pumasok ay hinanda ko naman ang mga gamit ko na dadalhin. 8 pa ang pasok ko. nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko. si Vlad na naman ang nagtext
"[goodmorning my baby^o^]" ano ba yan ki aga aga nagpapakilig
"[good morning ^.^]"
inilagay ko na sa bag ko ang phone at lumabas ng kwarto. maglalakad na sana ako papunta sa school ng may bumusina. nakilala ko kaagad ito dahil sa pamilyar ang kotse nya.
"hi my love, sakay na, sabay na tayo" ani ni clent nang buksan nito ang bintana ng sasakyan nya. sumakay nalang din ako agad.
"absent ka daw kahapon dahil may sakit ka?" tanong nito. sana huwag na akong tanungin ng tanungin nito dahil baka malaman nyang kay pinsan nya ako natulog.
"ahm oo, pero ok na rin naman ako, hindi nan ganun kalala" sabi ko dito
"pasensya kana nong sunday ah hindi kita nasundo"
"okay lang ano kaba, nakakahiya nga sayo lagi kang puyat dahil sakin, kapag busy ka huwag mo ng pilitin dahil naiintindihan ko naman yon, college na kasi tayo, kaya natural lang na busy tayo" sabi ko sa kanya
"promise my love babawi talaga ako pag hindi na ako busy okay?" sabi nito at ngumiti
"okay, basta unahin mo ang pag aaral mo, huwag moko intindihin malaki na ako" sabi ko at inirapan sya, tumawa naman ito
pagdating namin sa School ay hinatid nya ako sa room ko tsaka sya umalis. syempre bago ito umalis humalik na naman ito sa noo ko. namiss ko rin ang pagka makulit nito.
Wala pa ang prof naMin. kaya nanghiram muna ako ng notes sa kaklase ko at tsaka nagreview. nahuli ako ng isang araw kaya maghahabol ako. nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan at binasa
"[baby]"
"[yes]"
"[i miss you]" kinilig na naman ako sa text nya. hindi ako nagreply. hindi ko kasi alam ano ang ireply. nakakailang kong i miss you to. nagtext ulit ito
"[baby]"
"[yes]"
"[i'm jealous]" text nito na ikinakunot noo ko
"[jealous? who?]"
"[Clent]" nagulat ako sa text nya
"[why?]"
"[nakita kita, sinundo ka tapos nagkiss pa sya sa noo mo]" nakita nya kami?
"[nakita mo kami?]"
"[yes! hinatid ka pa nga sa room mo diba?]"
"[nasan kaba?]"
"[tingin ka sa labas ng ng room]" sabi nito kaya agad akong tumingin. nakita kong naka tshirt na white at jeans ito pero naka sombrero at mask ito kaya hindi makikilala kung sino.
"[why r u here?, baka may makakilala sayo]"
"[gus2 lang kc kitang makita, ang ganda mo lalo sa uniform mo]" sabi nito na ikinakilig mo
"[thank you, uwi kana baka may makakilala sayo pagkaguluhan kapa]"
"[pa kiss muna]" na ikinagulat ko, nakaawang na yata ang bibig ko, anyari dito
"[hindi pwede, mahal ang kiss ko]"
"[kapag si clent pwede, pag ako hindi?]"
"[sira kaba? pano ka makakiss may mask ka, basta hindi pwede]"
"[sige na umuwi kana]" dagdag ko pa
"[daya naman, isang kiss lang eh, hug nalang please]" kulit nito
"[ayoko]"
"[hindi ako aalis kapag hindi moko pinagbigyan]" sabi nito
"[ok wait lang,kulit mo]"
"[yes! tnx]" lumabas ako ng room at nilapitan ko ito. paparating palang ako sinalubong ako kaagad ng yakap na mahigpit. ang sarap ng yakap nya
"baka may makakita sayo, bakit nandito ka?" bulong ka sa kanya" may mga dumadaan na sa likod ko at tumitingin sa kanya. kahit kasi nakamask ito, agaw pansin pa rin ang ganda ng katawan nito at kaputian. lalo na at fit ang white shirt nito kaya bakat ang muscle.
"hayaan mo sila, importante nakita kita" sabi nito tiningnan ko sya sa mata kasi yon lang ang nakikita ko
"tama na, uwi kana baka dumating na ang prof ko" sabi ko sa kanya at akmang aalis ng yakapin nya ako ulit at hinalikan sa noo at binulungan ako
"sundo kita mamaya ha, sa bhay ka magdinner, gusto ko sana sa labas kaso mahirap na" sabi nya at kumindat
"ayoko, baka magalit sila nanay, hindi pa naman ako sanay lumabas kasama ang lalaki" sabi ko sa kanya
"huwag mo ng isipin si nanay luisa, ako ng bahala, dadaan ako mamaya sa inyo" sabi nito. hindi ko alam ang reaksyon nito pero halatang masaya ito.
"okay,"
"payag kana?"
"oo na, alis na" sabi ko at tinulak ko na ito
"pakiss muna isa pa"
"tigilan mo ko, masusuntok na kita, sabi mo hug bakit may kasama pang kiss?" sabi ko na ikinatawa nya. pumasok na ako sa room buti walang nakakita saMing mga kaklase kaya hindi sila nagtanong.