chapter 24 kiss and hug

1965 Words
Vlad's POV I never thought that I would finally be able to hold and hug her so tightly like this. it was just my dream and looking into the distance but now its a dream come true na. no money, wealth or luxury in life equals the joy that I feel right now. Nagsisimula pa lang ako sa panliligaw sa kanya pero yong saya na dulot nya ay hindi kona maipaliwanag, paano pa kaya kong akin na talaga sya. 'damn' nakakaasar naman kasi bakit kailangan pang ganito na nagtatago. i hate wearing mask, makati sa mukha. Excited akong magluto ng mga masasarap na pagkain. i want to prepare something special for my baby girl. good thing na marami akong natutunan. nagaral talaga akong magluto para sa kanya, kaya naging special dish na rin namin ito sa restaurant na pinatayo ko. kapag nagsama na kami aalagaan at pagsisilbihan ko ang reyna ng buhay ko. Kahapon nga lang sobra akong nalungkot ng magpaalam syang umuwi. pakiramdam ko nawala ang lakas ko. nahahawakan, naaalagaan at nayayakap ko na tapos bigla nalang mawawala. pakiramdam ko ay isa lang magandang panaginip na pag gising ko hindi pala totoo ang lahat. hindi ko magawang matulog kahit magdamag na sinamahan at binantayan ko sya sa Restobar ni insan. kahit naiuwi ko na sya sa dream house ko para sa amin ay nanatili akong gising at dinama ang bawat sandali na kayakap ko sya kahit may lagnat sya. napakasaya ko na to the point ayoko ng matulog baka pag gising ko wala na sya. Parang gumuho ang mundo ko ng magpaalam sya pag gising na uuwi na sya sa bahay nila. gusto kong isigaw at sabihin sa kanya na this is our home, my dream home for us. gusto pa kitang alagaan, gusto pa kitang kasama bakit aalis ka kaagad? pero kahit nalulungkot at nasasaktan ako sinunod ko ang gusto nya besides nag uumpisa pa lang ako, ayoko syang biglain. ayoko syang matakot sakin. nagpapasalamat ako at binigyan na ako ng basbas ng pamilya nya. kaya kailangan kong kunin ang tiwala nya. Ang sarap sa feeling na makitang suot nya ang damit ko. naalala kopa kung gaano kasarap syang yakapin, ang bango ng buhok nya, sarap amuyin ng natural nyang amoy sa katawan, nakakaadik, parang amoy baby sya. pakiramdam ko asawa ko na sya. first tine na makausap ko sya sa phone, oh God, heaven! kompleto na ang gabi at araw ko. ang sarap pakingan ng boses nya na namamaos at bumubulong sa tenga ko. Kahit magmukha akong stalker sa School nya ok lang para naman sa baby Love ko. gusto ko lang syang makita dahil miss na miss kona sya. ayoko lang maunahan ako ng pinsan ko. parang pinipiga ang puso kong makita na hinahalikan sya ng pinsan ko. ako lang dapat ang gagawa nyan. gusto kong mging selfish para a kanya. 'f**k At ngayon susunduin ko sya sa School nya para sa special dinner namin. makakabalik na ulit sya sa bahay namin. hindi ko sya pwedeng dalhin sa penthouse at baka maraming makakita at alam ni mommy ang lugar na iyon. i texted her na nandito ako sa labas ng gate. ipapasundo ko nalang sya sa tauhan ko para hindi ako makita ng mga tao. the moment that i see her coming kasama ng kanang kamay ko ay parang mauubusan ako ng hininga. super gorgeous sa suot nyang uniform. "hi" bungad ko sa kanya pagka pasok nya sa sasakyan ko. hindi ko napigilan, i kissed her on her forehead. "hi, saan tayo pupunta?" tanong nito "sa bahay natin ay este.. sa bahay para walang makakita" muntik na akong nadulas sa sobrang excitement na nararamdaman ko. "for you baby" inabot ko ang boquet ng red rose sa kanya. kita ko ang pagkagulat sa inosenting mukha nya. nakaawang pa ang labi na kay sarap halikan. God, kunting pigil pa. "para saan to?, ang ganda, thank you" sabi nito at ngumiti. nakita ko na naman ang beloy nyang super cute. "nagustuhan mo ba?" tanong ko sa kanya at tumango ito "hmm, my favorit" sabi nito at inamoy ang bulaklak. alam ko baby ko favorit mo yan gusto kong sabihin sa kanya. Pagdating namin sa bahay ay ipinahanda ko na ang mesa sa garden sa mga kasambahay ko. pinaupo ko sya at nilagyan ng panyo ang laps nya. kahit nandito kami sa bahay gusto ko ma feel nya na nasa mamahaling restaurant sya. a candle light dinner with red rose petals sa paligid. Nanatili lang itong tahimik, ano kayang iniisip nya? nagustuhan kaya nya ang hinanda ko? "ang ganda naman ng bahay mo, ang ganda ng mga bulaklak dito sa garden" humahangang sabi nito at inilibot ang mga mata "this is my dream house for my dream girl" sabi ko at tumitig sa kanya. bigla itong nalungkot kaya nabahala ako. ayaw kaya nya sakin? 'f**k' ayoko! ayokong ireject nya ang feelings ko. hindi ko matanggap. kinakabahan ako. mix emotions ang nararamdaman ko masaya ako dahil kasama ko sya, nag aalala naman ako baka hindi nya magustuhan. "baby, kain kana. i cooked it all for you" tumingin ito sakin, that eyes again, kay sarap titigan. ipinaghiwa ko sya ng steak at ibinigay sa kanya at binigyan ko rin sya ng Calamansi and Snow bear juice na may honey. "ang sarap ng juice" sabi nito pagkatapos nyang tikman "its Calamansi and Snow bear juice with honey, ginawa ko talaga yan para gumaling ang ubo mo. mainam yan sa nagmamalat at may ubo. maligamgam lsng sya kasi bawal sayo ang malamig" "masarap hindi sya maasim" sabi Nito na natutuwa "yes nawawala ang asim kapag mainit ang tubig, maasim lang sya kapag malamig." amuse na amuse naman ito sa narinig. "kain ka ng marami baby lahat yan alam kong magugustuhan mo" sabi ko. mayat maya ko nilalagyan ang plato nya ng pagkain para matikman nya lahat. natatawa naman ito dahil busog na raw sya pinapakain ko pa. natutuwa ako at nakikita ko ang tawa nya, ganado syang kumain kaya marami syang nakain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahangin at nagduduyan kami sa Porch swing sofa na pangdalawahan kaya magkatabi kami at nakaharap kami sa baba. dati mag isa lang ako na nagduduyan dito hangang sa makatulog ako pero ngayon natupad na rin ang dream ko na makatabi sya sa duyan na to. kung araw lang ngayon makikita nya kung gaano kaganda ng view sa paligid. pero dahil gabi na kaya puro nagkikislapang ilaw sa syudad lang ang nakikita nya. i bought this land year ago para sa dream house ko na malayo sa mga kapitbahay. tanging makikita mo lang ay mga puno at bundok. lahat na nasasakop sa lupa na ito ay pinasadya kong ipagawa dahil gusto ko malawak ang pasyalan ng baby ko. ultimo mga puno ay parang magic dahil malaki na talaga na inilipat dito sa nabili kong lupa. "baby?" "hmm?" "gusto mong magpalit ng damit para komportable ka? napalabhan kona ung damit mo" sabi ko sa kanya "hmm..sige pero balik tayo dito pagkatapos kung magbihis ah, ganda kasi dito" sabi nito natutuwa ako at nagustuhan nya. tumango ako at sinamahan sya sa kwarto ko. "huwag mo muna usuot itong crop top mo, malamig sa labas baka kabagin ka tshirt ko nalang isuot mo at yan jeans mo." tumango naman ito at ngumiti. nagdala nalang din ako ng blanket para kapag gininaw sya may pang balabal kami. pagkatapos nyang magbihis ay bumalik na kami sa duyan. "ang ganda naman ng view dito" manghang ani nito "matagal ko ng pangarap na magkaroon ng ganitong tirahan, nakakarelax at may peace of mind ka." sabi ko habang magkatabi kami. "bakit tumigil ka sa pag artista?" tanong nya at tumingin sakin, sarap nyang titigan "gusto ko lang na ilayo sa gulo ang pinakamamahal ko" sabi ko sa kanya at ngumiti. nakatitig lang ito na tila may iniisip "ayokong nakikitang nahihirapan ang mahal ko, mahirap ang mundo ng showbiz. kailangan laging maganda ang image mo, mahirap gumalaw ng malaya" sabi ko sa kanya "ng dahil sa mahal mo?" tanong nya "ganun ko sya kamahal mula ng makita ko sya sa tabi ng dagat never na syang naalis sa isip ko, hinanap ko sya noon pa man, pero alam mo ba baby parang nakita ko na sya, hindi ko sure kong sya na ba talaga" sabi ko habang nakatitig sa kanya "hindi kapa sure? bakit?" "hindi pa ako sigurado kong sya, pero malakas ang kutob ko na sya na nga" "sya ba yong nabanggit mo sa concert mo at title ng kanta mo?" tanong nya "yeah! kaya lang....parang hindi na nya ako naalala..okay lang naman maliit pa kasi sya non siguro mga 5 or 6 im not sure pero may tanging alaala lang syang iniwan sakin" tiningnan nya ako ng parang nagtatanong. "talaga? buti may iniwan sya sayo. ang swerte naman nya naalala mo pa sya" sabi nito ay tumingin sa nagkikislapang mga ilaw. malungkot ba sya? o nagseselos. may kinuha ako sa bulsa ko "baby can you-" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng magring ang phone nya. tiningnan nya ito at kitang kita ko ang pangalan ng pinsan kong si Clent ang tumatawag. 'damn' bakit tinatawagan nya ang baby ko? "wait lang ah, sasagutin ko lang ito" naiilang nyang sabi at lumayo ng kunti. nasasaktan ako na may katawagan syang iba. sana kung pwede ko lang syang ikulong o pakasalan kaagad kaya? kaso nag aaral pa sya. ayokong ma pressure sya. gusto kong matupad nya ang mga pangarap nya sa buhay. Ilang minuto lang ay bumalik na ito sa upuan "sino yong tumawag?" kunwari kong tanong "ahmm..ang p-pinsan mo, dumaan sya s bahay. nag aantay sya ngayon." 'f**k' masisira pa tuloy ang diskarte ko dahil sa pinsan ko. "pwede naba akong umuwi? nakakahiya kasi kung pah aantayin ko sya," kahit ayaw ko sanang pumayag ay tumango nalang ako, marami pa sana kaming paguusapan ngayon, gusto ko pa syang makasama kaya lang istorbo itong pinsan ko. napabuntong hininga nalang ako " okay, let's go, ihahatid na kita" sabi ko sa kanya "thank you" sabi niya Pagdating namin sa bahay nya ay hindi na ako bumaba. sa labas nalang ako dahil ayokong magkita kami ni insan. "hindi na ako papasok baby" malungkot kong sabi sa kanya. hindi ko na naamn sya makakasama. "thank you sa masarap na dinner" sabi nya at ngumiti "thank you din at pinagbigyan mo akong makasama ka, goodnight baby" sabi ko sa kanya "goodnight, bababa na ako ah" "baby?" "hmm?" "can i have a goodnight kiss?" nakatingin lang ito sakin na parang nag aalangan "please?" nakakatitig lang ito "its ok kong ayaw-" "sa pisngi lang ah" sabi nya kaya ngumiti ako at tumango inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. hindi naman ito gumagalaw at nakatitig lang sa mata ko. ang lapit ng mukha namin halos magkadikit na ang ilong namin. langhap ko na ang hininga nya na para akong nawawala na sa sarili. "baby?" bulong ko sa kanya "yes?" bulong din nitong sagot 'f**k' sarap damhin ng hininga nya na tumatama sa labi ko. "you're so beautiful, you made my day complete, thank you for making me happy baby" sabi ko at hinalikan sya sa noo ng matagal at sa pisngi. gusto ko syang halikan sa labi kaya lang gusto lang nito sa pisngi kaya irerespeto ko ang gusto nya. "goodnight my baby, sweetdreams" sabi ko sa kanya idiNilat naman nito ang mata nya at tumingin sakin "goodnight din" sabi nya at ngumiti bago bumaba. kumaway pa ito bago pumasok sa gate nila. nang hindi ko na makita ay tsaka ako umalis, kitang kita ko ang sasakyan ng pinsan ko na nakapark. nagseselos ako ang i hate it. sarili kong pinsan ang pinagseselosan ko. napahampas ako sa manibela ko. magkasama na kami kanina na masaya napurnada pa. ano bang dapat kong gawin para maging akin ka lang baby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD