Chapter 25 nasaktan

1938 Words
Montessa's POV Parang ang bigat ng paa ko habang pababa ng sasakyan nya. nanghihinayang akong natapos na ang gabi na magkasama kami. ang sarap nyang mag alaga, ang sarap nyang kasama. feeling ko napaka special ko. kumatok ako sa pintuan namin at ang nagbukas ay si nanay. "mano po nay, "oh anak nandito kana pala, kanina kapa hinihintay ni Clent, nasan na ang uniform mo para malabhan ko" turan ni nanay "nandito po sa paper bag" sabi ko at inabot kay nanay ang paper bag " kumain kanaba?" tanong ni nanay "opo" "oh sya sige, dyan muna kayo lalabhan ko lang to para matuyo kaagad" sabi ni nanay at umalis. nakita ko naman si Clent na nakaupo at nagtataka. "what took you so long my love? san ka galing?" tanong nito at tumingin sa damit ko, naiilang ako sa mga titig nya. malalaman nya kaya na kay Vlad ito? bumuntong hininga ito at nanatiling nakatitig sakin. "ahmm may pinuntahn lang akong dinner . nong tumawag ka kakatapos ko lang non." sabi ko at ibinaba ang shoulder bag ko "sorry Clent, nag antay ka tuloy ng matagal, bakit nga pala napadalaw ka?" dagdag ko pa, hindi kasi ito nagsalita "invite lang sana kita bukas birthday ng kapatid ko, sa bahay ulit. pinapapunta ka ni mommy" sabi nito at hindi inaalis ang tingin sakin. pakiramdam ko sinusuri nya ang kilos at sinsabi ko. "what time?kasi may pasok tayo bukas" tanong ko sa kanya yumuko ito na parang malungkot, tumingin ulit ito sakin "mga 6 susunduin kita ihahatid nalang kita ng 9" tumango naman ako, ok lang naman kasi wala naman akong gagwin bukas pag uwi "hinanap kita kanina sa School nong pagktapos ng klase kaso hindi na kita nakita, may nakakita sayo na sumakay ka ng sasakyan" sabi nito at nakatitig pa rin sakin hindi namn ako makatingin ng diretso sa kanya. naguiguilty ako. ayoko kasi nagkakasamaan sila ng loob ng pinsan nya. kaya hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot. "ahm ah-" nabubulol ako at hindi ko alam ang isasagot " huwag mo ng sagutin, alam kong nagkikita kayo ng pinsan ko" sabi nito at nakatiimbagang, tumingin naman ito sa ibang direksyon na hindi ko maintindihan kung galit o malungkot. ito na nga ba sinasabi ko eh. kinakabahan ako ng mabuking nya ako. "pano mo n-nalaman?" "nakita kita kanina sa School na may kayakap na lalaki. pinsan ko sya kaya kahit nakamask pa sya alam kong sya yon." sabi nito kaya yumuko ako "kilan pa kayo nagkikita?" sabi nito na parang pinipigilang wag maiyak "nong may sakit ako. hinimatay kasi ako, nagising nalang ako sa bahay nya" nagulat ako ng magtunogan ang mga daliri nito, halatang galit ito "naaalala mo pa ba kong ano ang nangyari 1 taon na ang nakaraan? pinapaalalahanan lang kita my love dahil mahalaga ka sakin. ayokong nasasaktan ka at nahihirapan sa tuwing napapadikit ka sa kanya" seryosong sabi nito. hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya hindi na ako umiimik dahil alam kong totoo ang sinasabi nito.nais lang nya akong protektahan para hindi kona maranasan ulit yon. "so, doon ka galing ngayon?" tanong nito sakin na parang naiiyak. taKot man ako pero tumango nalang ako. yumuko ito ng ilang saglit na parang nagpapahupa ng galit. maya maya lang ay nagpaalam na ito, hindi ko alam paano sya kausapin dahil alam kong galit sya. "Clent, pasensya kana-" "no need to explain ok, i have to go now" sabi nito at umalis na kaagad hindi na sya nagkikiss sa noo ko na gaya ng nakagawian nya. wala naman talaga akong dapat iexplain dahil wala namang kaMi, at wala din namang namagitan sa amin ni Vlad pero mas may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing dumidikit sa akin si Vlad na hindi ko maramdaman kay Clent. hindi ko maalis alis sa isip ko ang guilt dahil magpinsan sila at nagkakasamaan sila ng loob ng dahil sa akin. Nakahiga na ako pero yong isip ko ay nasa dalawa pa rin, ano ang dapat kong gawin? nasa malalim akong pag iisip ng magvibrate ang phone ko. tumatawag si Vlad kaya sinagot ko ito "hello" "hello my baby" "ahm bakit gising ka pa?" "hindi ako makatulog, nandito ako sa duyan" yong duyan na yon naalala ko na naman, sarap magpahangin doon "ahm ok" "ikaw, bakit gising kapa?" tanong nya "hindi rin ako makatulog" sabi ko at bumuntong hininga "may problema kaba baby?, lalim yata ng buntong hininga mo" "n-nakita tayo ni Clent kanina sa School na magkayakap, nakilala ka" sabi ko sa kanya, matagal ito bago sumagot "so? wala namang masama diba? hindi naman kayo ng pinsan ko kaya no need to worry ok" sabi nya "ayoko lang magkasamaan kami ng loob at lalo na kayong dalawa dahil magpinsan kayo." "huwag mo na syang alalahanin okay? "inaalala lang siguro nya ang kahihinatnan kapag napalapit ulit ako sayo, sya kasi ang isa sa tumulong sakin nong depress ako at down na down at wala malapitan." bumuntong hininga ito bago sumagot. "im sorry that i caused you so much pain"/ "bakit mo ito ginagawa lahat?, bakit tunutulongan moko? bakit ang bait mo sakin?" sunod sunod kong tanong sa kanya. matagal ito bago sumagot. "dahil mahalaga ka sakin" maya maya ay sabi nito. bigla akong kinabahan sa sagot nya, "anong ibig mong sabihin?" "mula ng makilala kita hindi kana maalis sa isip ko" sabi nito. nagkabuhol buhol na yata ang bituka ko sa sobrang kilig "nagustuhan mo lang ako dahil kapangalan ko lang ang first love mo" sabi ko. naalala ko kasi ang sinabi ni Sir alfred. kaya siguro hindi sya sure kong nakita na nya talaga ang first love nya dahil hindi sya sure kung ako talaga. paano kong hindi talaga ako, so hindi talaga ako ang mahalaga sa kanya. "no, totoo ang nararamdaman ko sayo baby" sabi nito na halos bumubulong na sa tenga ko. nakakakiliting isipin pero napaka imposible "alam mo itulog mo na yan, inaantok kana malamang, matulog kana ha?" bumuntong hininga ito, parang ayaw pang putulin ang usapan namin "ok baby you need rest too, goodnight and i like you so much" sabi nito, like nya lang ako. napabuntong hininga ako "goodnight" sabi ko at pinutol ang tawag. bakit parang napakabigat ng pakiramdam ko ngayon. hindi ko alam kong iiyak ako o ano. naiipit ako sa sitwasyon na ito. parehas sila ni Vlad at Clent na malaki ang naitulong sa akin. ang bait nila sa akin. Aaminin ko man o hindi noon pa man si Vlad lang talaga ang nakapagpatibok ng puso ko at nakapagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa tuwing magkadikit ang aming balat, sya lang ngunit alam kong hindi pwede. masasaktan lang ako at isa pa, si Love na matagal na nyang hinahanap ang mahal nya. kapangalan ko lang siya. hindi dapat ako umaasa at magpadalos dalos ng desisyon dahil sa mga pinapakita nyang kabaitan sakin. Ilang linggo na ang nakaraan mula ng huli ko syang makita. hindi narin sya tumatawag o nagtext man lang. kahit nong birthday ng kapatid ni Clent ay hindi sya nagpakita. aaminin kong namimis kona sya ng sobra. nagung malungkutin na ako at hinahanap ko ang presensya at pag aalaga nya. galit kaya sya sakin o narealize nyng hindi talaga ako ang taong hinahanap nya? lagi na rin akong sinasamahan ni Clent sa bar tuwing may Gig ako. minsan nagtatanong ang ibang customer kung nasaan na ang partner ko dahil gusto daw nila na magduet kami ni Vlad na ikinakasama naman ng mood ni Clent. kahit busy sya sa pag aaral isinisingit nya talaga ang work ko. kulang nalang sasahuran ko sya sa pagbabantay at paghahatid sundo sakin. "ate si kuya Vlad oh, nasa tv" sabi ni Bryan. ayon sa balita kakauwi lang nito galing sa ibang bansa for meeting ngunit ang ikabigla nya ay magkasama sila ni Celine sa Airport. abot tenga ang ngiti ni Celine habang nakapulupot ang ksmay sa braso ni Vlad, samantalang seryoso naman si Vlad. kaya pala hindi nag tetext o tumatawag nag eenjoy pala sya kasama ang itinantanggi nyang girlfriend. parang pinipiga ang puso ko sa nakita. "we haven't heard from you in a long time Mr. Vlad Montenegro since you left showbiz we never thought that you are still dating with your girlfriend". sabi ng reporter "no, nagkita-" nagsasalita si Vlad bgunit agad itong pinutol ni Celine "yeah, of course nagkikita kami lagi, ganyan sya ka sweet kahit matagal na kami" sabi nito na nakangiti. pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko. pakitang tao lang ba yon lahat? ang sakit. "saan kayo nagbakasyon Ms. Celine" "ah we went to Paris, you know its a romantic place" "wow, its so good seeing you both happy and enjoying" sabi ng isa pang reporter. bigla namang naglakad si Vlad paalis at sumunod si Celine. nagulat ako ng biglang pinatay ni Nanay ang tv. "magpapaniwala ka naman sa malanding yon, itsura pa lang-" "darling bakit parang affected ka?" sabi ni tatay "makapulupot kasi kay Vlad parang linta" nagbabangayan sila pero ang isip ko ay wala sa kanila. "eh diba magkasama sila sa paris, malay mo naging sila na" sabi pa ni kyle. nakikinig lang ako sa kanila pero wala sa kanila ang isip ko. hindi kona pinapakinggan ang diskusyon nila dahil sumisikip na anf dibdib ko parang hinihiwa ito. hindi ko nakayanan at pumasok na ako sa kwarto. buti tapos na akong kumain ng hapunan kaya hindi kona kailangang lumabas pa. ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob. pakitang tao lang pala ang lahat. iiyak ako ngayon bukas sisikapin kong kakalimutan ko lahat, kasama sya. Kinabukasan maaga akong nagising 8 ang pasok ko sa School, susubukan kong maging normal ang lahat. hindi dapat ako magpapaapekto. napabuntong hininga nalang ako. Nagulat akong may bumusina. si Clent pala "sakay kana my love" sabi nya at ngumiti ng bahagya. sumakay nlang ako kahit maaga pa. 7 pa lang ng umaga. "are you okay?" tanong nito pagkasakay ko sa kotse nya. tumingin ako sa kanya at tumango, ngumiti lang ako ng bahagya para hindi nya mapansin na malungkot ako. "you dont need to pretend that you're ok my love, i know what you feel right now, but you should always remember that i'm always here by your side" sabi nya at hinawakan ang mukha ko. hindi ko napigilan ang luha ko. "huwag mong sayangin ang luha mo sa kanya. diba sabi ko sayo ingatan mo ang puso mo dahil mahirap mahalin ang isang katulad nya." sabi nya at pinunasan ang luha ko. hindi ko maitatago ang sakit na nararamdaman ko. Pagkarating namin sa University ay niyaya muna nya ako sa Canteen dahil may 45 minutes pa kami para sa first subject namin. "anong gusto mong kainin my love?" umiling ako, wala akong ganang kumain at tsaka maaga pa naman. "kailangan mong kumain, hindinmo dapat pabayaan ang sarili mo" sabi nito na nakatayo at nakahawak sa balikat ang isang kamay nya habang ako ay nakaupo. "busog ako Clent, kakain nalang ako kapag nagutom na ako." umiling iling nalang ito at umalis, mayamaya ay bumalik na ito at may dalang 2 lasagna at 2 juice. "kailangan mong kumain. huwag matigas ang ulo ok baka magkasakit ka nyan ulit" naalala ko na naman nong nagkasakit ako kong pano nya ako alagaan. muntik ng tumulo ang luha ko habang nilalaro ng tinidor ko ang lasagna. nagulat ako ng subuan nya ako "ahh open your mouth" napatitig ako sa kanya dahil naalala ko nong time na pinapakain ako ni Vlad dahil hindi ko kaya "open your mouth baby" biglang tumulo ang luha ko. "huwag ka ng umiyak please, hindi na healthy yang ginagawa mo, dapat ipakita mong matapang ka," sabi nito at pinunasan ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD