Ilang araw akong dinadaanan at sinusundo ni Clent sa bahay kahit malapit lang ang School sa bahay namin. kapag wala kaming gagawin after School ay ipinapasyal nya ako pero kahit libangin nya ako hindi ko makikilimutan si Vlad. dahil noon pa man, pagmamay ari na nya ang puso ko. tanging sya lang ang nakapagpatibok ng puso ko sa tuwing lumalapit sya sakin. pero kahit papaano sa ginagawa ni Clent ay nalilibang ako ng kaunti at hindi namumukmok lang sa bahay.
Walang Vlad ang nagparamdam sa akin kahit nong nakabalik na sya galing sa travel nya. ibig sabihin hindi ako ganoon ka importante sa kanya. maybe na realize nya na mas mahal nya talaga ang babaeng matagal na nyang hinanap. at si Celine? maybe dahil naibibigay ni Celine ang gusto nya. nalulungkot na naman ako at naiiyak.
pumasok ako sa trabaho ko pero wala si Clent nong time na iyon may importante lang syang nilakad. habang kumakanta ako ay nakita ko na naman ang pamilyar na tao na matagal ko ng hindi nakikita. patingin tingin ito sa akin habang umiinom sa isang sulok. kahit magdisguise sya hinding hindi ako magkakamali. dahil sa iksi ng panahon na nakilala ko sya. kabisado ko na ang puso ko. dahil sa kanya lang ito tumitibok kapag nakikita sya. pero hindi ko makakalimutan kong paano nya ako binalewala. imbes na maging masaya ako sa muli nyang pagpapakita ay lalo lang akong naiinis. wala naman syang dapat balikan dahil hindi naman kasi naging kami.
Oras ng breaktime ay nakipagbonding ako sa mga kasamahan ko sa banda sa loob ng kwarto. kumuha rin ako ng ladies drink na light para malibang kami. naalala ko kasi na nasa labas lang sya at nasasaktan ako ng makita syang muli kaya ayokong tumambay sa labas kahit tumatawa kami ng mga kabanda ko sumasagi pa rin sa isip ko ang mukha nya. nagtatangka syang makipag usap sakin pero hindi ko sya hinarap.
"Ms. Montessa, gusto daw po kayong makausap ni Sir Vlad." sabi ng isa sa waiter pero tinangihan ko
"pakisabi nagpapahinga ako, hindi ako nagpapaistorbo" sabi ko
ngunit pagkatapos ng isa pang breaktime kumuha ulit ako ng isa pang drinks at nagkulong ulit sa loob ng kwarto, sinamahan naman ako ng mga kabanda ko na uminom. First time kung uminom kaya sa dalawang drinks medyo hilo na ako. pero hindi naman ako ganun kalasing kasi light lang naman ang drinks na ininom ko. bahagya lang uminit ang katawan ko kaya namula na ng mukha ko. kaya lang sa first time na tulad ko mabilis syang umipekto maya maya ay dumating si Sir Alfred sa kwarto namin.
"Montessa wagka muna uminom may isang session kapa. baka malasing ka"
"dont worry sir Alfred hindi pa naman ako gaanong lasing"
"are you sure?"
"hindi pa po sya lasing sir," sabi ni Mike
"opo sir 2 drinks lang naman ang nainom nya" sabi ni Lester
"okay pero huwag mo ng dagdagan ah baka hindi kana makakanta at makakauwi," sabi ni sir.
"okay po sir pasensya na po"
"hindi moba kakausapin si Vlad, kanina kapa gustong makausap"
"no! po" mabilis kong tanggi
"ayokong makaladkad na naman ang pangalan ko" sabi kopa. umiling iling nalang ito
"okay, i'll go outside na, huwag ka ng uminom ha?
"yes sir"
pagkalabas ni sir ay nakipagkwentuhan ulit ako
"inom ulit tayo mamaya pagkatapos ng session ha?
"baka malasing ka baby girl, lagot kami kay sir Vlad" sabi ni kuya drake
"paki alam ko don, bakit ba kayo natatakot doon?" nagsisikuhan naman ang mga kasamhan ko at umiling iling nalang
nakakatuwa lang sa mga kasama ko dahil hindi nila ako inaasar sa nangyari nakipagbonding sila sakin at nakipagsabayan sa inom. alam nila ang nararamdaman kong sakit pero hindi nila ni minsan binabanggit sakin. ganon nila ako ka nirerespeto. hindi kasi ako ganon ka vocal dahil nga siguro inosente pa ako sa ibang bagay. ngayon lanf ako nakipagbonding na may kasamang alak.
Dahil medyo nag iinit na ang pisngi ko kaya nawawala ang kunting hiya ko sa audience. kung dati ay nakikipagbiruan lang ako sa mga customer ngayon ay hinahayaan kong makalapit sila sakin para makipagjamming. hindi naman nila ako binabastos. kilala na kasi nila ako at suki na namin.
may napili akong kanta at kialangan kong may ka duet kaya pumili ako sa mga customer ng isa. lumapit naman ito na tuwang tuwa. nagkantahan kami at nagtatawanan. tuwang tuwa naman ang mga kasamahan ng binata at mga customers dahil sintunado ang binata kaya pinagtatawanan sya.
habang nagkakantahan kami ay nakita ko si Vlad na biglang tumayo malapit sa stage na madilim ang mukha at nakapamewang ito. halatang pinipigilan lang ang galit nito. hindi naman ako nagpatinag at nakainom na ako kaya may lakas ako ng loob na makipagmatigasan. hindi na ako katulad ng dati na marupok at iyakin. pagkatapos naming kumanta ay nagrequest pa itong humalik sa pisngi ko kaya pinagbigyan ko. nawala naman si Vlad sa harapan ko ng bigla. bumalik pala ito sa upuan kasama si Sir Alfred. kinausap siguro ni Alfred ito. siraulo sya kung mangingialam sya.
natahiMik ang lahat ng kinanta ko ang
"Sinungaling mong puso" ni Sheryn Regis
request ito ng isa sa customer ko, last song ko na ito dahil matatapos na ang shift ko at pwede na akong umuwi. hindi ko sya feel kantahin pero kailangan.
Napa-ibig mo ako
Nabulag ang puso at isip ko
'Binigay ko ang lahat-lahat dahil sa'yo
Sa akalang pag-ibig mo'y totoo
Pinaasa mong ako'y nag-iisa
Sa puso mo at 'di kailanman
Sasaktan itong damdamin ko
Dalawa pala kami sa buhay mo
Sinungaling mong puso
Paano ba tatanggapin
Kay hirap ano ba ang dapat gawin
Mga pangarap gumuho dahil sa'yo
pakiramdam ko nagsisikip ang dibdib ko at parang tutulo na ang luha ko. tumalikod ako at uminom ng tubig para ituloy ang kanta. tinanong naman ako ni kuya mike kung ok lang ako pero tumango lang ako. pinipigilan ko talagang wag maging emosyonal.
Paano lalayo
Gayong pag-ibig ko'y alipin mo
Pinaasa mong ako'y nag-iisa
Sa puso mo at 'di kailanman
Sasaktan itong damdamin ko
Dalawa pala kami sa buhay mo
Sinungaling mong puso
Paano ba tatanggapin
Kay hirap ano ba ang dapat gawin
Mga pangarap gumuho dahil sa'yo
Paano lalayo
Gayong pag-ibig ko'y alipin mo
Nagising ako ngunit lahat ay huli na
Di kaya ng puso ang iwanan ka
Sinungaling mong puso
Paano ba tatanggapin
Kay hirap ano ba ang dapat gawin
Mga pangarap gumuho dahil sa'yo
Paano lalayo
Gayong pag-ibig ko'y alipin mo
Paano lalayo
Gayong pag-ibig ko'y alipin mo
nagpasalamt ako na tapos na ang kanta kaya bigla akong bumaba at tumakbo patungo sa kwarto habang tumutulo ang luha ko.
nang makuha ko ang shoulder bag ko ay dumaan ako sa back door at hindi na nagpaalam sa kanilang lahat kahit ang sahod ko ay hindi ko na nakuha.
naglakad ako sa baybayin at pinagmamasdan ko ang mga kakompetensyang bar na bukas pa. umupo ako saglit sa natumbang puno ng niyog at umiiyak. napagpasyahan kong pumasok sa isang bar at umupo sa bar counter. umorder ako ng wisky, nilagok ko ito ng diretso. gumuhit ang tapang at init nito na sumayad sa lalamunan ko. nahihilo na ako dahil siguro hindi ako sanay kaya 1 shot pa lang nahilo na ako. umorder ulit ko ngunit may tumabi sakin sa bar counter. amoy ko na kaagad ang pamilyar na amoy nito. parang umakyat sa ulo ang dugo ko. nanatili lang akong walang kibo at nilagok ang alak sa baso. hindi ko pa ito nauubos ay bigla nya itong inagaw kaya nagulat ako.
"ano ba!?" napataas ang boses ko sa ginawa nya pero hindi nya ako pinansin at hinawakan ako sa kamay at hinila palabas
"bitiwaan mo ko pwe de bba?, shino kaba?"
"get inside the car" mariin nitong sabi
hindi pa rin nya ako pinapansin at pinipilit na sumakay sa kotse lalo akong nahilo sa kapipiglas ko. nasusobsob na kasi ako.
"kilan kapa natutong uminom?"
"wa la kkang peki aalam" sabi ko at sumisinok sinok
"may pakialam ako dahil mahalaga ka sakin, look at yourself"
"i doont care" malamlam kong tingin sa kanya. naamoy ko na naman ang pabango nya at nanlalamig ang sarili ko dagdagan pa na nahihilo ako kaya bigla akong nasuka. hinahagod naman nito ang likod ko.
Nang matapos akong magsuka ay tinabig ko ang kamay nya. naglakad ako paalis pero mabilis nya akong nahawakan. nagpumiglas na naman ako.
"let mee gho ahhh" galit kong sabi at sumigaw
nagulat ako ng lumutang ako sa ere at pinaupo sa loob ng sasakyan pagkatapos ay sinarado nito ang pinto
"ayokong shumakay, aayokong shumama shayo, leet me goo" niyapos nya ako ng mahigpit para hindi ako makawala
"lets go now Mang Damian" sabi nito sa driver.
maingay ako sa sakyan at nagpupumiglas pero hindi nya ako pinapatulan. nanatili lang itong kalmado at tahimik.
hindi ko maintindihan. gusto kong lumayo sa kanya at ayoko ng makinig pa at maramdaman ang pag aalaga nya sa akin. nadadala na ako na baka mahulog na naman ako sa kabaitan nya at matatamis nyang salita. umiiyak ako at nagpapadyak pero mahigpit syang nakayapos.
nakaramdam ako ng pagod kaya nagpahinga ako. kahit kasi anong gawin ko hindi ako makakawala. bumibigat na ang talukap ko, kaya pumikit ako. naramdaman ko naman na isinandal nya ako sa malambot na bagay pero napakabango, pamilyar na pabango na hinding hindi ko pagsasawaan. hinahaplos nito ang buhok ko at hinahalikan din ang mukha ko. nananaginip lang ba ako? gusto kong dumilat pero napakabigat ng talukap ko. hinahaplos nanaman nito ang braso ko at nanatili lang ang halik nito sa noo ko at hindi na inalis pa ang labi. hinihintay kong alisin niya pero hindi nito inalis hangang sa nakatulugan ko na.
Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa mukha ko.
ididilat ko na sana ang mata ko pero naramdaman ko ang sobrang sakit ng ulo ko. para itong mababasag. napadaing ako sa sakit.
"arayy ahhh"
"baby are you okay?" kahit masakit ay napadilat ako ng marinig ko ang boses nya. may hawak itong tray na may mangkok, tubig at gamot . inilapag nya ito sa side table
"bakit kasi uminom ka, masakit ba ang ulo mo?" malumanay nitong tanong. kita sa mukha nito ang pag aalala.
"bakit nandito ako" nagtataka kong tanong. uminit bigla ang ulo ko ng makita ang mukha nya.
"lasing ka kagabi, sa sobrang kalasingan hindi mo na maalala?" naalala kong uminom nga ako sa isang bar pero hindi ko na maalala kong paano ako nakarating dito. bakit sya ang kasama ko?
"bakit dito mo ko dinala? may bahay ako diba?" sabi ko at tinaasan sya ng kilay
"may bahay ka nga pero sa tingin mo matutuwa ang parents mo kapag nakita kang sobrang lasing?"
"anong pakialam mo?"
"may pakialam ako dahil concern ako sayo"
"the hell with your concern, pwede ba tigilan mo na ako, gusto ko na ng tahimik na buhay, dumating ka lang naging magulo na" galit kong sabi sa kanya
" baby mahalaga ka sa akin," mababa nitong boses
" gusto ko ng umuwi," bumangon ako pero napakabigat ng ulo ko at ang sakit
"humigop ka ng sabaw at uminom ng gamot para mawala ang hangover at sakit ng ulo mo. magpahinga ka ulit pagkatapos" sabi nito at tumayo pagkatapos ay lumabas na. dinampot ko ang unan at ibinato sa kanya pero tumama lang ito sa pinto na nakasarado na.
"ahhhhh, i hate you!!!" sigaw ko. tinalikuran lang ako. gusto ko ng umuwi. bumangon ako kahit masakit ang uko ko, nagpunta ako sa banyo at naghilamos pagkatapos ay nagtoothbrush. magkatabi pa rin ang toothbrush namin. hindi man lang nya ito inalis?. napatingin ako sa salamin ng mapansin kong iba nanaman ang damit ko. sya kaya ang nagbihis sa akin? nagmamadali akong magtoothbrush pagkatapos ay hinanap ko ang mga damit ko sa kwarto nya pero hindi ko ito makita. nangigigil ako sa sobrang inis. ayokong magtagal sa kwarto na ito at naaalala ko lang ang lahat.
Dahil hindi ko ito mahanap ay napagdesisyonan kong lumabas ng kwarto sa sobrang inis. itatanong ko sa kanya para makapagpalit na ako at ng makauwi na.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang mga body guard nya sa main door. napatingin lahat sila sakin at yumuko. napatingin ako sa suot ko kaya naiilang ako dahil nakaboxer at tShirt na white ako. nilapitan ko pa rin sila.
"nasaan ang amo nyo?"
"ahmm nasa office po nya mam" sabi ng isa, ito malamang ang kanang kamay nya.
"pakituro kong nasan" walang gana kong sagot. sinamahan naman nya ako hangang sa pinto ng office nito at bumalik na sa pwesto nya. kumatok ako at binuksan. nakita ko itong nakaupo sa swivel chair nya at seryosong nakaharap sa laptop. napalingon ito sakin
"nasan ang mga damit ko?"
"pinalabhan ko dahil nasukahan mo kagabi" agad naman akong nahiya ganon pala ako kalasing kagabi? hindi ako nagpahalata at tinaasan ito ng kilay
"gusto ko ng umuwi"
"hindi pwede, look at yourself may hangover kapa, magpahinga ka muna"
"no, sa bahay na ako magpapahinga dahil may trabaho pa ako mamayang gabi"
"hindi ka uuwi!, understand?" nagulat ako at biglang tumaas ang boses nito. first time na tinaasan nya ako ng boses
"and who are you para pigilan ako?"
"ang sabi ko hindi ka pwedeng umuwi, wala ng marami pang dada, at hindi ka papasok mamayang gabi sa restobar. i will triple your salary wagka lang pumasok. naintindihan?" napangiti ako ng nakakaloko.
"dinadaan moko sa pera? hindi moko mababayaran kahit milyon pa, lamunin mo yang pera mo. kaya kong pagtrabahuhan ang pera na ipapakain sa pamilya ko. i dont need your help"
"huwag mo kong pwersahin baby na ibalik kita sa kwarto, matulog ka muna tsaka na tayo mag usap kapag nakapagpahinga kana"
"eh ayoko nga matulog! gusto ko ng-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong lapitan at buhatin palabas ng office nya.