Prologue
Shira's POV
I was about to wake up at bumangon na when I heard my father's voice outside.
"Kaya lumalaking spoiled 'yang anak mo, Weng! Hinayaan mo kasi." I rolled my eyes. If they were going to talk about me, sana hindi sa tapat ng kwarto ko, hindi ba?
"Good morning, Pa! It's early in the morning and you're high blood na, good vibes lang, Erpat," nakangiti kong saad.
"Kita mo 'yan, Weng? Saan natutunan niyang anak mo 'yang mga salitang 'yan?" Halos matsugi na si Papa sa pagka-high blood sa akin. Tinawanan ko lang naman ito.
"Don't worry about me, Pa! Hay, naku, saka ka na mag-worry kapag may syota na ako!" natatawa kong saad at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
"Bakit wala pa ba, anak?" malambing na tanong nito. Ang lakas magsabi kay Mama na ini-spoiled ako, samantalang siya itong madalas na kung ano-anong nirereto para sa akin.
"Wala pa po, Pa. Ang shoshongit ng mga 'yon. Mga isip bata pa, hindi ko tipo," humagahikhik kong saad. Napakamot naman sa ulo si Papa dahil sa pananalita ko.
"'Yan ang natututunan mo sa mga kaibigan mo? Ikaw talagang bata ka!" sabi ni Papa na napailing pa. Natawa naman ako dahil mukhang stress na stress na ang beauty ng papa ko. Sayang kakisigan nito.
Napailing na lang si Mama habang nakasunod sa amin.
"Good morning, Ma'am," bati ng ilang katulong. Ngumiti naman ako sa kanila. Agad hinanap ng mga mata ko si Ley na siyang kaibigan ko.
"Ley!" Malapad ang ngiti ko rito.
"Nesfruta ba, Sissy?" tanong niya sa akin nang malapit ako sa kaniya.
Anak ng isa mga katulong namin si Ailey. And she's one of my bestie since I was young.
"Ano'ng nesfruta?" tanong ko na nagtataka. Sa kaniya ko natutunan ang mga balbal na salitang hindi ko alam kung saan niya ba nalalaman.
"Real na real ba?" natatawa niyang tanong.
"Ah, my fiance? I think so. Well, I can make landi lang naman muna, then If he's shongit, then ekis na," sabi ko at ngumiti nang malapad.
I don't really care about my fiance for now. Bata pa naman ako, at marami pang mangyayaring iba kung sakali. I'm just seventeen. Kung dumating sa point na pakakasalan ko talaga ito, walang problema, basta ngayon ay mag-e-enjoy lang ako.
"Mama, just reto pa lang naman. I don't really know if it's nesfruta," sabi ko sa kaniya kaya tinawanan niya ako.
"Shuta ka. Siguradong sisisihin na naman ako ni Rest kapag nalamang may bago ka na namang words na natutunan," natatawa niyang sambit kaya natawa na rin ako.
"Oh, well, do you want to join us?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi na, girl, lumamon ka lang nang lumamon," natatawa niyang saad at kinawayan ako. Hindi ko naman na siya pinilit pa at sumabay lang sa pagkain kina Mama.
Ang sabi ni Mommy ay may nirereto sa kaniya ang business partner nila, and they want the guy for me. I don't really care pa naman. I just want to enjoy my life. If he's handsome and has a nice personality, why not?
Nang matapos kami'y hinatid na rin naman ako ni Papa gamit ang kotse niya. Nagtitsikahan lang kami ni Ailey habang nasa sasakyan.
"Hey, Girls! Where are you na? I'm here na!" sabi ni Rest mula sa kabilang linya. Napahagikhik naman kaming dalawa ni Ailey doon.
"Gogora na kung nasaan ka, Sissy!" sambit ni Ley.
"You should hurry up na. I'm waiting kanina pa," turan nito. Napairap na lang kaming dalawa ni Ley sa kaniya.
"Pucha, baka 'yang kanina mo, isang segundo pa lang," sabi ni Ley na napailing pa.
Agad naman napatingin si Papa sa gawi namin kaya palihim kong kinurot si Ailey. Ang bunganga talaga nito. Kinurot niya naman ako pabalik, ayaw talagang magpatalo. Nag-irapan naman kaming dalawa kaya parehas na lang din kaming natawa.
Nang makarating kami ay sinalubong agad kami ng nagra-rant na si Rest.
"You're so bagal!" reklamo nito.
"Ang ngetpa mo, girl, don't make reklamo na. Let's just go na lang," sabi ko sa kaniya. Napapailing na lang naman si Ailey na nasa tabi namin.
"Your manliligaw, Sismars!" sabi ni Rest kay Ailey.
"Binasted ko na, Sissy. Yummy lang, wala namang datung," natatawang saad ni Ley. Natawa naman kami roon. Ang hanap kasi ni Ailey sa lalaki ay mayaman.
"Siyempre, girl, mahirap na nga ako, papatol pa ako sa mahirap? Dahil nandito na ako sa Springhill, susuko pa ba ako na mahanap ang boylet na mag-aahon sa akin sa kapuritahan?" natatawa niyang tanong kaya napakibit na lang kami ng balikat ni Rest. Wala rin naman kaming masasabi roon dahil 'yon ang gusto ni Ley.
Kilala na namin ni Rest si Ley noon pa man. Alam na namin ang napagdaanan nito kaya wala talaga kaming paki kung magkaroon siya ng nobyong mayaman, although marami naman talagang nanliligaw sa kaniya. Boba rin kasi ang isang 'yan. Gustong-gusto naming tulungan ni Rest ngunit ayaw, hayaan daw siyang gumawa ng paraan para sa kaniyang sarili.
"You're so stupid talaga. Yummy na nga 'yon, saka mayaman naman, e! But not so yaman nga lang like what you want," sabi ni Rest sa kaniya.
"Hay naku, saka na, Rest. Kapag diretso ka nang magsalita," natatawang saad ni Ley rito. Maski ako ay natawa ngunit agad napasimangot dahil kay Rest.
"You're so epal. What about pa kaya kay Dolo."
Napahagikhik pa si Rest habang nakatingin sa akin. Agad ko namang kinurot ito. Aba, mas masakit nga lang ang kaniya dahil matulis ang kuko nito.
"You're so boba talaga!" sabi ko na inirapan siya. Tinawanan lang naman kami ni Ley at hinayaang maggantilan ni Rest. Napasimangot ako nang may mabangga.
"Ouch, you're so tanga, ha? You really have cheap head you kno—" Natigil naman ako sa pagsasalita nang makita kung sino ito. "Ang fafa naman." Napahagikhik pa ako habang nakatingin dito.
It's South Arceo with his antok-look. Plakadong-plakado talaga ang makakapal na kilay nitong nakakunot ngayon na halos magsalubong; ang mga matang itim na itim ngunit ang talim naman kung tumingin; ang matangos na ilong na siguradong tutusok sa iyo kapag hinalikan ka ng mapupulang labi nito.
So, fafa, huh?