Shira’s POV “Are you meeting your Papa today?” casual na tanong ni Mama sa akin. Nang ikwento ko sa kanya na nakausap ko si Papa. Halos manigas siya sa ginagawa, akala ko pa no’ng una’y nawalan lang siya ng signal sa bahay. ‘Yon naman pala’y gulat na gulat ito sa pangyayari. I know, mayroon pa ring sakit kahit na ano pang mangyari and who knows? Baka patago pa rin itong nasasaktan tulad ng dati. “Yes, Ma, may ipapasabi ka?” tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umiling na parabbang natatakot. I don’t know if I should tell my Mom about what happened to Papa no’ng mga panahong wala kami rito. Minsan naiintindihan ko rin si Tito, I don’t want to let my Mom get hurt. Nagagamot na niya ang malalim ng sugat na galing sa nakaraan. Nakakatakot na baka kapag may nabanggit ako’y babalik lang a

