Shira’s POV I woke up late in the morning na sobrang sakit ng ulo. Mukhang nasa kwarto naman ako. I can’t even remember anything. Sinubukan ko pang pukpukin ang ulo ko. “f**k, what happened?” tanong ko nang wala man lang pumapasok sa utak ko. Iritado naman akong tumayo sa kama ko habang hawak-hawak pa rin ang ulo. Sinong nag-uwi sa akin? Sina Merly din ba? Shet! Nakakahiya! Nagtungo na lang ako sa cr para mag-ayos ng sarili. Todo kuskos pa ako sa katawan at talaga namang todo toothbrush din. Nang makalabas mula sa cr ay nagbihis lang din ako habang sinusubukan alalahanin ang mga pinaggagawa ko kagabi kaya lang ay wala talaga akong maalala. Kinuha ko naman ang cellphone ko habang papalabas ng kwarto. Nakita ko namang punong-puno ng text ‘yon. Inuna ko namang basahin ang text ni Merl

