Maraming tambak na papeles sa desk ni Maris pero sa halip na pag-aralan, binitiwan niya ang mga iyon at sumandal. Halos hatinggabi na nang iwan siya ni Rommel sa kanyang unit. And by that time, he had kissed her nearly senseless. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman pa niya sa mga labi ang bawat paggalaw ng mga labi nito. Hindi niya gusto ang ganoong pakiramdam. Naapektuhan niyon ang kanyang sistema at nawawalan siya ng concentration. Hindi si Rommel ang tipo ng lalaking dapat niyang gustuhin. Puwedeng mayaman nga ito pero sa tingin niya, parang wala namang kusa at pagsisikap na magbanat ng buto. He held her, kissed and patiently listened to her dreams, pero hindi nagbuka ng mga labi para sabihin naman sa kanya ang mga pangarap nito. May kutob siyang parang walang ambisyon man lang si

