BRAYLL POV'S
Ang gusto kasi ng mga magulang namin ay kami mismo ang mamalakad sa negosyong pinaghirapan nila kaya tinupad naming magkapatid iyon. Sa laki pa naman ngayon ng resort ay hindi na kaya ng aming mga magulang dahil tumatanda na din sila. At meron pa silang itinayong branch sa Manila at iyon ang balak nilang ibigay kay Brayson.
At sa taon kong ito ay bihasa na ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Trabaho, bahay lang ako at ni minsan ay hindi nakikitang nakiki jamming sa mga kaibigan ko kung hindi naman importante dahil lagi kong iniisip ay masasayang lang ang oras.
Gwapo, matangkad, matipunong pangangatawan at dream boy ako ng mga kababaihan, kung bakit ko nasabi, iyon kasi ang madalas kong naririnig na papuri nila sakin at hindi ko naman iyon naitayanggi dahil may lahi akong Italyano at maganda din naman ang mommy ko. Maraming nagpapantasya sakin pero hindi ko pinapansin ang mga ito dahil iisa lang ang babae sa puso ko.
"Kilan ka ba uuwi baby?", minsan ay tanong ko kay Candace.
"Hinihintay nalang ang visa baby malapit na din siguro", sagot ni Candace.
Magkausap na naman kami sa video call at nahihirapan na din ako dahil sa sitwasyon namin. Miss na miss ko na ang aking kasintahan ngunit wala akong magawa kundi magtiis.
"Ohhh huwag ka ng malungkot magsasama din tayo", saad ni Candace
"I wish your here now Candace"
"I wish too baby"
"Hindi kaba pwedeng mauna nalang na umuwi, kailangan pa bang kasama mo si tito?"
"Baby alam mo naman ang kalagayan ko diba kailangan ko talaga ng kasamang magbyahe, what if atakihin ako habang nakasakay sa eroplano sinong tutulong sakin?"
"I mean matagal ng hindi kana inaatake sa puso baby, Im sure okay na ang lahat"
"Kailangan ko paring mag-ingat Brayll"
"Okay I understand"
"Sige na may gagawin pa ako"
"Baby nagtatampo kana naman ba?"
"No"
Maikli lang ang sagot ng nobya ko pero ramdam kong nagtatampo ito dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko lang talaga kaya na matagal kaming magkalayo ni Candace dahil habang tumatagal lalo akong nangungulila at nawawalan na ng pag-asa.
"Hey Baby Im sorry okay, please huwag ka namang magtampo", saad ko at sinusuyo ko na siya.
"Sige na bye goodnight matulog kana", malamig niyang sagot.
"Okay I lo....", hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinatay na ni Candace ang tawag.
Napasandal nalang ako sa upuan at tumingala sa kisame, ang hirap ng sitwasyon namin dahil kung nagtatampo ang isa hindi namin masuyo agad at hindi napaguusapan ng maayos. Ganun nalang palagi, papatayin ni Candace ang tawag para hindi humaba ang pag-aaway namin at ako heto masama ang kalooban at mag-isang pinapakalma ang sarili. Ilang taon din akong nagtitiis ng ganito dahil mahal ko siya at pinangako ko na hindi ko siya sasaktan.
At para mawala ang sama ng loob ko ay nagbababad ako sa trabaho at madaling araw na minsan akong umuuwi. O di kaya ay sa opisina na ako natutulog at uuwi nalang ako para makaligo at magpalit ng damit.
Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Candace, nasa meeting ako kaya hindi ko ito sinagot dahil importante ito. Kung magtatampo man siya ay bahala na, ayuko kasing mapahiya sa mga board of members dahil pinagkatiwala sakin ni daddy ang meeting na ito.
Hindi kasi nakadalo ang aking daddy dahil masama ang pakiramdam niya. Pagkatapos ng meeting ay saka ko lang hinawakan ang aking cellphone at tinawagan si Candace.
"Hello baby?", saad ko ng sagutin ito ni Candace.
"Asan ka baby?", tanong niya.
"Nasa opisina kakatapos lang ng meeting kaya hindi ko nasagot ang tawag mo"
"Ganun ba, open mo ang camera mo"
"Why?"
Binuksan ko nga ang camera ng video call namin at ganun din si Candace. Laking gulat ko nalang ng makita ko ang pamilyar na lugar sa likuran ng aking kasintahan.
"Teka, nasaan ka? Nakauwi kana? Sa sala niyo yan ha", sunod-sunod na tanong ko dahil napansin ko ang sala na inupuan niya.
Panay naman ang tawa ni Candace dahil sa expression ng mukha ko, may halong gulay at excitement.
"Yes andito na ako sa Pangasinan kakauwi lang namin ni daddy", saad ni Candace.
"Omg!, hintayin mo ako pupunta na ako diyan", saad ko at agad na tinungo ang aking opisina at dinala ko ang aking gamit.
Walang mapagsidlan ang tuwang nararamdam ko dahil sa wakas ay makikita ko na ulit ang babaeng pinakamamahal ko, mayayakap, mahahagkan, makakasama at kung pwede ay maangkin ko na sana siya. Pero hindi ko naman pipilitin kung ayaw niya dahil gusto ko ay kusang loob niyang ibibigay sakin ang kanyang sarili na may halong pagmamahal.
Agad na akong lumabas at sumakay sa aking kotse, may nadaanan akong jewelry shop at ako bumili ng pinakamahal na singsing, gusto ko na sanang magpropose kay Candace para wala na siyang kawala sakin. Siya ang pangarap kong mapangasawa, maging ina ng aking mga anak, makasama sa hirap at ginhawa at makasama habambuhay.
Bumili din ako ng bulaklak at isang kahon ng chocolate cake na paborito ng aking kasintahan, at saka na ako nagpatuloy sa byahe papunta sa bahay nila Candace. Hindi naman kalayuan ang bahay nila kaya madali lang akong nakarating.
Pinagbuksan ako ng gate ng katulong nila Candace, pagka parking ko palang ng aking kotse ay mabilis na ang kabog ng dibdib ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga at saka na ako bumaba dala ang bulaklak at cake.
"Babyyyyyy!!!", narinig kong sigaw ni Candace palabas ng kanilang bahay.
Halos lumipad na siya sa pagtakbo papunta sakin ng makita niya akong nakababa na sa aking sasakyan.
"Babyyyy!", saad ko din.
Yinakap namin ang isat-isa ng buong higpit, ramdam sa pagitan namin ang pagkamiss sa bawat isa. Nagtagal ang yakapan namin hanggang sa dumating ang daddy ni Candace sa aming kinaroroonan.
"Ahm", tikhim ng ama ni Candace na si Sir Dan.
Doon lang kami naghiwalay mula sa pagyayakapan at nagtawanan pa. Iniabot ko ang aking dala kay Candace.
"Thank you baby", saad niya.
"Welcome baby"
"Mano po tito", saad ko sa ama ni Candace.
"Awaan ka ng Diyos iho, ohh pasok ka muna sa loob at doon tayo mag kwentuhan", nakangiti nitong sabi sakin
"Sige po"
Tanggap at botong boto ang ama ni Candace sakin, paano naman bukod sa gwapo at mayaman ay mabait pa ang magiging manugang nito. Syempre bubuhatin ko na ang sarili kong bangko dahil totoo naman iyon.
"Dito kana kumaen ng hapunan nagpaluto ako kay Manang para may kasama naman kami ni Candace", sabi pa ng ama ni Candace.
"Sige po tito magpaalam lang ako kina mommy", sagot ko at saka ko kinuha ang aking cellphone para tawagan si mommy.
At pinayagan naman ako ng aking ina at natutuwa din ito dahil sa pagdating nila Candace, at sinabi pa ni mommy na ipasyal ko siya doon dahil gusto din nilang makita ang nobya ko. Q
Habang kumakaen kami ay napasarap ang kwentuhan namin, tawanan at napag-usapan ang naging byahe nila pabalik ng Pinas, maging ang mga experience nila sa ibang bansa.
"Ohhh pano tapos na tayong kumaen baka gusto mong samahan akong uminom, namiss ko kasing uminom ng may kasama", saad ng ama ni Candace.
"Pero dad baka hanapin siya doon sa kanila, saka gabi na baka mapano pa siya sa daan kapag naginom pa siya", suway naman ni Candace sa ama.
"Ohh di dito nalang siya matulog para walang mangyaring masama sakanya, diba iho?"
"Ahhhh opo tito, sasamahan ko po kayo total sabado naman bukas walang trabaho", sagot ko.
"Ayan sige tara na sa sala doon tayo mag-inom" tugon ni Sir Dan at tumayo na ito para kumuha ng alak.
"Baby baka malasing ka ha, kunti lang inumin mo malakas pa naman uminom si daddy", warning ni Candace sakin.
"Don't worry baby ako ang bahala, gusto kong pagbigyan ang daddy mo para naman pumayag na siya kapag hiningi ko na ang kamay mo para maging asawa ko"
"Hay naku ikaw talaga kung anu-ano na naman nasa isip mo, sige na nga basta kunti lang ha para hindi masakit ang ulo mo paggising mo bukas uuwi kapa naman"
"Oo baby ko ano ka ba kaya ko ang sarili ko okay"
"Sige na magpahinga muna ako, tawagin mo nalang ako kapag tapos na kayo o di kaya kapag knock down na si daddy hehhe"
Nagtawanan kami sa sinabi niya, malakas kasing uminom ang kanyang ama at kapag sobra na ang kalasingan ay matutulog nalang at wala ng kaalam alam sa paligid.
Nagsimula na nga kaming uminom at beer pale pilsen ang iniinom namin, may pulutan din kaming sisig at inihaw na bangus na siyang paborito ng ama ni Candace. Lalo na at masarap ang pagkakaluto ng mga pulutan kaya napadami ang aming ininom hanggang sa nalango na sa alak si Sir Dan at halos bumagsak na ang katawan sa kalasingan.
Ako naman ay katamkatam lang ang nainom ko pero ramdam ko na ang pagkahilo. Hindi kasi ako sanay uminom ng madami at idagdag pa na pagod ako ngayon kaya madali akong natamaan.
"Manang?"
Hinahanap ko ang katulong nila Candace para sana sabihin na lasing na ang amo nito at magpapasama na buhatin papunta sa kwarto. Ngunit walang sumasagot at mukhang nakatulog na din dahil hating gabi na.
Pinuntahan ko ang kwarto ni Candace at kinatok, nagbabakasakali akong gising pa ito. Ayaw ko namang iwan nalang ang lasing na si Sir Dan sa sala dahil hindi komportable at baka magkasakit pa ito kapag nalamigan.
Pagbukas ng pinto ay naka nighties lang si Candace na halos lumawa na ang kaluluwa sa sobrang iksi at nipis. Napalunok tuloy ako sa aking nakikitang ayos ng aking kasintahan.
Gusto kong iwasan ang nararamdang init ng aking katawan pero hindi ko ito mapigilan. Dahil nakainom na din ako ng alak ay halu-halong emosyon na ang aking nararamdam. Napalunok ako dahil lalo pang lumapit si Candace sakin.
“Tulog na ang daddy?”, tanong niya.
“O-oo k-kanina pa, tinatawag ko si manang para sana magpasama na ipasok ang daddy mo sa kwarto niya pero mukhang tulog na”, sagot ko naman.
“Sabi ko naman sayo tawagin mo ako kapag nakatulog na siya”, saad niya at hinawakan ang aking braso
“Halika na tulungan kita", dagdag pa niya.