Salome : Yanggaw 2 !
-------
Hanggang sa napagpasyahan ko ng buksan ang pintuan ng kwarto nila ..
Dahan dahan kong itinulak ang pinto ngunit hindi ko ito maitulak tulak ..
"Nakasarado? Sa isip isip ko
Tinulak ko ulet pero wala ..
Sinubukan ko ulet tawagin si ate thelma ngunit wala
pa ding sagot mula dito ..
"O bat antagal nyo? Tanong ni dodoy na nasa likod ko na pala ..
" Doy nakasarado eh tsaka wlang sumasagot .. " napapakamot sa ulong wika ko dito ..
Ngunit sa aking pagka lito at pagka gulat ay nabuksan naman ni dodoy benjie ang pinto ng walang kahirap hirap ..
" Oh akala ko ba sabe mo nakasarado ? Hindi naman eh .. ikaw maot ha . Bumabawe ka nu ? Hmmm .. Maot ? "
Nakakaloko pang pang aasar sa akin ni dodoy ..
Lumabi na lamang ako sa kanya .. wla eh .. wla talaga akong maisagot .. kase totoo namang nka sarado iyun kanina at hindi ko mabuksan buksan .. lutang pa ko kakaisip ng bigla na lang ako tinapik ni dodoy benjie ..
" Hoy maot , sabe ko tara na .. nkatulog na ang ate thelma mo kaya hindi ko na ginising .. ayaw kase nyang ate mo na ginigising kapag nkatulog na xa kse hindi na sya nkaka tulog ulet "
" Haba ng explenasyon doy ? Pagbabalik asar ko sa dodoy ko habang naka ngiwi face pa , tara na nga at gutom na talaga ko !"
Bumalik na kami ni dodoy sa hapagkainan ..
Apat lang kami kumaen , cnbe na din ni dodoy bket wla si ate thelma ..
Masaya kaming nag kukwentuhan habang kumakaen .. andaming kuda ni dodoy nun ..
Mga naging buhay nya sa cebu .. kung paano yung mga ginagawa nya sa trabaho .. at kung ano ano pa ..
Masayang masaya kami kasi nakumpleto kami ulet ..
yung kami ulet na apat ang magkakaharap sa lamesa ..
Mababanaag mo talaga sa muka ng inang at itang namin ang matinding kasiyahan ..
Nung natapos na kami kumaen ako na ang tumulong kay inang para mag ligpit at ako na din ang nag hugas ng plato tulad ng nkagawian ko na ..
Pagtapos ng lahat ng gawain ay sumunod naman ako sa labas ng bahay kase nandun sila ..
May papag kse na pwedeng pag pahingaham dun sa me puno ng mangga sa harap ng bahay namin .. meron din dung duyan na gawa sa sako ..
Madami pa silang napag usapan nun bago namin napag pasyahan pumasok na sa bahay pra mka pagpahinga na at mka tulog ..
Pumasok na ko sa kwarto ko .. mga ka estorya kung di ko pa po pala nasasabe tig iisa naman po kami ni dodoy ng kwarto pero yung tamang tama lang naman ..
di naman kse kami mayaman ..
yung magkakasya lang yung higaad tas isang aparador na gawa sa kawayan (si itang pa ang may gawa nun) isang maliit na lamesa at isang upuan.
Sa me bandang uluhan ko nka pwesto yung bintana ..
Nakahiga na ko pero hindi ako dalawin ng antok ..
Tas parang init na init ang pakiramdam ko ..
Tas hindi ako mapakali ..
Kaya Uminum na lang muna ako ng tubig na nsa lamesa (naka gawian ko na kase na nag dadala ng tubig sa kwarto)
Ng mka inum na ko ay medyo naging ok naman ang pakiramdam ko pero maalinsangan pa din talaga ..
Maya maya pa ay nagulat ako ng bigla na lamang nag ingay ang mga manok namin sa kulungan nila sa likod ng bahay ..
Yung aso namin nag iingay na din ..
Dahil sa ingay na iyon ay nagising si Itang ..
Naramdaman ko kse ng nag bukas xa ng lampara ..
Lumabas na din ako ng kwarto ..
Gusto ko din kase malaman kung anong nagyayare sa labas ..
Sumama ako kay itang na lumabas ng bahay ..
Ng tignan namin ang mga manok ay nagulat kami ni itang ..
Nakita namin na me patay sa mga manok na alaga namin ..
Hindi lang isa kundi anim !
Wala naman kaming ideya kung pano o sino ang may gawa nun ..
Imposible din naman kasing ahas !
Kinuha na lang na muna ni itang lahat ng patay na manok at isinilid sa sako ..
Pina kisuyo din sa akin ni itang na kuhanin ang pambungkal nya ng lupa para ma ilibing nta ang mga namatay na manok ..
Di na daw namin yun lulutuin baka mapano pa kami ..
Ng mailibing na nya ang mga patay na manok ay pumasok na din kami agad sa bahay ..
Hindi pa din naman ako makatulog pero dahil na din siguro sa pag iisip ko sa nangyare sa mga manok namin ay nakatulog na ako ng di ko na namamalayan ..
Nagsing naman ako sa ingay sa labas ng bahay ..
Nakiramdam muna ako bago bumangon ..
Nandun pla yung mga kasamahan nila itang na nag gagapas ng tubo ..
Hindi ko na lamang pinansin nung una ..
Ngunit na pukaw ang atensyon ko sa usapan ng mga ito ..
Hindi ko na lamang pinansin nung una ..
Ngunit na pukaw ang atensyon
Ko sa usapan ng mga ito ..
Bale nag papahinga sila ng mga oras na iyun ..
Andami nilang usapan ..
Pero ang tumatak talaga sa akin ay yung usapan ni itang at ni manong ungkol ..
" Yung bibe namin do 3 patay wakwak ang tiyan .. sbe ni ungkol , isa sa kasamahan ni itang ..
(Mando kse ang pangalan ni Itang kaya do ang tawag sa kanya Merlita naman si inang kaya lita ang tawag sa kanya)
" Kaninang madaling araw , sabe ni pareng embong nagising din daw sya sa ingay ng mga manok din nila 7 ang patay .. wakwak din ang tiyan wika ulet nito ..
"Baka mga pusang gubat ang umatake dinig kong sbe ni itang .. "
"Naku do malakas ang kutob namin na yung bagong lipat dun sa lupa nila Dindo ang may gawa .. Taga Capiz daw iyon "
" Ano ? Jahe tayo jan ungkol wla naman tayong pruwebe sagot naman ng itang ko kay manong ungkol .. "
" Basta do malakas talaga ang kutob namin , mag roronda daw mamaya sila pedring at iba pang mga nag presinta na sasama .. ikaw ba do ? Gusto mo ba sumama ? "
" Di na muna siguro , alamu namam kakauwe lang ni Benjie tas kasama nya pa yung magiging asawa nya ..
Mas gusto ko muna xmpre makasama ang pamilya ko , minsan lang kami nabubuo at nag sasama sama paghihindi ni itang " ..
Madami pa silang mga napag usapan tungkol sa magaganap na ronda ..
Bale , gabi gabi dw nila iyong gagawin at toka toka na lamang para yung iba mkapag pahinga din ..
Umalis naman na sila agad nun at bumalik na sa tubuhan para tapusin ang pag gapas ..
" panong yung bagong lipat kela dindo ? Baket sya ? "
Naguguluhang tanong ko sa sarili ko ng mga oras na iyon ..
"Hoy salome !
Tila nilipad ang kaluluwa ko sa matinding gulat ..
" Anlalim ng iniisip mo ah ..
Tawag kna ni Inang , kumaen kna daw at tanghali kna nagising .. "
Si ate thelma pla iyon ..
" Jusko po naman ate , ginulat mo naman ako , yung puso ko naman ! Magkaka altapresyon ako ng wla sa oras neto .. "
Patawatawang sabe ko dito ..
" Nakuuu salome .. hayaan mo sa susunod sila naman ang magkaka altapresyon sa puso dahil sayo .. "
Natigilan ako .. napatingin ako kay ate thelma ..
"Ano ate ? "
Tinawanan ako neto
" Ou salome kase ngayon pa lang magkaka altapresyon na si inang sayo .. kanina pa yung nag aalala hindi kapa daw nkakaen ! "
Natawa na lang din ako sa sinbe ni ate thelma ..
" Ate naman akala ko kung ano na " tara na nga , gutom na man na talaga ako "
Nginitian lamang ako nun ni ate thelma
"Dito na muna ako , masarap ang simoy ng hangin dito " wika nito ..
"Sege ate , pasok muna ako sa bahay .. "
"Salome anak kumaen kna jan anong oras na .. " salubong agad sa akin ni inang ..
"Inang talaga oh .. kakaen na po ako .." nakangiting sagot ko ..
"Nga pala salome anak , maya maya magpunta ka sa bayan ..
Ililista ko na lamang ang mga dapat bilhin . Isama mo na ang ate thelma mo para naman mkapag ikot ikot din siya .. "
" Sege po nang , sabihan ko na lang po tapos si ate thelma .."
"Sge na .. iiwanan ko na lamang jan mamaya ang papel pati ang pera , babalik naku sa tubuhan .." at umalis na nga ito ..
Pagkatapos ko kumaen ay naligo na agad ako ..
Nasa kalagitnaan na ko ng pagligo ng me narinig akong mga kaluskos sa likod ..
Pinakiramdaman ko itong mabuti .. meron talaga !
Dali dali na kong nag banlaw nun at nag tapis na lamang ng tuwalya palabas ng banyo ..
Inikutan ko kagad sa likod ngunit wla .. napakatahimik naman doon ..
Iikot na sana ako pabalik ng muntikan ko ng mabangga si ate thelma ..
"Ay inang ! Naku naman po ate , nakakagulat ka naman po .. bigla bigla ka na lang nasulpot .. "
" Nakita kase kitang nag mamadali papu ta dito sa likod .. akala ko kase kung ano ng meron kaya sinundan na kita .. ano ba yun ? Bat para naman nagmamadali ka at para kang me hinahabol ?"
" Wala ate .. me naalala lang kase ako bigla .. Nga pala ate samahan mo daw ako sa bayan mamalengke sbe ni Inang ".. pag iiba ko sa usapan ..
"Sege ba , mag bibihis na din ako para pagkatapos mo din mag bihis mka alis na tayo agad .. "
Umalis naman kami agad ni ate Thelma nun ..
Kinuha ko yung pera at listahan ng mga bibilhin na iniwan ni Inang sa lamesa ..
Habang nag lalakad kami ni ate ay nawiwili naman kaming dalawa sa kwentuhan namin ..
Maya-maya pa ay natahimik si ate thelma ..
Banaag sa mukha nito ang matinding takot ..
Takot at Galit .. yun ang nakikita ko sa reaction nya ..
Sinundan ko naman ng tingin ang lugar kung saan sya nkatingin ..
Ngunit sa aking pagka gulat ..
Itutuloy ..